VELLE POV
''Ate Velle.'' narinig kong kumatok sa pintuan ng kwarto si Xi-Ann. Nagdesisyon akong dito muna ako sa Condo niya matulog pagkatapos ng lahat ng nangyari.
''Ate tinamplahan kita ng gatas oh.'' tsaka inabot ko naman ang ibinigay niyang isang baso ng gatas.
''Xi-Ann, sorry ha, sorry kasi nadamay pa kayong dlawa ni James dito.'' sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Malaki ang naitulong ng dalawang ito sa akin kaya masakit rin sa akin na pati sila ay nadadamay sa mga nangyayari.
''Ate Velle, wala ka namang kasalanan eh, tsaka kasama mo kami sa planong to, kaya normal na maapektuhan rin kami. Tsaka wala kang dapat ipag-alala, mabait yun si Kuya Pau, siguro kailangan lang humupa nung sama nung loob niya, pero sure naman akong maiintindihan tayo nun.''
''Tch. bait na bait kayo sa mokong na iyon no? Yun na ba ang mabait sa inyo? napaka mainitin ng ulo! Daig pa yung babaeng buwan buwan dinadalaw!''
''Haha, Ate, ganun lang talaga siya, normal na yun sa kaniya. Pero may time naman at madalas ay mabait at caring siya sa lahat, siguro sunod sunod lang talaga yung mga problema ngayon kaya nagkakaganoon siya.''
''Alam mo ba, Ate Velle sa mga ganoong sitwasyon na mainit ang ulo ni Kuya Pau si Stell lang ang nakakapagpagaan ng pakiramdam niya, kahit na anong badtrip ni Kuya PAblo kapag humirit at kinulit na siya ni Stell biglang nawawala ang pagiging Ate Chona ng Pablo haha!''
''Wait, hindi mo naman sinasabing pagaanin ko ang loob ni Pablo diba? haha! No way! Eh ako nga ang dahilan kung bakit mainit ang ulo niya eh.''
''Pero sa tingin ko Ate, nag-alala lang rin siya sa totoong nangyari kay Stell. Knowing him gusto niyang safe at maayos ang lagay ng lahat. Kaya siguro naging ganoon rin ang naging reaksyon niya.''
''well naiintindihan ko naman siya. At alam kong mali rin ang ginawa ko. Inaamin kong mali na magpanggap na ibang tao, kahit pa sabihin na para yun sa kapakanan ni Vester, kaya nga lumayo muna ako sa kanila kasi kung galit man sila sa ginawa ko, naiintindihan ko sila.''
''Natatakot lang ako Xi, kasi sa totoo lang napalapit na rin naman ang loob ko sa mga taong nakakasama ko rito araw-araw sa mga staff, sa dancers, even with Ken. Si Pablo rin kahit na napakasungit niya, si YAni, si Mama Mac, si Ate Lea, lahat. Aaminin kong natatakot ako ngayon kasi after what happened baka hindi na nila akong ituring katulad ng dati, baka mahirpan na ulit akong makuha yung tiwala nila.''
''Wag mong sabiin iyan Ate Velle. Tsaka isa pa napaliwanang naman na namin ni James sa ibang mga staff ang totoo, Alam mo ba tuwang tuwa nga si Mama Mac nung nalaman niya na babae ka, although nag-alala rin siya para kay Stell, pero happy siya ang sabi pa nga niya kaya pala iba ang texture ng mukha mo kasi babae ka naman pala talaga.''
''Haha, talaga?''
''Oo, pati si Irmay at Ate Lea nagpapasend nga sila sa akin ng picture mo na bihis babae ka, sabi nila siguro mukha ka talagang artista.''
''Talaga?'' buti naman at may mga taong madalingmakaintindi ng sitwasyon.
''Si Ken kaya? Si Yani? Ano kayang naging reaksyon nila. Si Pablo, mas lalo kaya siyang magagalit sa akin?''
''Ate, mababait at matatalino sila, siguro nagulat sila, pero maiintindihan ka rin nila. Ang importante, nasabi mo na sa kanila yung totoo, kahit papaano mababawasan ang mga iniisip mo, At ngayon na alam na nila ang nangyari kay Stell, mas mapapadali na yung investigation about dun, at tsaka mas marami na ang magpoprotekta sayo habang nandito ka.''
''Ang tanong, tanggapin pa kaya nila ako? Pumayag kaya si Pablo na magpatuloy ako magperform as Stell?''
''Hala, oo nga pala, yun yung sabi niya sa meeting kanina, the show must go on,kaya kailangan mo na palang matulog para sa concert niyo bukas. Tsaka ang sabi niya after na lang raw ng concert pag-uusapan yung mga susunod na mangyayari.''
YOU ARE READING
The Substitute Star
FanficStellvester Ajero one of the member of International, well known Filipino group SB19. But there is one thing that people don't know about. She has an identical twin sister, Starvelle Ajero a registered nurse that has based in Japan. Stell decided t...