13

1.3K 55 1
                                    


Nakailang hikab na ako habang nasa tabi nila Diaz at nakatingin sa speaker sa harap sa dinaluhan na event ni Nate ngayong araw. Kanina ko pa pinipigilan na humikab pero hindi ko malabanan dahil na rin sa sobrang antok ko ngayong araw.

I didn't know we would leave by seven in the morning. Hindi naman ako agad nakatulog kagabi kaya antok na antok pa ako ngayon at gusto ko na lang na matulog sana.

Hindi ko rin malaman kay Nate bakit kailangan na napakaaga namin aalis kahit na alas-nueve pa naman nagsimula ang conference na iyon. Naroon na kami ng alas-otso at wala naman pa kaming ginagawa at nakaupo lang ako sa lounge kanina.

The others checked the vicinity while I was stuck with him. Hindi naman niya ako kinakausap kaya nagmukha na naman akong dekorasyon sa lugar na iyon.

Kung hinayaan na lang niya pa akong matulog, e, hindi sana ay hindi ako hikab nang hikab ngayon dito.

"Are you okay?" si Diaz ang nagtanong sa akin.

I covered my mouth and looked at him and nodded my head. "I am. I am just sleepy," I replied and looked back at the speaker again, and yawned once more.

They were talking about the business opportunities in the Philippines and how the government can support their initiatives. Maliban sa mga business owners ay may ilang taga-gobyerno rin na naroon para makipaghuntahan sa isa't isa. My mom's handling their family business and she told me I will handle that when I am ready.

I just don't know when will that happen. Hindi talaga ako pang-business, e.

I am not sure if my uncles will attend these kinds of conferences, though. Baka si Kol at si Enzo pa ang nandito kaysa sa mga tiyuhin ko, e. I wonder if I will see them here today.

"Hindi ka ba natulog?" si Tamayo naman ang nagtanong sa akin habang nakakunot ang noo.

"Natulog," tipid na sagot ko at sinulyapan si Nate na seryoso ang mukha habang nakasandal at nakatingin sa speaker. Katabi nito si Ms. Casino na gaya kahapon, naka-skirt at may mataas na slit at labas na labas na naman ang cleavage.

"You can sit at the back, Alec. We'll be fine here," aning muli ni Diaz sa akin. Sinulyapan ko siya at tumango naman siya sa akin. As much as possible, I really don't want to get special treatment from them just because I am their boss's daughter. Pero hindi ko rin magawang tanggihan ang sinabi nito dahil talaga namang inaantok ako. Mas lamang na hindi ako tatagal na nakatayo roon, e.

After I left Nate last night, I wasn't able to sleep peacefully. Hindi ako makatulog matapos ko siyang sabihan na lousy ang paraan nito ng paghalik. I think I offended him, but I have no intention of talking about the kiss with him.

Hindi na nga niya ako dapat hinalikan, gusto niya pag-uusapan pa namin kagabi?

I was thinking if I should apologize to him, but why would I do that? Deserve niya naman masabihan ng gano'n dahil bigla-bigla siyang nanghahalik na hindi naman dapat.

Pati ako idadamay niya sa kagaguhan niya.

Kaninang umaga ay hindi ko rin alam kung paano ko ba siya pakikiharapan, pero hindi naman din niya ako pinansin kaya sa tingin ko naman ay hindi na namin pag-uusapan ulit ang bagay na iyon.

Which is good.

He was quiet the whole morning. Si Ms. Casino lang din ang kinakausap nito mula nang umalis kami sa bahay nito, sa sasakyan nito at sa lounge.

Pumuwesto na lang ako sa mga upuan sa likod at naupo roon. I crossed my legs and leaned on the chair while looking at the speaker. Hindi ko pa rin mapigilan na mapahikab at ayaw ko namang matulog kaya tumayo na lang ako at napagdesisyunan kong maglakad-lakad na lamang doon.

Midnight PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon