PABLO's POV
''Stell anak, okay ka lang ba? Yung sugat pa hindi pa tuluyang magaling, ang tigas kasi ng ulo mo eh.'' saway na sabi ni Tita Mylene kay Stell na ngayon ay medyo iniinda ang tagiliran niya.
Nandito na kami ngayon sa Dressing Room dahil katatapos lang ng Media Launch. Nagkaroon din ng kumusyon kanina dahil ayaw sumama ni Ethan Park sa pag-imbita sa kaniya ng mga pulis.
''Ma, okay lang po ako. Wag po kayong mag-alala sakin.''
''Dre, kamusta ka na, hindi ka man nagsabi nagising ka na pala.'' nag-aalalang sabi ni Josh.
''Oo nga Stell, kinabahan kami kanina, pero buti naman nandito ka na.'' ani naman ni Ken.
''Hoy kayong apat ha! Akala niyo ba hindi ko alam ang ginagawa niyo? Talaga bang masaya kayong nandito ako? ha!'' sabi ni Stell habang isa-isa kaming tinitignan.
''UY! Correction! Tatlo lang sila. Hindi ako kasali run.'' sabi naman ni Justin. Napatingin naman kaming tatlo nina Ken at Josh sa kaniya.
'Awit sayo, nagmamalinis pa!'
''Justin.'' saway ko sa kaniya.
''Kayo pasimple kayo eh noh! May pasimple kayong paghawak sa kamay at balikat kanina ha! Akala niyo si Velle pa ang kasama niyo kanina. Minamanyak niyo ba ang Ate ko ha?!''
''Si Stell ka nga, ang OA mo eh, manyak agad? ganoon ba ang pagkakakilala mo sa amin?'' imik ni Josh.
''O-Oo nga grabe ka naman magsalita, hindi ba pwedeng pinoprotektahan lang namin ang ate mo, sobra ka--'' sabi naman ni Ken pero hindi pa siya tapos magsalita ay naririnig na namin ang boses ni Velle na papalapit na sa Dressing Room.
''What are you Guys doing?! Bakit niyo ako ni-lock sa CR ha? Xi! James! Bakit hindi kayo---Mama? Mama!'' gulat na gulat na reaksyon niVelle at agad na sinalubong ng yakap ang Mama niya na hindi napapnsin si Stell sa tabi namin.
''Ma, a-anong ginagawa mo rito? Si Stell kamusta--''
''Present!'' prenteng sabi ni Stell na itinaas pa ang kamay niya.
''Stellvester?!'' hindi makapaniwalang sabi ni Velle ng makita ang kapatid niya.
''Hi Ate---Ahhh!'' ininda ni Stell ang sugat niya ng biglang yakapin siya ni Velle.
''I-Ikaw ba talaga yan ha, k-kamusta ka na ba? magaling ka na ba ha? Y-Yung sugat mo---''
''Ate Velle, kalma. Okay na ko, well hindi pa gaano pero okay naman na ako--Aray ko! Bakit nananakit ka?!''
''Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na gising ka na ha!''
''Eto naman si Ate oh! Parang ano naman to eh! Kaya nga nandito ako diba.''
''Anong nangyari sa labas kanina?'' humarap sa amin si Velle para alamin ang nangyari sa Media Launch kanina.
''Ayun----''
''Hindi.Ikaw.Ang.Kausap.Ko.'' pagharap na sabi ni Velle kay Stell dahil ito ang sumagot sa tanong niya.
''Aguy....tiklop.'' mapang-asar na sabi ni Justin.
''Alam mo ikaw Justin--''
''Stellvester! Tatanan mo si Justin.'' saway ni Velle sa kakambal.
''Haha! Ano to?! Sumisipsip ka sa Ate ko?'' baling ni Stell kay Justin na parang walang kamalay-malay.
''Uy! Sipsip is bad, that not good.''
''Mama mo, Good.''
''Tigil!'' pag-awat ni Velle. ''Kailan ka pa ba naging okay ha? Bakit parang ambilis mong maka recover? Ilang araw ka na bang gising ha, Stellvester?''
YOU ARE READING
The Substitute Star
Fiksi PenggemarStellvester Ajero one of the member of International, well known Filipino group SB19. But there is one thing that people don't know about. She has an identical twin sister, Starvelle Ajero a registered nurse that has based in Japan. Stell decided t...