Hi guys! Special Chapter No. 2. Hope you like it. Pasensya na kung pinapaiyak ko kayo. Three more chapters na lang naman, prequel na. Pagbigyan niyo na ako.
Let's make it on top. Pwede bang tulungan niyo ako. I want this story to hit the number one spot in romance
SINALUBONG ni Abigale Marie ang butler ng kanyang asawa na papasok sa kanilang mansion. Nangangamot ito sa likod ng ulo habang papasok sa loob ng mansion. At mukhang alam niya na kung bakit.
"Good morning Princess Abigale Marie." bati nito sa kanya ng makasalubong siya.
"Si Tim?" tanong niya rito.
Bahagyang bumaling si Yiorgos sa kanyang likuran kung nasaan ang kotse ni Timothy na naka-park sa harap ng mansion.
"Nasa kotse pa ho." napabuntong-hininga ang butler saka muling ibinaling ang atensyon sa kanya. "Ayaw pa pong bumaba."
Para may kumurot sa kanyang puso. Hindi pa siya nito gustong makita. Magmula ng magkasagutan sila sa hospital ay hindi na siya nakakapasok pa sa hospital room ng asawa. Palagi siyang nitong tinataboy palayo. Hindi niya alam kung bakit iyon ginagawa ni Timothy. At kung bakit ganuon ang iniisip nito sa kanya. Hindi niya ito kayang iwan.
Mahal na mahal niya si Timothy. At kahit na ilang beses siya nitong pagtabuyan palayo ay hindi mababago iyon.
"Sige. Samahan mo muna siya. Baka kasi ayaw niya pa akong makita."
"Sige, your highness."
Naglakad na muling pabalik si Yiorgos papunta sa kotse na nasa labas ng mansion. Samantalang siya ay minabuti na lang na bumalik sa kusina. Para kung sakaling gustuhin na ni Timothy na pumasok ay hindi siya nito makikita.
Nakakailang hakbang pa lang siya ng marinig niya ang hiyaw ni Timothy. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa kinaruruonan nito.
"F*cksh*t!" mura ni Timothy habang nakasalampak sa sahig.
"Tim..."
Hindi niya mapigilan ang makaramdam ng awa sa kalagayan ni Timothy ngayon. Hindi pa rin ito makakalakad. Kailangan nito na magpa-therapy upang muling makalakad. At mukhang matatagalan iyon. Dahil ayaw makisama ng asawa niya.
"Putang*nang mga paa 'to! Mga walang kwenta!" galit na sigaw ni Timothy habang pinagsusuntok ang mga tuhod nito.
Kaagad naman itong dinaluhan ni Yiorgos at pinigilan.
"Your highness!" hinawakan nito ang kamay ng asawa niya. Pero nagpapasag si Timothy.
"Waaaahhh!!" sigaw ni Timothy habang patuloy na nagwawala.
Hindi niya tuloy mapigilan ang maluha. Bakit ba nangyayari ito? Ang sakit sakit na makita ang asawa niyang nagkakaganyan. Nakakapanghina.
"Tim..."
Nilapitan niya ang asawa. Hinawakan niya ito para sana aluhin pero piniksi nito ang kanyang kamay. Para itong napapaso ng madikit ang kamay niya sa balat nito. Mas lalo tuloy bumigat ang pakiramdam niya.
"Bitawan mo ako!" puno ng galit at sakit ang mga mata ng kanyang asawa.
Binalik nito ang atensyon kay Yiorgos.
"Isakay mo na ako sa bwiset na wheelchair na 'yan!" sigaw nito.
"Yes, your highness."
Dali-daling kumilos ang butler. Inalalayan nito si Timothy na makaupo sa wheelchair nito.
Patuloy lang siya sa pag-iyak. Sobrang bigat sa pakiramdam ng ginagawa ni Timothy sa kanya. Para siyang ibang tao kung ituring nito. Bakit ba nagkakaganyan ang asawa niya?
BINABASA MO ANG
TBS#1: The Billionaire's Obsession (Completed) (Editing)
RomanceHighest rank so far #2 in Romace Timothy Vidales can be classified as one of the hottest bachelor in the country. He has everything before he was even born. He's the only heir of the Vídales, one of the rich family living in Greece. His parents wan...