03

2.6K 87 7
                                    




Kung hindi lang siguro ako mapapagalitan ni Daddy, kanina ko pa sinuntok ang lalaking kasama ko ngayon habang nag-iikot kami sa Praesidium. Hindi ko rin alam kung bakit ba inis na inis ako sa lalaki.

Maybe because of what happened yesterday and the other day. Kung hindi ba naman ako mamalasin, tatlong sunod-sunod na araw ko ng nakikita ang lalaking ito at tatlong sunod-sunod na araw na rin akong nabubwisit dito.

"Tapos kung makangiti, akala mo ang bait," inis na bulong ko habang nakatingin dito. Kausap nito ang ilang agents na naroon at nagti-training. I rolled my eyes when I saw him laughing while talking to them, as if building rapport with them.

Naku, gago 'yan.

I sighed again as I stood and watched him. Gustong-gusto kong sumugod ngayon sa opisina ni Ninong Nash o kaya ni Daddy at itanong kung ano na naman bang naging kasalanan ko at ako ang pinaparusahan nila ng gano'n. Sa dami namin doon, bakit naman ako ang napili nilang makasama ni Nate na maglibot doon?

Hindi na nga nila ako binibigyan ng assignment, uutusan pa akong i-tour ang lalaking may sungay roon.

He glanced at me and I saw him smirked. I made a face and rolled my eyes. Ano'ng akala niya? Madadala niya rin ako sa pagngiti niya? Hindi ako katulad ng madla na mababa ang standards para humanga sa kaniya.

He's good looking, but he's also an ass.

Baka nga mas mabait pa si Keij kaysa rito, e.

"Why are you frowning?"

Lumingon ako nang marinig ko ang boses ng kuya ko sa may gilid ko. I instantly changed my expression and made it softer as I faced him.

"Kuya..." malambing na tawag ko rito. "Can you ask Dad and tell him to have someone else do this job? Why do I have to tour that devil?" I told him and frowned. I looked at Nate again who was still talking to some agents.

My brother chuckled and shook his head. "You're too dramatic, Alec. You just have to tour him around, what's so wrong with that?" he asked and I groaned in frustration. I leaned on the banister as I looked at Nate again.

"What's with you, really? Kanina pa mainit ang ulo mo kay Nate," tanong nito sa akin. Nilingon ko ito at sinimangutan. I remember when I told him what happened the other day, he said it was also my fault.

Baka kapag sinabi ko lang din ulit sa kaniya, mas kampihan niya pa si Nate dahil anak ito ng presidente, e. Por que ba anak ng presidente, puwede ng maging mayabang?

"Wala," I replied and sighed again. "I guess, I just have to endure it and be patient the whole day," I looked at him and rolled my eyes. "Nakakainis!" reklamo ko pa rin bago tinignan ang sinasamahan kong lalaki.

"How can they put your name on the list if you're behaving like that?"

Natigilan ako sa tanong na iyon ng kuya ko kaya naman muli ko siyang binalingan. He looked so serious while he was looking at me. Kadalasan na nakikita ko lang ang ekspresiyon na iyon dito kapag nag-uusap ang mga ito tungkol sa mga misyon o kaya naman ay may talagang seryoso ang usapin.

"What?"

"Look, they've given you an assignment, and that is to tour him around. Yet, you're still complaining. How can they entrust an assignment to you when all you do is to whine and complain?" he asked me and I just looked at him.

"Pero kasi–"

"And you kept on defying everything we're telling you," he cut me off and I looked down and pouted my lips. Gusto ko lang naman na ipaliwanag ang side ko dahil talaga namang unfair ang nararamdaman kong treatment nila sa akin, e.

Midnight PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon