Ikalabing Limang Kabanata
Trouble EverywhereMAINGAY ang buong paligid sa loob ng isang bar. Nahihilo si Abigale sa malilikot na ilaw, sa lakas ng tugtog at sari-saring amoy sa paligid. She never like bars.
“Are you okay?” tanong sa kanya ni Timothy. She gently nodded her head. Para siyang nasusuffocate ng maamoy ang usok ng sigarilyo na kanina pa binubuga ng mga nasa kabilang table. Halos lahat ata ng naroon ay naninigarilyo.
“Use this!” inabot sa kanya ni Timothy ang panyo nito. Hindi na siya tumanggi pa. Kailangan niya iyon para takpan ang ilong. She hates cigarettes smoke smell.
“Sa wakas sumama ka rin sa amin Abigale!” wika ni Airene sa kanya. Isa sa mga ka-department ni Moley na minsan niya lang makausap.
“Kasama kasi ang papalicious niya mare. Swerte mo talaga Abby!” hindi niya kilala ang huling nagsalita pero namumukhaan niya ito.
Hinawakan ni Timothy ang kamay niya at inalalayan siyang makaupo.
“Are you really okay? Gusto mo ba umuwi na tayo? Lumipat ng bar? O baka gusto mong sunugin ko na 'yung mga nasa kabilang table? Sunog-baga ang mga smokers na 'yon oh!” ani Timothy na nakatingin sa couple sa kabilang table na nagche-chainsmoking.
Nakita niyang umirap muna ito bago muling bumaling sa kanya. Hinawakan ni Timothy ang magkabilang pisngi niya.
“Can I kiss you? Nakakainggit 'yung katrabaho mo. They are torridly kissing.” wika nito na ikinapula niya. Napatingin siya sa katrabaho niya na nasa kabilang side ng mesa. Si Ferds at Prima.
“Can I?” muling tanong ni Timothy. Napatitig siya sa labi nitong nang-aakit. Gusto niya mang halikan ang binata ay hindi maari. Nakakahiya sa nga katrabaho niya.
“Puro ka kamanyakan.” nasabi niya na lang at umiwas na ng tingin rito.
“If you don't want here, we can kiss later. On your bed.” nakangising wika ni Timothy na mukhang may iniisip na kapilyuhan sa isipan. Inirapan niya na lang ito.
Kahit kailan talaga! Hindi na ata maaalis ang pagiging manyak ng isang 'to!
Pagkaraan ay tumayo si Timothy at kinuha ang cellphone sa bulsa.
“Stay here, agapí mou! Don't drink while I am gone!” bilin nito bago tuluyang umalis.
Sinundan niya ito ng tingin habang papalabas sa entrance ng bar. Nakahinga siya ng maluwag. Salamat naman, nahiwalay rin sa kanya ang isang iyon. Halos buong araw niyang kasama ang binata. Ayaw talaga nitong mawala sa tabi niya.
“Girl, ito ang beer mo oh! Ubusin mo yan habang wala pa ang future hubby mo.” wika ni Moley.
Aangal pa sana siya pero hindi niya na nagawa ng talikuran siya nito at tinungo ang iba pa nilang katrabaho na nasa dancefloor.
Napatitig siya sa bote ng beer. Wala naman sigurong mawawala kung uminom siya ng kahit na kaunti hindi ba?
Kinuha niya ang bote ng beer at sinalin ang laman nun sa baso. Matapos iyon ay inangat niya ang baso at tinitigan ang alak roon.
Hindi naman siya malalasing ng isang basong beer. She needs it right now. Pampaalis ng kung anumang kakaiba niyang nararamdaman. Akmang iinumin niya na ang laman ng baso ng may umagaw nun.
Ineexpect niyang si Timothy ang umagaw pero hindi. Si Sebastian iyon. Kasama si Darylle na nakangisi sa kanya.
“Such a bad lady you are, Abigale Marie. Kabilin-bilinan ni Tim na h'wag kang iinom ng alak.” wika ni Darylle. Sinimangutan niya ito.
BINABASA MO ANG
TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)
Roman d'amourHighest rank so far #2 in Romace Timothy Vidales can be classified as one of the hottest bachelor in the country. He has everything before he was even born. He's the only heir of the Vídales, one of the rich family living in Greece. His parents wan...