May isa ng nakahula kung anong mangyayari sa Epilogue 2.0. Syempre meron na ring may alam kung ilan at kung anu-ano ang gender ng mga anak nila. (Secret muna yan ha!)
Kambal na naman ang sunod nilang anak. Pero ang tanong anong gender? 2 or 3 more updates bago niyo malalaman.
Enjoy reading. Katulad ng dati, mispellings and wrong grammar are expected.
Ikatatlupu't siyam na Kabanata
Gabriel's bad intentionMAHIGPIT na yakap ni Timothy si Abigale habang natutulog ito sa hospital bed dito sa loob ng private room. Matapos ang eksena nila kanina sa rooftop ay naging maayos na sila. Ipinaintindi niyang mabuti kay Abigale ang kalagayan nila. Na hindi niya naman talaga ito iiwanan.
Kailangan niyang labanan ang Gabriel Vlahakís na iyon. Tatakbo siya sa pagka-presidente ng Royal House Association para maligtas ang Empire na pinagpaguran ng kanyang lolo at ang pamilya niya. Hindi niya hahayaang makuha ni Gabriel Vlahkís si Abigale.
Siya lang ang nagma-may-ari kay Abigale. Nasa tiyan pa lang sila ng mga nanay nila ay nakatadhana na sila. Walang pwede na kumuha sa kanya ng babaeng mahal niya.
Pero nakakalungkot nga naman talaga. Hindi niya na naman masisilayan ang paglabas ng kanilang anak.
June ang buwan ng eleksyon. Buwan pa lang ng May ay pwede ng manganak si Abigale. Hindi siya pwedeng mawala sa Greece sa panahong iyon.
"I'm sorry babies. Hindi ko kaya masasamahan sa panahong ipagbubuntis kayo ni mommy. At sa pagpanganak sa inyo." bulong niya habang hinihimas ang maliit na umbok sa tiyan ni Abigale.
Naputol ang pag-iisip niya sa mga bagay-bagay ng may kumatok sa pinto.
Marahan siyang bumangon saka bumaba sa hospital bed. Inayos niya ang pagkakakumot ni Abigale bago pumunta sa pinto.
Si Dempsey ang bumungad sa kanya.
Tinapunan niya ito ng iritang tingin. Nakikinita niya kasi sa gilid ng kanyang mata na nakatingin sa kanya ang tauhan ni Gabriel na ginagamit ang mukha ng kanyang tauhan. Hindi nito maaaring malaman na nakuha na niya na si Dempsey.
"Your highness, paparating raw po si Prince Gabriel Vlahakís. Ipinapasabi po ng guwardiya sa ibaba."
Isang tango na lang ang ibinigay niya rito saka muling sinara ang pinto. Muli siyang bumalik sa hospital bed at naupo sa gilid nito. Sa tabi ni Abigale.
Napakuyom ang kanyang kamao. Ano na naman kayang kailangan ng Gabriel na iyon? Sawang-sawa na siya sa pakikipag-plastikan sa isang 'yon.
Hindi nga nagtagal ay dumating na rin ito. May dala itong bulaklak at isang basket ng prutas.
"Timothy, my friend. Nice to see you again." bati nito sa kanya.
Lumapit ito sa kanya upang tapikin siya sa balikat. Napadako ang tingin nito kay Abigale na natutulog.
Biglang napadpad ang kamay nito sa kumot na tumatabing sa tiyan nito. Nagtagis ang bagang ni Timothy. Marahas na inalis niya ang kamay nito.
"Don't touch my woman, Vlahakís. I don't like the idea of any other man touching her." galit na wika niya rito.
"But it's only the blanket." pa-inosenteng wika nito. Kaya naman sinamaan niya ito ng tingin. "Okay sorry, I didn't mean it."
Hindi nagsalita si Timothy. Pero kita sa tikom niyang palad ang panggigil. At kitang-kita iyon ni Gabriel. Lihim na napangisi ang lalake.
"Can I borrow your twins? My mom and my dad is very eager to meet the heirs of your Empire." wika nito kapagkuwan.
Nagsalubong ang kilay ni Timothy. Really? Hihiramin nito ang anak niya para makita lang. Sino bang magpapa-uto sa kagaguhan nito. Kahit ata kaibigan pa rin ang turing niya rito ay hindi niya ipahihiram ang mga anak niya.
BINABASA MO ANG
TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)
RomanceHighest rank so far #2 in Romace Timothy Vidales can be classified as one of the hottest bachelor in the country. He has everything before he was even born. He's the only heir of the Vídales, one of the rich family living in Greece. His parents wan...