*Memories of her*NAALIMPUNGATAN sa pagtulog si Abigale Marie ng marinig ang malakas na paghampas sa desk niya. Nang makita niya kung sino ang may gawa noon ay napairap siya.
"Boss, antok pa ako. H'wag kang istorbo." aniya atsaka muling pinahinga ang kalahating bahagi ng katawan sa swivel chair.
"Ms. Dela Cruz, you're my secretary. You are not allow to sleep during office hours." matapang na sabi ng kanyang boss na si Samuel Lim.
Napamulat ng mata si Abigale Marie at kinuha ang magazine na nasa desk niya. Binilog niya ito at akmang ihahampas sa ulo ng makulit niyang boss ng magtatakbo ito palayo sa kanya.
Istorbong 'to.
"Sige, tulog ka muna diyan. Pupuyatin na lang kita ulit mamayang gabi." makahulugang sabi nito. Napakalaki pa ng ngisi sa mukha nito. "Laters, baby." kinindatan pa siya nito bago pumasok sa opisina.
Kaagad na hinilot ni Abigale Marie ang kanyang sentido. Kapag nga naman binigyan ka ng pasaway na boss. Daig niya pa ang nag-alaga ng anak na walang ginawa kundi kulitin siya at pasakitin ang ulo niya.
"Oy girl, ano 'yang puyatan thingy niyo ni sir?" Usisa ng isa sa employee na kaclose niya na rin, si Moley. Isa siguro ito sa nakadinig sa pang-aalaska sa kanya ng boss niya. "Nag-aanuhan ba kayo? Kaya may puyatan ha?" malisyosang bulong nito.
"Anong nag-aanuhan, Moley?" napataas ang kilay niya.
"You know, yung katulad sa mga nababasa ko sa wattpad na nagkakaroon ng relationship ang boss at secretary. And then nag-aanuhan sila." napairap si Abigale Marie sa tinuran ng kaibigan. Sa ulo ni Moley niya ipinukpok ang hawak niyang magazine.
"Tigilan mo nga ako, Moley. Wala kaming relasyon ni Sam. He's just my friend and also happened to be my boss." paglilinaw niya.
Totoo naman. At wala siyang balak na patulan ang malandi niyang boss. She knew her boss so well. Palikero at bolero ang lalakeng iyon. Dinaig pa nun ang higad sa sobrang pagkamakati.
"Eh, ano yung sinasabi niyang pupuyatin? H'wag mong sabihin na may nangyayari sa inyo kahit na wala kayong relasyo-" hindi na natapos pa ni Moley ang nais niyang sabihin ng pukpokin ulit siya ni Abigale Marie ng magazine.
"Ang berde ng utak mo, Moley. Ang sinasabi niyang pinuyat niya ako ay ang sangkatutak niyang pinagawa na paperworks. Paano ba naman ang walanghiyang lalakeng 'yon. Iniwan ang lahat ng trabaho niya sa akin. Nagliwaliw siya ng buong gabi. Kaya heto ako at puyat. Two hours lang ang tulog ko kaya naman nagbabawi ako rito sa office. Pero ang walanghiyang yun..." napapikit siya ng maalala ang trabahong pinagpuyatan niya.
"Kalma lang girl. Para mo ng mapapatay si Boss niyan e,"
Napabuntong-hininga na lang si Abigale Marie. Naiinis talaga siya sa lalakeng 'yon. Hindi nito iniisip ang kalagayan niya. Alam niya namang hindi lang dapat sa office tumakbo ang oras niya, may iba pa siyang dapat na paggugulan ng ibang oras niya. Katulad ng pamilya niya. Hindi siya nakauwi kagabi kaya sa malamang ay miss na siya ng mga iyon.
Hindi bale, babawi na lang siya ngayong araw. Ang balak niya ay mag-half day lang. Pinayagan na naman siya ng boss niya.
NAKATINGIN lang sa labas ng bintana si Timothy habang pinagmamasdan ang paligid. Marami na palang pinagbago ang lugar na kanyang kinalakihan. Noong huli niyang makita ang lugar na ito ay hindi pa gaanong kaunlad ito.
Marami talagang nagbabago sa paglipas ng mga panahon. At natatakot siyang baka pati ang nararamdaman ni Abigale Marie sa kanya ay nagbago na rin.
Napabuntong-hininga siya atsaka iwinaglit ang mga negatibong bagay na naglalaro sa kanyang isipan.
BINABASA MO ANG
TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)
RomanceHighest rank so far #2 in Romace Timothy Vidales can be classified as one of the hottest bachelor in the country. He has everything before he was even born. He's the only heir of the Vídales, one of the rich family living in Greece. His parents wan...