"What if I just apply to be your secretary?"
Keij looked at me and shook his head vehemently. "Hard pass, Alec." Inabot nito ang bote ng beer na naroon at uminom. Nilingon ko rin si Theon na natawa at tinapik ang balikat ni Keij na para bang sinasabi nitong tama ang ginawa nito.
"Ang kapal mo. I can do a secretary's job," reklamo ko rito. He looked at me and chuckled, but shook his head after a few seconds.
"You can, but still a no, Alec. Knowing you, you will probably brag that you're a Dela Cruz. Other staff will end up doing your job. Papasahurin lang kita ng libre kapag gano'n," sabi pa nito bago tumingin kay Theon. "Ito si Theon, may hiring ata sa kanila."
I looked at him and he shook his head, too. "Wala, may na-hire na kanina."
Sinimangutan ko ang dalawang lalaki bago sumandal sa upuan at humalukipkip. "Mga wala kayong silbing pinsan. I helped you when you were in New York, going after Lean," sumbat ko kay Theon.
"Nope, Duke helped me. You were just there," Theon grinned and I frowned at him even more. I used to call them kuya before but they didn't like it. Hindi naman din kasi sila tinatawag nila Alyanna ng gano'n kaya tinigil ko na rin.
Minsan naman din nakikita kong hindi naman sila dapat irespeto, e. Mas lamang na gusto ko na lang din silang posasan.
I just call them kuya when I am teasing them, when I need something, or when I just feel like doing it.
Pero mas madalas na hindi.
Si Kuya Duke na lang talaga ang tinatawag ko ng kuya dahil sigurdo akong sesermunan ako ni Mommy kapag narinig niyang pangalan lang nito ang pagtawag ko rito.
"What's so wrong with your assignment, though? Ginusto mo naman d'yan, ah?" tanong ni Keij sa akin. Nasa may Sweet Desire kami pero doon na rin umiinom ang mga ito dahil hindi pumayag si Enzo na magpunta pa kami ng Blue's Haven dahil hindi naman daw nagbabayad sina Keij. Tinuturo ng mga ito si Kol na hindi naman sila pinapansin.
Nilingon ko ito at iniisip ko kung magsusumbong ba ako rito ng tungkol sa babantayan kong gago.
I mean Nate is very much like them.
Mga gago rin, e. Mas malaki pa ang chance na kakampihan ng mga ito si Nate kaysa sa akin, e.
"Wala lang," sagot ko naman dito bago inabot ang juice na naroon. Juice lang ang pinayagan nilang inumin namin. Nasa kabilang lamesa sina Jahann, Cherinna, Alyanna, Enzo, Summer at Kol. Si Airi naman ay nasa loob ng shop dahil gusto raw nito ng muffin kaya mag-isa lang akong babae na nasa may lamesa namin. Lean is talking to Alyanna so she sat beside her.
"Pikon na pikon siguro sa'yo si Duke, ano?" tanong ni Keij sa akin. "I am thankful Kol's not indecisive," he added and looked at his twin brother.
"Gago, mas si Kol ang napipikon sa'yo kesa mapipikon ka sa kaniya," natatawa namang sabi ni Theon dito. "Now, I am thanking my parents that I am an only son. Walang sakit sa ulo na kapatid," sabi pa nito at ngumisi sa akin.
"Kapal niyong dalawa," I rolled my eyes and leaned on my seat again. Hindi na nakasama si Kuya Duke sa amin ngayon dahil naroon na ito sa assignment nito at doon ito titira sa condo ng client nito.
Hindi ko naman din maitatanong dito kung saan ito tutuloy dahil hindi ko rin naman siya puwedeng puntahan o tawagan man lang.
He's working and I shouldn't disturb him.
I heaved a sigh and looked at my cousins again.
Oh, well. Maybe I'll just think that I am dealing with my cousins so I can get through it.
BINABASA MO ANG
Midnight Pleasure
RomanceAlecsandra Rei Dela Cruz wanted to prove herself to her father that she can also be a reliable person and she's as good as her brother when it comes to providing services and securities to the rich. She wanted him to be proud of her, too. She got th...