Part 16

50 3 0
                                    

JOSH POV

"Hahahahaha!" Naririnig kong nagtatwanan sina Velle at Justin habang hinihintay namin mag umpisa ang rehearsals.

'So totoo ngang ganito silang ka close na dalawa?'

"Haha,, ikaw nagturo ng steps tapos ikaw pa rin ang nangangapa...haha" natatawang sabi ni Velle kay Justin habang pinapanood ang tiktok na ginawa nila.

Kung titignan, hindi mamamalayan na hindi si Stell ang kasama namin. Humanga ako dahil nagawang matutunan ni Velle na gayahin ang bawat galaw at expression ng kakambal niya.

Pero aaminin ko, something is really different. Nakita ko na kung paano tumawa at maging masaya si Stell. Kapag masaya siya, napapasaya niya rin ang ibang tap sa paligid niya, sigurado yun. At sa tinatagal tagal naming magkasama naging normal na lang sa akin ang mga bagay na yun.

Pero ngayon na alam kong si Velle ang nasa harap ko, seeing her smiling at everyone, seeing her happy with the people around her, parang may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag.

Am i really attracted to her? O baka nag iiba lang ang tingin ko sa kaniya dahil alam kong babae siya?

"Baka naman matunaw iyan kakatitig mo diyan." Hindi ko namalayan na nasa tabi ko ja pala si Justin. At hindi na lang ako nagsalita dahil magaling si Justin sa mga ganitong bagay, ang mang asar. At isa pa hindi naman ako mananalo sa kaniya.

"5....6..7..8.. and tak...tak..tak---"

"Ay.. s-sorry Kuya Jay, isa pa po." Sabi ni Velle. Medyo nahihirapan siyang i pichlk up ang steps.

"And 1..2..3..---"

"Ay sorry----"

"Stell ano ba?! Simpleng steps hindi mo makuha?!" Nainis na sabi ni Pablo.

"Sorry Pablo kasi--"

"Gahol na tayo sa oras! Maging professional ka naman!" Nakatinginan lang kaming tatlo nina Jah at Ken dahil sa naging reaksyon ni Pablo.

"Pau tama, baka pagod lang si Stell--"

"Bakit? Tayo ba hindi? Gahol na tayo sa oras, ang dami dami pa nating gagawin, tapos simpleng steps hindi makuha, tsaka dati ng sayaw tong What na to,, ikaw pa nga ang nag choreo nito diba? Tapos hindi mo makuha? Stell naman---"

"Sorry na nga diba?!" Hindi na rin napigilan ni Velle ang sumagot.

"Aba! Ikaw pa ang galit?"

"Ano bang mahirap maintindihan sa sorry ha? Kailangan ba perfect agad? Hindi ba pwedeng na mental blocked? Gusto mo perfect agad?"

"Walang masama sa sinasabi ko Stell wag mong personalin."

"Oo! alam kong wala sa sinasabi mo! At kung may namemersonal man rito ngayon ikaw yun at hindi ako!"

"Guys, tama na iyan." Pag-aawat sa kanila ni Jah. Tumingin pa ito sa akin para sabihing ako ang umawat sa dalawa.

"Hindi, sumosobra na to eh!" Hindi na nakatiis si Velle at nilapitan niya si Pablo para kumprontahin ito. "Sige Pablo! I explain mo, bakit sa lahat rito ganyan kang makitungo sakin ha, may ginawa ba akong masama sayo?"

Nung una ay hindi makasagot si Paulo. Ilang saglit pa bago siya magsalita.
"Stell, sinabi ko na, wag mong personalin ang mga sinasabi ko---"

"Hindi, Pau! Ikaw ang namemersonal rito! Akala mo ba hindi napapansin ng mga tao rito ha,  Saan ba nanggagaling yung galit mo ha! Yung inis mo! Yung init ng ulo mo sakin? Wala akong ginagawang masama sayo, kaya sabihin mo kung anong problema mo!"

"Wala! Wala akong problema! At kung meron man, hindi ko kailangang sabihin sayo, wala ka nang pakialam ron!" Nag uumpisa na ring tumaas ang tono ni Pablo at nag nagkakainitan na ang dalawang to.

The Substitute StarWhere stories live. Discover now