CHAPTER THIRTY TWO

111K 2.2K 103
                                    

Enjoy reading! Not edited. Expect wrong grammar and mispellings.





Ikatatlumpo't dalawang kabanata
Damon's pet

PUMASOK si Timothy sa library ng mansion nila. Narito si Yiorgos kasama ang secret agent na si Dominique Perron.

Saglit siyang nilingon ng mga ito saka muling ibinalik ang mata sa screen ng laptop.

"How is she?" tanong niya kay Yiorgos at pumwesto sa likod nito.

Tinignan niya ang CAM 2 kung saan ay nakikita si Riosaki na naninigarilyo sa balkonahe ng kwarto nito.

"Negative, Prince Timothy. She didn't do anything suspicious. She was sleeping for two hours and now she's smoking for almost thirty minutes." wika sa kanya ni Yiorgos

He tsked. Riosaki's really have something and he's sure of that. But days had passed and it's always turns out negative. She's not doing anything that suspicious.

"May makukuha ba talaga tayong impormasyon sa kanya?" Dominique asked.

Pati ito ay naiinip na rin. Ang banyo ang binabantayan nito. Ang CAM 7, CAM 8 at CAM 9. Dalawa para sa comfort room at isa sa shower room.

"Yes. She denied to knew Kuguro Hayashi. But Jiro told us that her sister already warned him about his father." sagot niya sa tanong nito.

Umirap si Dominique at galit na dinuro ang screen ng laptop na binabantayan ni Yiorgos. Dinutdot niya ang screen kung nasaan si Rio.

"Lintek na babae 'to? Hindi ba pwedeng puntahan ko na lang siya sa kwartong 'yan at sakalin para umamin?" gigil na wika nito

Bumukas ang pinto ng library at pumasok si Keisaki na may suot na party hat.

"Pinaiiral mo na naman 'yang pagiging brutal mo!" kausap nito kay Dominique.

Kaagad nagbago ang hitsura ng dalaga. Ang inis na mukha nito ay napalitan ng ngiti. Tumayo ito sa pagkakaupo at dinamba si Keisaki.

"Namiss kita Miss!" masayang turan nito.

Napatawa si Timothy ng makitang namumula ang mukha ni Keisaki. Nakadikit ang malaking boobs ni Dominique sa dibdib nito. At dahil abala sa pag-ungot ang dalaga ay hindi nito napapansin ang pagkakapako ng mata ni Keisaki sa cleavage nito.

"Ang cute cute mo talaga Miss." pinisil ni Dominique ang pisngi nito.

"Ano ka ba Nique! Pinanggigigilan mo na naman ako!"

Naiiling na naupo siya sa kaninang inuupuan ni Dominique. Saka siya tumingin sa Laptop na gamit ni Yiorgos. Pumasok na si Riosaki sa loob ng kwarto.

Nahiga ulit ito sa kama at pumikit.

Tsk! Kailan ba kikilos ang bwiset na babaeng 'yan? Lumipas ang sampung minuto ngunit hindi na nagmulat pang muli si Rio. Mukhang nakatulog na naman ito.

Napatingin si Timothy sa pambisig na orasan. Baka tapos ng maligo si Abigale Marie. Kailangan niya ng balikan ito sa kwarto nila.

"Yiorgos mag-ayos ka na. Sasama ka sa amin sa eskwelahan. Pakidaanan rin ang kambal sa room nila. Pakisabihan sila na h'wag ng lalabas sa room nila. Patapos na kamo ang mommy nila maligo." utos niya kay Yiorgos.

Mabilis na tumango si Yiorgos saka tumayo sa kinauupuan. Siya naman ang pumalit rito sa pagbabantay kay Rio.

"Yes, your highness!" wika nito at yumukod pa sa kanya.

Bago pa man ito lumakad paalis ay nagsalita ulit siya. Inalis niya ang mata sa screen at nilingon ang butler.

"Yiorgos, bakit napakapormal mo ba sa akin? Palagi mo na akong tinatawag na your highness. You know that I hate being called with the title at my name. We're all the same. Don't be so formal, okay? Lalo na kung tayo-tayo lang naman." sabi niya rito.

TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon