Ikasampung Kabanata
Begging For A ChanceNAGTATAKBONG lumapit ang kambal ng makita si Abigale na papalapit sa kinaruruonan nila. Kakatapos niya lang gamutin ang mga sugat ni Samuel. Kasama niya dapat ito pero nagpaiwan iyon ng makakita ng bagong mapopormahan sa information desk.
“Mommy! Bakit mo po ako binigay sa kanila? Hindi mo na ba ako love mommy?” umiiyak na tanong ni Demon.
Natatawang pinisil niya ang pisngi ng anak at pinunasan ang mga luha nito.
“I'm sorry baby. Hindi naman sila bad 'di ba? Tsaka may kinuha lang si mommy.” nag-squat siya upang masapatusan si Demon. Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak. Mukhang matatagalan bago niya mapapatahan ang anak.
“Mommy kay lola na po ako magpapasuot ng shoes ha!” wika naman ni Damon. Tinignan ni Abigale ang kanyang Tita Trinity. The old woman smiled to her.
“It's okay hija. It's a pleasure for me. Isa sa pangarap ko ang masuotan ng sapatos ang apo ko. And I'm so happy na hindi ko na hihintayin pa ang panahong iyon. Because I already have the two of them.” masayang turan ng ginang.
Nakangiti niyang sinulyapan ang mag-lola habang nagsusuot ng sapatos.
“Wala na ba si Timothy, Abby?” biglang tanong ni Sebastian na nakapagpatigil sa kanya.
Napabuntong-hininga si Abigale ng maalala ang nangyari kanina sa taas. Medyo intense iyon. Parang gustong sumakit ng ulo niya sa tuwing maaalala ang tagpo sa itaas.
“Nakaalis na siya.”
“Nagkita ba kayo anak?” ang ginang naman ngayon ang nagtanong.
“Ah opo tita!”
“So how did it go?” bumadha ang labis na pagkasabik sa mukha nito. Sabik itong malaman kung anong nangyari sa muli nilang pagkikita. “Is there something happened between the two of you?” biglang namula si Abigale sa tinuran ng ginang.
Naalala niya kasi ang kissing scene at yakap scene nila ni Timothy bago dumating si Samuel. Ano kaya ang nangyari kung hindi dumating ang asungot niyang boss?
Nagkausap kaya sila ng maayos ni Tim? Nasabi niya kaya ang tungkol sa mga anak nila?
“Kakanta na ba kami ng, Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig...” biro naman ni Darylle.
Tumawa ang tatlo maliban kay Abigale. Namumulang napayuko siya sa panunukso nito. Syempre affected siya sa pang-aasar nito. Kanina lang ay may kiss and hug na nangyari. At ngayon naman ay kinakantahan siya ng ganyan.
Maibabalik nga ba ang tamis ng pag-iibigan nila ni Timothy noon?
“Sira!” napapailing rin si Abigale sa sariling isip. Hindi dapat sarili niya ang isipin niya ngayon. Iyon ay ang anak niyang umiiyak pa rin ngayon.
“Saka ko na lang ikukwento tita. Tinotopak ho itong bunso ko. Kailangan ko na po siyang patahanin dahil baka kapag hindi tumigil sa kaiiyak ito ay baka hikain na siya.”
Kaya nga hindi matiis ni Abigale ang anak kapag naiiyak ang mga ito e. Hindi kasi maganda ito para sa anak niya, lalo na sa bunso niyang si Demon na may hika.
“Aaawww... come to lola, baby.” sinubukan ng ginang kung sasama sa kanya ang apo. Ngunit umiling ang bata. Ayaw talaga nitong sumama sa iba.
“She's your dad's mom. Dapat hindi ka natatakot kila lola.” paliwanag ni Abigale. Unti-unti namang humina ang paghikbi nito. Tumingin ito sa tita Trinity niya. Sunod namang ipinakilala niya ang dalawang kaibigan. “At sila naman ang kaibigan ni daddy mo. They are Tito Darylle and Tito Sebastian.”
BINABASA MO ANG
TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)
RomansHighest rank so far #2 in Romace Timothy Vidales can be classified as one of the hottest bachelor in the country. He has everything before he was even born. He's the only heir of the Vídales, one of the rich family living in Greece. His parents wan...