Chapter Three

277K 4.5K 80
                                    


*Changes*










KAAGAD na dumiretso si Timothy sa dating silid ni Abigale Marie sa kanilang mansion. Hindi niya nagustuhan ang kinahinatnan ng lakad nila kanina. Buong akala niya ay makikita niya ang dating kasintahan. Kahit man lang sana masulyapan ito sa malayo ay maaari na. Pero kahit anino nito ay wala.

Hindi niya naman isinantabi na hindi niya ito makikita ngayon. Sadyang nakakalungkot lang.

Inilibot niya ang paningin sa loob ng silid. Walang pinagbago ang kwartong ito. Ang mga gamit ni Abigale ay narito pa rin at hindi nagalaw sa dati nitong ayos.

Napabuntong-hininga siya. Naglakad siya papunta sa kama na naroon at naupo sa gilid nun.

Mapakla siyang napangiti ng maalala ang dalaga sa tuwing panunorin niya ito habang natutulog noon. Madalas niyang tawirin ang balkonahe ng kanilang mga kwarto para lang gawin iyon.

Nahiga siya sa kamang iyon saka pumikit. Wala na ang amoy ng dalaga rito. Dati, sa tuwing papasok siya rito ay naaamoy niya kaagad ang matamis nitong amoy. But now, the room was so lifeless. It's now gloomy and full of melancholy.

"Timi, lumabas ka nga sa kwarto ko!"

Kaagad siyang napamulat at napabangon. Parang narinig niya ang boses ni Abigale Marie. Nang sipatin niya ang paligid ay para niyang nakikita si Abigale Marie sa bawat sulok nun. Ang alaala nito sa buong lugar.

Nag-iimahinasyon lang pala siya.

Napadako ang tingin niya sa study table ni Abigale Marie. May isang box na naroon. Kinuha niya iyon at binuksan. Mga inipong larawan nila ang laman ng box.

Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib. Iniwan ito ni Abigale Marie rito, ibig sabihin ba nito ay hindi na siya nais pang makita ng dalaga. Kahit man lang sa mga larawan. Sobra siyang nasaktan sa naisip.

Ngayon lang bumabalik sa kanya ang kasalanang nagawa niya. Paano kung wala ng pag-asa para sa kanilang dalawa ni Abigale? Paano nga kaya kung may iba na itong mahal?

Hindi pwede!

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Nais niyang mawaglit ang negatibong nararamdaman ng kanyang puso. Wala pang asawa si Abigale Marie. May pag-asa pa sila. Magkakasama pa sila at maipadadama niya uli sa dalaga kung gaano niya ito kamahal. Tama. Iyon dapat ang isipin niya.

Huminga siya ng malalim. Pilit niyang pinagagaan ang mabigat niyang kalooban.

Nilibang niya na lang ang sarili sa pagtingin sa mga litrato nila. Marami ang larawang iyon. Sa bawat litrato ay isa-isa niyang binalikan ang alaalang meron sila.

Napahinto siya sa ginagawa ng mapansin ang isang larawan na hindi niya napansin na nahulog sa sahig. Dinampot niya iyon saka muling umupo sa gilid ng kama.

Ang larawan nila noong tumakas sila sa JS Prom noong highschool.

*****

"Timothy..."

Napalingon si Timothy sa likod niya. It's Abigale Marie. Hindi niya pinansin ang dalaga. Humiga siya sa kama at saka nagmukmok. Hindi man lang niya inisip na baka magusot ang suot niya para sa kanilang JS Prom.

Lumapit sa kanya ang dalaga at dahan-dahang humiga sa tabi niya. Niyakap siya nito mula sa likuran.

"Timi, malapit na tayong ma-late sa prom night natin. Ang sabi ni Yiorgos ay tinatamad ka na raw tumuloy sa prom. May problema ka ba?" malambing na tanong nito sa kanya.

Napabuntong-hininga siya. Umikot siya para makaharap ang dalaga.

Binigyan siya ng ngiti ng dalaga saka marahang hinaplos ang pisngi niya.

TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon