08

1.9K 66 2
                                    


"Where did you order this chicken alfredo pasta?"

I looked at Nate as I put some of the pasta on my plate. Nakaupo na ito at nag-angat ng tingin, pagkatapos ay kumunot ang noo habang nakatingin sa akin.

"What? Can't I ask?" Ikaw nga nambubuwisit, e. Gusto ko sanang idagdag bago ako naupo at nagsimula ring kumain. Natigilan ako nang matikman ko ang iyon dahil nagustuhan ko ang lasa at sigurado ako na magugustuhan din iyon ni Mommy.

Kaya naman mas maganda kung malaman ko kung saan nag-order si Nate para mabilihan ko si Mommy sa off ko. I am pretty sure that because he's the president's son, may mga restaurant siyang nakainan na hindi ko pa nakainan o nabilihan ng pagkain.

"Why, is it good?" he asked and I saw him smirking and continued eating. I looked at him and nodded my head.

"Yes. It's really good, that's why I don't believe in the lie that you said you cooked this," I replied and shrugged my shoulders. "So, where did you buy this? Can I have their contact details, too?" tanong ko pa rito at nagpatuloy sa pagkain.

Nate looked at me and chuckled and cocked his head. Tinaasan ko naman ito ng kilay habang hinihintay ang sagot nito sa akin.

"You know that sharing is caring, right? Isa pa, oorder lang naman ako at–" natigilan ako nang may itinuro ito sa may likod ko kaya napalingon ako kaagad doon at nakita ko ang nasa ibabaw ng counter, maging ang pan na nasa may ibabaw pa ng stove nito.

"What–" I looked at him and before looking at the plate. "You really cooked this?" I asked him and he nodded his head.

"Sarap, 'di ba?" sabi pa nito na para bang naaaliw at nagyayabang dahil sinabi ko na masarap ang pagkain na inihain nito. I looked at him and he was still smiling as he continued to eat.

I bit my lip and heaved a sigh before clearing my throat.

"It tasted okay..." I said and continued eating.

Shit naman. Dapat yata naniwala na lang ako na siya ang nagluto, e. Pero paano naman kasi ako maniniwala? Wala sa itsura nito na nagluluto ito!

"You said it's really good, Alec," ani pa ni Nate sa akin habang kumakain kaming dalawa. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakangiti ito sa akin na para bang gusto pang makipag-asaran sa akin.

"Kanina, sa una lang pala. Noong tinikman ko, matabang pala. Hindi ka marunong magluto, ano?" sagot ko sa kaniya at inirapan pa siya. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito bago nagpatuloy sa pagkain.

"Why don't you have a maid here?" tanong ko rito. Nabasa ko naman iyon sa profile nito at sinabi na wala kaming makakasama na kasambahay sa unit nito pero wala namang nakalagay na dahilan kung bakit wala.

"I like my privacy," he replied and I creased my forehead again, trying to decipher what he meant by that. He looked at me and chuckled. "I am a man and maids usually are female, Alec. And I don't like being on the news once the maid starts being delusional that I touched her or I like her, or something similar to that," he added and shrugged.

Hindi naman nawala ang pagkakakunot ng noo ko sa sinabi nito.

"What?" he asked when he saw my reaction.

"Are you aware that you're such a big-headed jerk?" I asked him and it was his turn to frown at me. "Feeling mo lahat ng babae magkakagusto sa'yo kaya natatakot ka sa gano'n? Ang kapal mo naman," sabi ko pa rito bago napapailing at nagpatuloy na kumain.

"It happened before, it might happen again," he replied and I shook my head again and looked at him.

"Yeah, but what you just said contradicts what's happening now, don't you think?" I asked him and chuckled. "I mean, you're afraid that if you hire a maid here, she will be delusional and claim that you either touch her or like her. But, a woman is here," I added and shrugged. "Aren't you afraid that it will happen?" tanong ko rito para lang din asarin ito ngayon.

Midnight PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon