Part 19

57 5 5
                                    

PABLOs POV

"Justin?! Asan siya ha? Kamusta si Stell? Este yung babaeng Stell?" Napatingin kaming lahat sa pinto nang bigla pumasok si Tita Gemma kasama sina Tita Aldrene,si Mama at ang Mama ni Ken.

"Mama?!" Gulat na reaksyon ni Justin.

"Josh,kamusta si Ano.....ano  ngang pangalan nun?" Nalilitong tanong ni Tita Alderene.

"Starvelle, Mama."

"Ayun, oo siya nga, kamusta ha? Ano bang nangyari sa kaniya?"

"Mga, Tita, kalma po tayo,opo. Umupo muna kayo." Sabi ni Ken, maski kami ay hindi namin alam kung bakit nandito ang mga nanay namin, nandito na kami sa safe house dahil umuwi kami kaagad after concert.

"Ikaw naman Felip Jhon, hindi mo man lang inalalayan at binantayan ng maayos yung kambal ni Stell." Hirit ng Mama ni Ken.

"Why me?!" Sacrastic na sabi ni Ken sa Mama niya. Agad namang lumapit sa akin si Mama, sa mga tinginan niya alam kong gusto rin niyang magsalita.

"Ikaw Ma, wag ka nang mahiya, magtanong ka na."

"Kamusta na siya?"

"Ha! Nagtanong nga-- aray ko Mama!" Inda ko ng bigla akong kurutin ng Mama ko sa tagiliran.

"Nag-aalala lang ako, tsaka napanood namin yung solo niya, halatang mabigat ang pinagdadaanan niya." Nag-aalalang sabi ni Mama. Sa ganda at galig ng pagkakanta ni Velle kanina, lahat naman yata ay naramdaman ang kantang iyon.

"All this time akala namin okay lang siya, akala namin si Stell talaga ang kasama niyo, kaya pala nagtataka kami kung bakit ilang buwan na si Mylene sa Japan at hindi pa nakakauwi " naka cross arms na sabi ni Tita Gemma. We decided na sabihin na rin sa mga parents namin ang totoo.

"Ayun naman pala, inaalagaan niya yung totoong Stell, at itong kambal niya ay napapanggap bilang siya, kawawang bata naman." Imik naman ni Tita Aldrene. Nasa hitsura talaga nila naa nag-aalala sila para sa kapatid ni Stell.

"Nakausap namin si Mylene, nasabi na rin namin yung nangyari, at sinabi namin na kami na ang bahala tumingin kay Velle." Imik naman ni Mama.

"At kayo, simula ngayon bukod sa kailangan niyong ingatan ang mga sarili niyo, mas doble ang pag iingat ninyo kay Velle, dahil babae siya, wag kayong masyadong magpakagod, para hindi maulit yung nangyari kanina." Bilin ng Mama ni Ken. Nasa ganoon kaming sitwasyon ng biglang pumasok si Yani.

"Pau."

"Anong balita Kuya Yani?"

"Pumayag naman sila, medyo nanghinayang lang rin sila na hindi makakasama si Stell, i mean itong si Velle sa guesting niyo, pero naiintindihan naman nila."

"G-Guesting? Yun ba yung--"

"Oo, yun yung guesting natin sa isang Radio Station sa Japan on the other day, dahil sa nangyari kanina, kailangan ni Velle na magpahinga, mamaya na ang flight natin, at hindi siya pwedeng sumama." Sabi ko. Dahil sa matinding pagod nung mga nakaraan kung bakit nahimatay soya kanina.

"Ha?! Pero bakit? Pau, Japan yun, nandun ang family niya---" hindi pa man tapos magsalita si Jah ay biglang nagsalita si Velle sa likod namin.

The Substitute StarWhere stories live. Discover now