02

3.2K 89 7
                                    


"You seemed in a good mood," puna ni TL nang makabalik na ako sa opisina. Sabay na rin kaming kumakain na dalawa at hindi na kami lumabas papunta sa pantry o sa canteen. Doon na lang kami sa lamesa namin kumain na dalawa.

"I am in a good mood," I smiled at him as I continued eating. "You don't have to pay for that na rin, my treat," I added and I saw him crease his forehead.

"What happened? Bakit parang masaya ka?" hindi na napigilan na itanong sa akin nito. I looked at him and smiled widely again.

"I just realized that the universe and the Lord loves me so much, Traven Lewis. He didn't let injustice prevail in this world. I got even without even doing anything," sagot ko at mas lumalim naman ang kunot ng noo nito habang nakatingin sa akin.

"Ha?"

I chuckled and shook my head and tapped his cheek. "Just eat and we still have lots of things to do," sabi ko na lang sa kaniya at nagpatuloy na rin sa pagkain.

Well, I am indeed happy.

I mean, hindi ko naman talaga sinasadya ang nangyari sa bastos na lalaking iyon pero kung tutuusin, deserve naman nito ang nangyari rito. He's an ass, he's rude and he feels so entitled.

Hindi naman dahil anak siya ng presidente ay magyayabang na siya. Ni hindi ko naman din sigurado kung totoo ba 'yon or talagang may bodyguards lang ito dahil mayaman ito.

Nevertheless, people with money should not be rude or belittle other people. Strip off that money from them and I am sure we're all the same.

Kaya masaya pa rin ako na mabilis ang karma ng gagong iyon. Though, it was because of my clumsiness, but still, hindi ko naman sinasadya kaya hindi ko kasalanan 'yon.

I freshened up after eating and went back to work. We still have a lot of things to do because of the VIP visit tomorrow. Hindi ko pa rin nakakausap si Kuya Duke kung may alam ito kung sino ang darating kaya naman inabala ko na lang din ang sarili ko sa mga pag-aasikaso para bukas.

"Hello, Tita Mika? This is Alec," I leaned on my chair. "Yes, Tita. Sorry po kung rush, kailangan kasi namin bukas. And I know that you have the best flowers so you're my only option," I smiled because I know that she will prioritize my orders. Sa tuwing may kailangan din naman talaga kami na mga bulaklak, kay Tita Mikaela kami nag-o-order.

Dad would hate it if she would get mad at us for not ordering from her. Kapag naman kailangan namin ng mga cakes or anything sweets, Sweet Desire is always our go to shop.

"Yes, Tita. Dito po sa office. Thank you. See you soon, Tita," I ended the call and looked at TL. "Okay na 'yong mga flowers. I called Keij already and asked for his help. His secretary will send the menu list later," sabi ko rito na tumango naman sa akin. He was the one in-charge with the preparation on the ground. Sinisiguro rin nito na malinis ang lahat at maayos din ang conference room kung saan mananatili ang VIP guests bukas.

Maliban doon ay itu-tour pa ito sa buong facility bukas.

"Who do you think it is?" tanong ko kay TL habang nilalaro ang ballpen sa mga daliri. "I am guessing it's either a senator or someone in congress," I looked at him, who was busy with his laptop. Maliban sa laptop nito, may dalawang malaking screen pa sa harap nito.

"Baka anak ng presidente," sagot naman nito sa akin.

I creased my forehead and looked at him.

"No way!"

Mabilis na lumingon sa akin si TL. Bakas ang pagtataka sa mukha nito dahil sa pagsigaw ko sa kaniya. Maging ako ay nabigla sa lakas ng boses ko pero kasi, bakit naman iyon ang sinabi ni TL?

Midnight PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon