Delubyu nga ika nila sa college ang isang subject at gabing uwi. Friday ngayon at papasok ako sa school mamaya pang alas-tres, five to eight ang class ko at iisang subject lang 'yon.
"Nag-tawag na ang mama mo sa'yo?" umiling ako bilang sagot kay nanay ko.
"Hindi pa po, pero 'yong atm ko po nilagyan na ng laman ni mama," allowance at pambayad ng bahay ang binibigay saakin ni mama, ang kuya tito ko naman ang sumasagot sa mga gastusin dito sa bahay.
"Pumarito kanina ang may-ari nireng bahay, bukas ang huling tapos ng dalawang buwan na nabayaran daw natin," kinuha ko ang wallet ko at binigyan ng pera si nanay.
"Pag naparine po ulit, Nay, abot n'yo nalang po 'yan, tapos itong sobra naman ay pang-gastos n'yo naman," ginugol ko ang oras ko muna sa ilang major subject ko, medyo nahihirapan ako sa ilang subjects ko pero kakayanin ko, hindi pwedeng sayangin ko ang scholarship na binigay saakin.
sumapit ang hapon at umalis na ako sa bahay, katulad ng madals kong gawin ay pumara na ako ng tricycle papunta sa sakayan ng jeep. medyo traffic ng maka-sakay ako sa jeep dahil narin sa uwian ng ilang mga nagta-trabaho, ang iilang ay uwian galing sa kanilang school, nakarating ako ng ligtas kahit papaano sa school.
Hindi pa ako nakaka-layo sa gate ng bigla nalang may umakbay saakin, tumingala ako at inalis ang kamay nito saakin... si Jace ang umakbay saakin, naka-ngiti ito saakin at kita ko na naman ang kanyang dimple.
"Hindi mo ako nireplyan sa mga text ko," nai-ilang akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
"W-wala akong load, hindi rin naman ako nag-ubos oras sa cellphone kaya hindi ko nabasa ang text mo," alanganing sagot ko sa kanya.
"Pwede ba kitang ihatid sa room mo?" hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya, tumingin ako rito at naka-tingin ito saakin tila ba'y naghi-hintay ng sagot.
"Baka may training kayo ngayon, abala lang kung ihahatid mo pa ako," nahihiyang wika ko.
"Hindi... hindi ka abala para saakin," napa-iwas ako ng tingin sa kanya dahil alam kong namumula ang aking tenga.
Huwag kang mag-padala sa kanyang matatamis na salita, Cezz.
"S-sige" nagulat ako ng kuhain n'ya ang bag ko at pinilit na s'ya na ang mag-dala, hinayaan kona lang s'ya sa kanyang gustong gawin.
"Gusto sana kita yayain bukas, kung hindi ka busy baka gusto mong manood ng laban namin, dadayo 'yong mga fatima dito bukas ih," hindi ako sumasagot dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot ko, sa totoo lang hindi naman ako mahilig manood ng mga ganyan ih.
"Ayos lang kung busy ka at hindi makaka-punta, nagba-bakasakali lang naman ako na baka gusto mo manood," tumingin ako sa kanya, ngumiti ito saakin.
"Sige, manonood ako b-bukas," aniya ko at kinuha ang aking bag sabay pasok ko sa classroom ko.
Hindi pa ako nakaka-upo ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone, kinapa ko iyon at kinuha sa aking bulsa.
From:♡JC♡
Text mo po ako bukas kapag papunta kana ♡
Suduin po kita ♡
sabay na tayo sa court Miss Nursing ♡
Tumingin ako sa labas ng room ko at nakita ko s'ya na naka-tingin saakin, ngumiti ito at kumaway, alam kong namula ako ng kindatan ako nito sabay takbo paalis sa tapat ng aking room.
Umupo ako at muling tinignan ang text n'ya kani-kanina lang, tama nga at nag text talaga s'ya kahapon, hindi ko iyon nabasa dahil busy ako sa ilang mga gawaing bahay, hindi ako mahilig gumamit ng cellphone lalo na't wala naman akong importanteng gagawin doon. Hindi rin naman ako makaka-reply sa kanya dahil wala akong load, binalik ko nalang ang cellphone ko sa aking bulsa, ngunit ilang saglit lang ay nag-vibrate na naman ito.
BINABASA MO ANG
Love Series 1: Love without Fear
Teen FictionPrincess Antoniette Eschoto is a nursing student at Far Eastern University. She had a life goal, to graduate and be a nurse. Even though she comes from a poor and broken family she has a strong personality. She wanted to have a friend whether it was...