Irereveal na natin kung paano nakilala ni Timothy ang kambal. Hihihi. Kung naaalala niyo pa ang ibibigay kong eksena ay hindi niyo na kailangang magback-read. Nasa Chapter Seventeen ang eksenang ito.
Not edited. So expect wrong grammar or typos. Antok na ako e.
Ikadalawampu't limang kabanata
How they met?MAGKAKATABING nakahiga sa kama si Abigale at Timothy. Habang ang dalawa nilang anak ay magkatabi ring natutulog sa bandang kanan nila. Mabuti na lang at malaki ang king size na hinihigaan nila kaya nagkasya silang apat. Hindi kasi nila mahindian ang request ng kambal na matulog sa tabi nila.
Kaya naman no more sexy time itong si Timothy. Hanggang kiss at hug lang muna siya ngayong gabi.
"Time flies so fast. Malapit ng mag-6th birthday ang kambal. Madadagdagan na naman ang edad nila." malungkot na wika ni Abigale habang hinahaplos ang malambot na buhok ng anak na si Damon. "Palaki na sila ng palaki."
Iniyakap ni Timothy ang braso niya sa beywang ni Abigale at hinapit ito palapit sa kanya.
"I want them to have a grand party." wika niya rito.
Kaagad na humarap si Abigale sa kanya. Alam niya nang aalma ito. She never like the world 'grand'. Alergic na ata ito sa salitang iyon.
"Pero..." pinigilan niya ang kung anumang sasabihin ng kasintahan sa pamamagitan ng kanyang labi.
"No buts, sweetie. That will be the very first time we will celebrate their birthday together, as a whole family. Spending thousands or even millions is not important. I want them to enjoy their special day. I will give them all of they want."
Sumimangot si Abigale habang marahang hinahaplos ang labi. Sa hindi niya malamang dahilan ay gustong-gusto niya ang labi nito. Madalas nga siyang nate-tempt na halikan ito.
"Timi, ayaw kong ma-spoiled mo masyado ang dalawa ha. Tandaan mo, no spoiling of our children. Ayaw kong lumaki silang maaarte at maluho."
"Okay agapí mou. Promise I will not going to spoil them too much." natatawang wika niya.
Mas sumimangot si Abigale.
"Eehh, bakit may too much? Ibig sabihin ii-spoil mo pa rin sila."
Tumawa siya at hinalikan ang tungki ng ilong nito, "Ofcourse, they are Vidales. Dad spoiled me, so my son needs to be spoil too."
Mahina niyang sinampal sa mukha si Timothy. Balak pa ata nitong spoiled ang mga anak niya. That's a BIG NO for her.
"No spoiling of our children Mr. Vidales." pinatalim niya ang kanyang mga mata.
"Na-ah! That imposible to happened Mrs. Vidales. I have money and I have two adorable sons, I will give whatever they want as long as I can give it to them." umusog siya palapit kay Abigale at pinagdikit ang noo nila. Sumilay ang napakalawak na ngiti sa kanyang labi. "You didn't know how happy I am to have them. Hindi ko man nakita na ipanganak at hindi ko man nasubaybayan ang paglaki nila. Masaya pa rin ako. No words can describe what I am feeling right now. You and our children by my side. Wala ng mas suswerte sa akin. Mabuti na lang talaga at naka-shoot ako bago tayo nagkahiwalay noon."
Pabirong pinalo siya ni Abigale sa dibdib.
"Buntis na po ako bago tayo maghiwalay. Nalaman ko na lang nung nasa Japan ako."
Umingos si Timothy, "Psh, kung nalaman ko sana na buntis ka noon ay hindi talaga ako papayag na magkahiwalay tayo. Kung ipipilit mo pa ring mag-stay kasama ang dad mo. Sasama ako sa inyo sa Japan para hanapin yung kapatid mo." napabuntong-hininga si Timothy. "Pero bakit sa loob ng six years, hindi ko man lang nalaman na may anak na pala ako? Kung hindi ko pa sila makikita sa condo unit mo ay hindi ko malalaman? Ano ba talagang balak niyo ni mommy at itinago niyo sa akin ang kambal?"
BINABASA MO ANG
TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)
RomanceHighest rank so far #2 in Romace Timothy Vidales can be classified as one of the hottest bachelor in the country. He has everything before he was even born. He's the only heir of the Vídales, one of the rich family living in Greece. His parents wan...