"What happened to you? Akala ko ba kakain ka lang, bakit ipinaligo mo sa'yo ang pagkain mo?" kunot na tanong ni Kuya sa akin nang makita ako nitong lumabas mula sa sasakyan nito.
I glared at him before I gave him his car keys. "I will just take a shower. Can you order food for me? I am famished and I am angry, too," sabi ko rito bago nilagpasan ito. Nagpupuyos pa rin sa galit na nararamdaman dahil sa gagong lalaking iyon.
Anak ng presidente? Ano namang pakialam ko?
Kahit anak pa siya ng hari, wala akong pakialam. He's such an ass!
"Tapos ang kapal pa ng mukha na bigyan ako ng pambili ng damit ko? Sampalin ko siya ng cards ko, e," inis na inis na sabi ko habang naglalakad pa rin. Pinagtitinginan ako ng mga agents na nakakasalubong ko.
Some of them were surprised to see me like that, some were asking me what happened.
Tigilan n'yo ako, baka sa inyo ko maibunton ang inis na nararamdaman ko!
Dumiretso na ako sa locker ko para kumuha ng damit na naroon. Mabuti na lang din at naglalagay ako ng mga damit ko roon para kung sakaling kailanganin ko ay may magagamit ako. One benefit of being the owner's daughter is to have two lockers instead of one. Mas marami akong nalalagay na gamit ko roon.
Kumuha lang ako ng isang set ng damit ko at toiletries bago ako nagtungo sa shower area para makaligo na rin muna ako. Pakiramdam ko ay dumikit na sa buhok ko ang amoy ng kimchi at kailangan kong magpunta pa ng salon para masigurado rin na malinis ang buhok ko.
While I was scrubbing my skin, the face of that man appeared on my mind.
"Makita lang talaga kita ulit, humanda ka sa akin," I said through gritted teeth and continued showering. Nang matapos akong maligo, magbihis, ay nagpunta na ako sa lamesa ko kahit na basa pa ang buhok ko. Naabutan ko namang naroon si Kuya kausap si TL.
He looked at me and chuckled.
"You still look like a mess."
I made a face and rolled my eyes.
"I brought your lunch. You should eat now," sabi pa nito sa akin na tinanguan ko na lang bago ako naupo.
"What happened, Alec?" tanong ni TL sa akin. Maging si Kuya ay nakasandal sa lamesa nito at nakakrus pa ang kamay sa may ibabaw ng dibdib habang nakatingin sa akin na tila ba naghihintay rin ng magiging kuwento ko sa mga ito.
I drew a sigh before facing them.
"I met an asshole," sabi ko sa mga ito. Sabay naman silang kumunot ang noo habang nakatingin sa akin.
"You know that those four words weren't enough to explain what happened right?" Kuya Duke chuckled and cocked his head. "Besides, which kind? Keij? Theon? TL?" he said and looked at his friend who frowned at him.
I rolled my eyes.
"So, I went out to eat, right?" pagsisimula kong muli. Tumango naman sila sa akin. "Then, I ordered my food, and I was checking my phone and was waiting for my food. I went to the bathroom, habang naglalakad ako at hawak ang phone ko, may nakasalubong akong lalaki tapos natapon sa akin 'yong pagkain niya."
"Hmm?"
Ako naman ang napakunot ang noo dahil sa sinabing iyon ni Kuya. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "Anong hmm?"
"How come he's at fault, then?" he asked me and I leaned on my seat and frowned.
"He didn't apologize, Kuya. Instead, he blamed me for what happened. Ang kapal nga ng mukha, e. Nag-offer pa na bayaran na lang daw ang damit ko. As if his twenty thousand is enough for what I was wearing!"
BINABASA MO ANG
Midnight Pleasure
RomansaAlecsandra Rei Dela Cruz wanted to prove herself to her father that she can also be a reliable person and she's as good as her brother when it comes to providing services and securities to the rich. She wanted him to be proud of her, too. She got th...