Nagising ako ng may matigas na bagay ang dumagan sa aking bewang, ginawa na 'ata akong unan ni Jace. Marahan kong kinusot ang aking mata at tinanggal ang kamay n'ya s aaking bewang, hinalikan ko ito sa pisnge ng marahan bago ko titigan ang kanyang gwapong mukha.
"Perfect naman masyado." aniya ko at mahinang natawa.
Lumabas ako ng kwarto ko at sinilip ko si Lola, tulog pa ito kaya naman pumasok ako at hinalikan s'ya sa noo. Nilinisan ko muna ang sarili ko bago dumeretsyo sa kusina at mag handa ng aming almusal.
Sanay akong magkabit ng airpods at magpa-tugtog habang nagluluto, nagulat nalang ako sa kalagitnaan ng aking pagluluto ay may yumapos sa aking bewang na aking kinagulat, haharap na sana ako ng ipatong nito ang kanyang baba sa aking balikat, amoy palang alam ko na kung sino agad.
Pinatay ko ang kalan at tinanggal ang air pods na suot ko bago ako humarap sa kanya, ngumiti ako at medyo tumingkayad para ayusin ang sabog n'yang buhok. Naka-ngiti ito habang titig na titig sa akin, medyo naiilang parin talaga ako sa kanya minsan, iniisip ko nalang talaga na boyfriend ko s'ya at wala akong dapat ikahiya sa mga sweet gesture n'ya.
"Parang gusto na kita agad asawahin" natampal ko s'ya sa braso dahil sa sinabi n'ya.
"Hintayin mo na lang ako sa sala, tapusin ko muna ang niluluto ko. Agang-aga nilalandi mo ako." natatawang sabi ko, akmang tatalikod na ako ng hilahin n'ya ako.
"Good morning, Misis ko. I love you." he whispered then kissed my cheek.
"Good morning din, Darling." I pat his cheek while smiling.
Nasa hapag kami kasama si Lola, panay ang biro ni lola kay Jace at inaalok din n'ya itong 'wag na mag apartment dahil sayang ang pera gusto ni Lola ay dito nalang si Jace tumuloy dahil amy extra na kwarto, pero nasabi ko na lilipat nga kami sa Bulacan,
"Lilipat ka rin ng school?" tumingin ako kay Jace at tumango.
"Hindi ko kaya mag balikan mula FEU hanggang Bulacan, sobrang traffic. Balak ko rin mag apply sa school na mura yung tuition, medyo gipit kasi ngayon natanggalan pa ako ng scholar." aniya ko at kumain ulit.
"Edi ldr na tayo?" tumango ako sa kanya at ngumiti.
"May internet, bawal malungkot!" paalala ko habang tumatawa, pati si lola ay tumawa narin.
"Sabi ko nga po Boss." tumawa narin s'ya pero alam kong hindi tawang masaya, nagkibit balikat nalang ako at kumain.
Matapos ang aming almusal at agad din namang nagpaalam si Jace na aalis na dahil may work pa s'ya, hindi ko man lang naka-usap si Jace kung bakit biglaan ang pagiging working student n'ya, scholar naman s'ya and for sure may allowance s'ya from his parents. Last time sabi n'ya sa akin ay sa bartender lang ang work n'ya pero sadyang busy s'ya sa dami ng costumer palagi.
Lumipas ang ilang araw at nag-aayos kami ng gamit dahil ngayon hahakutin sabi ni Kuya papuntang Bulacan, pero nahinto kami ng dumating si Mama, oo si Mama at ang gusto ni Mama ay umuwi ng Pagadian.
"Bakit sa Pagadian, nag desisyon na ako na sa Bulacan tayo saka paano ang pag-aaral ni Princess. Hindi mo talaga iniisp ang anak mo sa mga desisyon mong padalos-dalos!" galit na wika ni Tito.
"Bakit sino bang may sabi na isasama s'ya sa Pagadian, dito s'ya mag-aral s'ya dito sa Manila. Uuwi ko si Nanay sa Pagadian, walang mag babantay sa kaniya diro. Nag-aaral si Princess at ikaw palaging wala dito sa bahay, ano si Nanay lang dito, matanda na si Nanay kailangan n'yan ng mag-aalaga." sagot ni Mama kay Tito.
"Wow! kailan kapa naging concern sa pag-aalaga kay Nanay, mas mukha pa ngang mag nanay sila ni Princess kesa sa iyo, ang lakas ng loob mong akuin ang pag-aalaga kay Nanay, hindi mo nga maalagaan ang anak mo!" isang malakas na sampal iginawad ni Mama kay Tito dahilan para sumigaw si Lola sa galit.
"Hindi ako naging mabuting ina pero hindi ko tinuro sa inyong dalawa na mag sakitan sa harap ko, ano patayan ba ang inyong gusto, mag saksakan nalang kayo!" hinawakan ko si Lola dahil galit na ito kila Tito at Mama.
"Hindi n'yo kailangan pag-awayan ang pag-aalaga sa akin, kaya ko alagaan ang sarili ko hindi ko kayo pinipilit na alagaan ako kaya 'wag na 'wag n'yong pag-awayan ang bagay na 'yan sa harapan ko!" napa-kagat ako ng ibabang labi ko ng bigla kaming talikurang lahat ni Lola habang umiiyak.
Tumingin ako kila Tito at Mama na masama parin ang tingin sa isa't-isa. Pinili nilang sa kwarto ni Tito mag-usap, bumalik ako sa kwarto ko. Gusto ko rin maka-usap si Mama, I wnat her time kasi ang dami kong gustong sabihin, itanong, palagi kasi s'yang wala kaya naipon talaga lahat.
"Umuwi ka pero hindi naman para sa anak mo! utak ba 'yan ng matinong Ina! Aminin mo nagkikita na naman kayo ng lalaki!" rinig na rinig ko sila dahil katabing kwarto ko lang si Tito.
"Wala kang alam, mahal ko si Marco, Antonie, palibhasa wala kang alam sa pagmamahal!" napa-oikit naka ako at duamap sa kama.
"Ano aasahan mo, may time ako sa ganyan? Iniwan mo 'yung anak mon sa akin, ako lahat sa akin lahat. Habang ikaw nasa Pagadian kasama si Marco, pinilit kong isama ang anak mo dito sa Manlia dahil ayokong madamay s'ya sa gulo n'yong dalawa, Walang-wala ako dahil magsisimula palang ako ng panahon na 'yon pero wala kang narinig sa akin, Cecil!" puro sumbatan na ang mga narinig ko. Lumabas na ako ng kwarto ko at pinunasan ang luha ko na panay ang tulo ng luha ko.
Gusto kong puntahan si Lola pero ayokong makita n'ya akong umiiyak dahil sa nagyayari ngayon. Pupuntahan ko nalang si Jace. Tama si Jace nalang.
Sinukbit ko ang shoulder bag ko at lubas na ng bahay ng walang paalam kahit kanino. Sobrang bigat lang talaga ng nararamdaman ko. Parang pakiramdam ko kasalanan ko nalang lahat. Kalanan ko kung bakit ang bigat-bigat ng pasanin ni Tito, kasalanan ko kung bakit misirable si Mama, Kasalanan ko kung bakit ganito ang buhay namin.
Hindi ko na nga matanong si Jace kung kumusta ba s'ya dahil ako mismo hindi ayos, ayokong kapag na ngumusta ako sa kanya at ibalik n'ya sa akin ang tanong ay magiging dagdag problema ako sa kanya.
Napa-hinto ako sa aking paglalakas ng marealize ang aking mga sinasabi sa isipan.
"Kung pupunta ako kay Jace edi malalaman n'ya na problemado ako." napa-buntong hininga ako dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta na talaga, kung kanino ako sasandal para maka-hinga, pagod na pagaod na ako.
Sem break dapat ipahinga ang utak pero bakit parang stress na stress ako sa bahay kesa sa school. Problema lang lahat 'to, kakayanin ko 'to. Laban lang, Princess. Hindi ka pwedeng maubo.
Napa-hinto ako sa paglalakad ng may sasakyan sa aking harapan ang huminto at nagulat ako ng bumaba ang sakay nito, Ate ni Jace.
"Ate Jhen, ano pong ginagawa n'yo dito?"
"Pupuntahan sana kita sa bahay n'yo pero nakita kitang lumabas sa bahay n'yo kanina at mukhang hindi good timing ang pumunta ako doon kaya sinundan kita here." alanganin itong ngumiti sa akin at hinawakan ang aking kamay.
"Can we talk? No need to worry dahil hindi naman ako kagaya ni Mom na hahadlang sa inyong dalawa, actually, I'm very happy para sa relationship n'yo ng kapatid ko. I never had a lovelife na katulad ng inyo." sabay tawa nito ng mapait.
Sumakay ako sa sasakyan n'ya at kagaya ng gusto nito ay nag-tungo kami sa isang cafe para mag-usap. Katulad ng hinala ko, problemado rin si Jace at mas mabigat ang pinagdadaanan n'ya kesa sa'kin.
Tinakwil si Jace ng Mama n'ya at tinggalan ng mana, condo, sasakyan, at pati credit card. Kaya nag ta-trabaho si Jace ngayon ay para sustentuhan ang sarili n'ya.
"Ilaban mo ang kapatid ko kagaya ng paglaban n'ya sa'yo. Pinili ka n'ya, Princess dahil naniniwala s'ya na ikaw na. Sana ikaw din, piliin mo ang kapatid ko." iyon ang huli nitong sinabi bago ako iwan sa loob ng cafeteria.
Ako ang pinili ni Jace over his inheritance, and life he had. Ipinaglaban ako ni Jace kahit bago palang kami, pinili n'ya ako ng walang pag-aalinlangan.
_strwbrgirl
Bukas na yung next part, then if keri POV ni Jace sa chapter 27 ❤️
BINABASA MO ANG
Love Series 1: Love without Fear
Teen FictionPrincess Antoniette Eschoto is a nursing student at Far Eastern University. She had a life goal, to graduate and be a nurse. Even though she comes from a poor and broken family she has a strong personality. She wanted to have a friend whether it was...