14

1.4K 64 6
                                    


I was just looking at Nate while he was busy signing the papers Ms. Casino brought in earlier today. Napakaagad rin talaga na naroon ang babae na kasalukuyang katabi ni Nate at halos nakadikit na ito sa lalaki.

And it looks like Nate doesn't mind her at all. Abala lang ito sa pagpirma ng mga papel na dala-dala ng sekretarya nito. Nakasandal naman ako sa padre habang nakatingin lang sa dalawang nasa may couch.

Nate just woke up a while ago and he's still wearing his white shirt and pajamas. Ms. Casino on the other hand was dolled up pretty nicely. Mukhang nag-abala ito ng husto para magpaganda.

"Hey, go eat your breakfast. We'll stay here," sabi ni Diaz sa sa akin nang lumapit ito.

I looked at him and smiled. "Thank you," I uttered before walking towards the kitchen to have some breakfast. Kanina pa rin naman ako nagugutom at sadyang kinailangan ko lang na manatili muna sa mga ito.

Nilingon ko si Nate na nakatingin din pala sa akin. I didn't say anything, instead, I walked towards the kitchen to eat. Naisipan ko na mag-toast na lang ng tinapay at lagyan din iyon ng strawberry jam na nasa fridge. Kumuha na rin ako ng baso at nagsalin ng gatas doon.

"Uuwi ka mamaya?" tanong ni Canlas sa akin na naaabutan ko rin sa kusina. Dapat ay sa unit nila kami mag-aalmusal pero si Nate na ang nagsabi na roon na lang daw sa unit niya kumain at nagdala si Ms. Casino ng almusal.

I looked at him as I placed the plate with my toasted bread on the table. Naupo na rin ako at tumango sa kaniya.

"Yes, off ko bukas, e."

Excited na rin akong umuwi para makapagpahinga. Mamaya kapag nakauwi kami galing sa Malacanang ay aalis na rin ako para makapagpahinga ako sa bahay namin. Puwede naman na bukas na lang ng umaga ako aalis pero gusto kong magpahinga ngayong gabi sa kuwarto ko kaya kahit gabihin ako mamaya ay uuwi pa rin ako.

"Rest well, then," he chuckled and I nodded my head. I will really rest well.

Iniisip ko na ayain si Mommy na magpunta sa Cyan's para makapag-relax kaming dalawa. Iniisip ko rin na manatili lang sa bahay at matulog pero kasi nami-miss ko namang kasama si Mommy.

Sobrang hands-on sa aming dalawa ni Mommy at Daddy. Even when we're in the States, Mom makes sure we're okay. Palagi nitong sinisigurado na maayos ang pagkain naming dalawa ni Kuya Duke. Dad told her that she was spoiling us too much but Mom just told him that they should do that.

After all, anak nila kaming dalawa, e.

Kaya naman hindi na rin ako nagtataka na panay ang message sa akin ni Mommy tuwing gabi at kinukumusta ako sa trabaho ko.

Sabay kaming napalingon ni Canlas nang pumasok sa kusina si Ms. Casino at dumiretso sa fridge para kumuha ng tubig. Sinulyapan ko lang ito at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Why aren't you eating the food I brought?" she asked me.

Napalingon ako rito at nilingon ko rin ang plato ko. "Oh, I–"

"I'm sorry if you didn't like what I brought. Next time, just send me the list of food that you can eat or better yet, tell me that you don't want it so I won't bother adding you to the list," iyon lang at naglakad na ito papalabas.

"What was that?" I asked and looked at Canlas. He looked at me and shrugged.

"Baka mainit lang ang ulo?" sabi nito at napasimangot naman ako.

"Kung mainit ang ulo niya, huwag niyang ibunton sa akin," sabi ko bago muling tinignan ang pagkain na dala ng babae at napailing na lang. Ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko at nilinis ko na rin muna ang kusina habang si Nate naman ay abala pa rin sa ginagawa nito.

Midnight PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon