"Again!"
I breathed heavily as I went back to my stance earlier as I trained to release all the anger inside me right now. Mula nang umalis ako–more like nag-walk out ako sa opisina ni Ninong Nash ay dito na ako sa gym dumiretso.
Baka mag-overtime na lang ako mamaya para ayusin ang mga files na maiiwan sa lamesa ko. Mas importante sa akin ngayon na ibaling sa ibang bagay ang atensiyon ko at isa na roon ang pagpapapawis nang sa gano'n ay hindi ko maisip ang nangyari kanina.
"Kapal ng mukha!" inis na inis na sabi ko at masamang tinitigan ang isang agent na nasa harap ko. I asked him to train with me right now and he immediately said yes. Kung dahil sa anak ako ng may ari ng Praesidium o sa ibang bagay ay hindi ko alam at wala akong pakialam.
Ang mahalaga sa akin ay may napagbubuntunan ako ng inis ko ngayon.
"You call that a punch? Your client will be long dead before your fists land on the enemy's face," naulinigan ko ang boses ng kapatid ko kaya nilingon ko iyon at masama ring tinitigan.
Dadagdag pa, e.
I rolled my eyes and ignored him and continued with my training. Sinasalag ko ang mga pinapakawalan na suntok at sipa ni Torres habang nagka-counter attack din dito. Naiilagan at nasasalag ko naman ang karamihan pero may mga tumatama pa rin sa akin.
"Not on the face!" I yelled and glared at him when he hit my face. Natigilan naman ito at nilingon si Kuya Duke na nasa gilid at nakasandal sa may poste at nakatingin sa amin. Para bang nanghihingi ito ng opinyon o hindi kaya ay suporta mula sa kuya ko.
"Again!"
My brother chuckled and walked towards us. "You can take a break, Torres. And if this little one called you, inform me first," sabi nito at tinapik pa ang lalaki. Tumango naman ito at nagpaalam na rin sa akin. Sinamaan ko na lang ito ng tingin bago tinignan si Kuya na nakatingin at nakangisi sa akin.
"Anong kasalanan sa'yo ni Torres at pinagti-trip-an mo?" tanong nito, halatang pinipigilan ang pagtawa.
"Hindi ko siya pinagti-trip-an, Kuya. I am training with him," sagot ko naman bago naglakad para kunin ang tumbler ko na naroon. Inalis ko na rin muna ang ibinalot kong bandage sa kamay ko at nakita ko ang pamumula ng mga knuckles ko na sa palagay ko ay magkakaroon ng pasa kung hindi ko lalagyan ng yelo ang mga iyon.
I have been in the gym for almost five hours now, too. Iniinda ko lang ang physical pain ko dahil inis na inis na inis akong talaga.
"You're training with him? You could've just use the punching bags instead," sabi nito bago lumapit pa sa akin. "I heard they gave you your first assignment." Ipinatong pa nito ang braso sa may ulo ko kaya sinulyapan ko ito at tinabig ang braso nito.
"Yes, and I declined."
"I heard that, too," he said and looked at me. "And I also heard how you stormed off Tito Nash's office with the client inside," sumeryoso na ang mukha nito habang nakatingin sa akin. I looked down and held my tumbler tight.
I know I should've done that, but I couldn't control my emotions earlier. Sa dami ng ibibigay sa akin na assignment, doon pa talaga sa lalaking iyon?
Hindi na lang talaga! Baka mag-apply na lang ako sa office nila Tito Thunder kung iyon lang din pala ang ibibigay sa akin na assignments nila Daddy.
"You disrespected him, Alec," untag muli ni Kuya Duke sa akin.
I sighed and looked at him. "I know, pero kasi Kuya, they want me to be part of Nate's security. Bakit naman iyon pa?" reklamo ko bago naupo at huminga ng malalim. Ngayon, nararamdaman ko na rin ang sakit ng kamay, braso at paa ko.

BINABASA MO ANG
Midnight Pleasure
RomantikAlecsandra Rei Dela Cruz wanted to prove herself to her father that she can also be a reliable person and she's as good as her brother when it comes to providing services and securities to the rich. She wanted him to be proud of her, too. She got th...