06

2.2K 69 2
                                    


"Para ka namang hindi kapatid niyan, e."

I couldn't stop myself from frowning while I was folding my brother's clothes that he's going to pack for his assignment. Sa pad na lang din niya ako dumiretso kaysa umuwi ako sa bahay. Nagpaalam naman ako kay Daddy at pumayag ito dahil kasama ko naman si Kuya.

He also told him to drive me home later, too.

Bumaling naman sa akin si Kuya Duke at kinunutan ako ng noo. "What do you want me to do? Talk to Dad? Talk to Tito Nash?" he asked and shook his head. "No way, Alec. You can't keep on doing what you're doing. Hindi maintindihan sa'yo kung ano talaga ang gagawin mo, e," sabi nito bago inilapag sa kama ang mga damit nito.

Napanguso ako habang hawak ang puting damit nito at ibinagsak iyon sa may kama nito bago tumingin dito na masama ang loob.

"I never wanted to say yes to that assignment, Kuya," sabi ko sa kaniya. Hindi naman ako nilingon nito at patuloy pa rin sa ginagawa. "They tricked me. Him and Ninong Nash! Sabi nila ibibigay na lang nila kay Ada 'yong assignment, so I ran towards Nate and told him I'd just take it. Sa dami ng agents, kay Ada pa nila ibibigay. Lagi na nga lang siyang may assignment tapos lagi na lang siyang napupuri ni Daddy kasi maayos ang mga assignments niya," pagmamaktol ko pa rin.

Ngayon ko pinagsisisihan na naman ang ginawa ko kaninang pagsasabi kay Nate na pumapayag na ako, e. Hindi ko alam ngayon kung paano ko pa ba mababawi iyon. Iniisip ko kung kakausapin ko ba ulit si Ninong Nash–pero sabi nga ni Nate, pangalan ko naman talaga ang nasa listahan, e.

"So you became too impulsive and told Nate that you'll get the assignment?" Kuya Duke asked me. I glanced at him and nodded my head.

"But, they just tricked me. I should report Ninong Nash to dad because of what he did and–"

"Ada was deployed a week ago. You were the one who updated her profile. Hindi mo man lang naisip iyon?" nakakunot ang noo na tanong ni Kuya sa akin bago ito napailing at huminga ng malalim. "Look, Alec. You can't back out now just because you feel that you've been tricked. Sa una pa lang, assignment mo na 'yan. Hindi ko maintindihan sa'yo bakit nakikipagmatigasan ka pa. If you badly wanted to not take the job, just quit, then. I am sure Dad will understand."

Napatitig ako rito sa sinabi nito. Seryoso rin ang tinig at mukha nito habang inaayos ang mga gamit nito na inilalagay sa loob ng bag na dadalhin nito.

I heaved a sigh and looked down. "I don't want to quit... you know that I wanted to make Dad proud, too, right?" halos walang boses na sabi ko sa kaniya. "I wanted him to be happy that I am his daughter, just like how he's happy to have you..."

Naramdaman ko naman ang pag-upo nito sa may tabi ko at paghawak sa balikat ko.

"Then just do your job, accept it," ani Kuya Duke habang nakatingin sa akin. "You rejected it a couple of times already, but you gave your word to Nate and you should honor that, Alec. It's just for six months, too. Mabilis lang 'yon," dagdag pa nitong sabi bago ginulo ang buhok ko.

I looked at him and pouted my lips.

Umiling naman ito sa akin. "Hindi mo ako makukuha sa pagpapa-cute mo. I won't talk to Dad or Tito Nash about it, okay?" sabi nito bago tumayo. "Ayusin mo na 'yong mga damit ko para makakain na tayo."

I huffed and rolled my eyes and continued what I was doing. Mukhang wala nga talaga na akong choice kung hindi panindigan ang sinabi ko kay Nate.

Kung hindi ba naman magaling, mukhang kinuntsaba pa si Ninong Nash para lokohin ako at masabi ko na pumapayag na ako, e. Hindi naman lihim kina Ninong Nash na naiinggit ako kay Ada dahil sa lahat ng babaeng agents doon, ito ang pinaka nabibigyan ng assignment at ito rin ang isa sa mga inaasahan ni Daddy sa mga komplikadong kliyente.

Midnight PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon