05

2.3K 83 2
                                    


"What the hell was that, Alec?"

I glared at myself in the mirror as I washed my face and also cooled down. I had to walk out immediately earlier after losing to that ass.

I feel like every agent who saw what happened is laughing their asses off right now and thinking I am weak. I am pretty sure they're comparing me to my brother again.

Duh? As if naman hindi ko alam na mas magaling, mas malakas at mas mahusay sa akin ang kuya ko? Sila nga hindi mapatumba 'yon, lalaki pa sila.

Ako pa kaya?

Muli akong huminga ng malalim at mahinang napailing habang naiisip ang nangyari kanina. I should've just declined his challenge earlier. Dapat nga hindi na lang ako bumaba para tignan ang nangyayari, e.

Hindi sana ako napahiya sa harap ng mga agents!

Buwisit na Nate talaga 'yon!

I clenched my fists as I looked at myself again. I looked like a mess right now. Nabasa na rin ang buhok ko dahil sa paghihilamos ko kaya inalis ko na rin muna ng pagkakatali ko roon ay inilagay na lang sa palapulsuhan ko ang itim na panali ko ng buhok.

I rested my hands on the counter while still looking at myself in the mirror.

Who would've thought that Nate was that strong? I landed a few punches on his arm, chest and abdomen but he was able to block it every damn time that I was trying to hit his face and his grip on my hands and arms were also tight!

Wala sa loob na hinawakan ko ang braso at ang kamay na hinawakan nito kanina para pigilan ako. Hindi niya rin naman ako tinamaan sa mukha pero napabagsak niya ako at napakabilis ng pangyayaring iyon.

I asked TL what happened and he was also surprised to see me getting knocked down.

"Nakakainis!" I grunt and lean on the sink and crossed my arms against my chest. Parang ayaw ko na tuloy lumabas sa banyong iyon dahil ayokong makasalubong ang ibang agents namin na posibleng naikalat na sa buong Praesidium ang nangyari.

Should I ask my dad to fire them all?

"Pero kung gagawin ko iyon, I have to tell him what happened!" I groaned again and frowned. I am really blaming all the misfortunes that are happening in my life to Nate!

Simula ng nakilala o nakita ko ang lalaking iyon, hindi na ako sumaya! Lagi na lang akong naiinis, nabubuwisit.

Umuwi na kaya ako?

I looked at the door when I heard a knock.

"Alec?"

It was TL's voice. I sighed and it looked like I had no other choice but to go out now. Iba naman ang banyo ng babae sa lalaki pero kanina pa naghihintay si TL sa akin sa labas ng banyo kaya mukhang kailangan ko na ring lumabas.

Hindi ko nga alam kung gaano na ba ako katagal na naroon, e. All I know is that I wanted to cool down.

"I'm coming out," ani ko bago kumuha ng tissue roon at pinunasan ang mukha habang nakatingin sa salamin. "Fuck it," I sighed as I saw the bruises from yesterday's sparring session with Torres. I had to cover it with concealer today so they won't notice it, but since I had to wash my face because of sweat, it removes all the makeup I put on my face today.

Another reason to be mad at Nate.

Napailing na lang ako habang nakatingin sa mukha ko sa harap ng salamin. The freckles I have on my face are more visible now that I don't have anything on it. Mas lumalabas pa ang mga iyon kapag naaarawan ako kaya mas kinakapalan ko ang paglalagay ng foundation doon.

Midnight PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon