CHAPTER 6

134 4 0
                                    

"Ayokong kumain dito, Jace..." hinihila ko s'ya pero ayaw n'ya paawat at tumatawa pa.

"Libre ko Miss nursing," umiling ako hinatak s'ya dahil ayokong kumain sa magarang kainan, limitado lang ang makakain ko dahil iisipin ko ang presyo n'on.

"Libre o hindi, ayokong kumain d'yan." matigas na aniya ko dahilan para mapa-buntong hininga si Jace at sumuko.

"Oki... oki, saan mo ba gustong kumain na komportable ka?" tanong n'ya sa mahinahong boses.

"May kinakainan akong karendirya pwedeng d'on nalang tayo kumain," tumango s'ya at hinawakan ang kamay ko, pinag-buksan ako nito ng pinto ng sasakyan bago tumungo sa driver seat.

"Liko mo d'yan sa kanan..." tinuturo ko ang daan kay Jace at wala naman s'yang reklamo na kina-ngiti ko.

"Sa may lunang puti mo ihinto ang sasakyan mo," tumango ito saakin at sinunod ang sinabi ko.

Kinuha ko ang wallet ko bago bumaba ng sasakyan, hindi kona hinintay si Jace sa halip ay dumeretsyo na ako sa karendirya ni Nanay Drea.

"Nay Drea!" masigla kong tawag ng maka-upo ako, naramdaman ko ang pag-upo ni Jace sa aking tabi kaya naman nilingon ko s'ya at nginitian.

"Java rice dalawa..." tumingin ako kay Jace para tanungin s'ya pero masyadong titig na titig ito saakin. "A-anong ulam mo?" haluh, bakit ako nautal?

"Ikaw..." nag-salubong ang kilay ko sa sagot n'ya. "I mean... ikaw bahala," tumango nalang ako.

"Sige, ako bahala sa'yo masarap lahat pagkain dito saka affordable," tumayo ako at lumapit sa mga ulam para mamili.

"Nay dalawang order po ng Java rice with pork sisig pa add narin po ng extra rice..." inabot ko ang two hundred pesos, ayaw tanggapin ni Nanay Drea pera pero ipinilit ko kaya sa huli ay wala rin itong nagawa.

"Madalas ka kumain dito?" tumango ako habang inaayos ang kutsara at at baso naming dalawa, umupo ako sa tabi n'ya ng naka-ngiti, ang tagal ko rin na hindi naka-balik dito.

"Dito lang ako kumakain kapag wala akong baong lunch, mahal ang pagkain sa loob ng campus kumpara rito sa karendirya. Masarap at siguradong sulit talaga ang ibabayad," parang endorser ako ng karendirya dahil sa aking himig.

"Pwedeng dito nalang din ako kumain lagi ng lunch?" bakit kailangan n'ya pang mag tanong, hindi naman ako ang may-ari ng karendirya.

"Bakit kailangan mo pa mag-sabi, hindi naman ako ang may-ari nito, of course you're allowed here when you want to eat..." ngumiti pa ako sa kanya.

"Eto na ang order n'yo..." tumingin si Nay Drea kay Jace bago lumingon saakin "Boyfriend mo?" Nay Drea mouthed, umiling ako at ngumiti gaya n'ya. "Paka-busog kayong dalawa, masarap 'yang sisig namin, Ijo... alam mo 'yan Princess," tumango-tango naman ako habang natatawa.

Lumingo ako kay Jace at naka-tingin na naman ito saakin, napawi ang ngiti ko ng titigan ko ang kanyang mga mata, ayoko mag assume, but his eyes were full of admiration while his looking at me. Umiwas ako ng tingin sa kanya at bahagyang umuling, shit! mali ang ganitong pakiramdam.

"K-kain na tayo..." walang lingong aniya ko.

Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang matawa kay Jace dahil sarap na sarap s'ya sa sisig, madalas daw kasi ang ulam nila ay dishes sa iba't-ibang country dahil hilig daw ng mommy n'ya, minsan naman ay expensive restaurant sila kumakain.

"Kapag may vacant ako at ikaw, yayayain kita kumain sa Jollibee," kumindat pa ako sa kanya, I can't imagine na habang tumatagal ay nagiging-comfy na akong kasama si Jace.

"Pwede mo akong ayain lagi kumain, free ako palagi..." tumaas ang kilay ko sa sinabi n'ya, kailan pa naging maluwag ang schedule ng engineering student slash basketball captain?

"Makapag-salita ka naman parang ang luwag ng schedule mo, ako nga na nursing ay nahihirapan sa sched ko tapos mga activities na rush, ikaw pa kaya na engineering student na basketball captain," tumawa pa ako bago kumaing muli.

"Basta ikaw, kayang kong gawan ng paraan ang schedule ko..." tumingin ako sa kanya pero nanatili s'yang busy sa pagkain.

Nakaka-takot naman ang bilis ng tibok ng aking puso, huling karera nito ay natalo ih.

"Grabe ang sarap po ng luto n'yo..." puring-puri ang karendirya ni Nay Drea kay Jace, bawat compliments n'ya ay masasabi kong sincere dahil sa ningning ng kanyang mga mata at ngiting abot tenga.

"Dahil masarap ay aasahan ko na babalik ka... babalik kayo ulit dalawa na mag-kasama,"

"Makaka-asa po kayo."

Akamang bubuksan ko ang pinto ng sasakyan ng unahan ako ni Jace bukas n'on, tumngin ako sa kanya at nginitian lang ako nito, ganda talaga ng dimple n'ya.

Kumuha ako ng fres na candy sa bag at ianbot ko iyon kay Jace, alanganin s'yang tumingin saakin at sa candy, ayaw ba n'ya? Sinundan ko s'ya ng tingin ng may kuain s'ya sa bulsa n'ya... kopiko candy?

"Exchange tayo, pre..." ayan na naman s'ya sa pre na tawag n'ya, porket ba pam-pulutan ang pina-kain ko sa kanya ay iisipin n'ya na na tambay na lasingera ako sa kanto.

"Pwede tayong mag-usap?" mahina ngunit may himig ng lambing ang boses n'ya.

"Tungkol saan ba?" salubong ang aking kilay na nag tanong sa kanya.

"About the kiss..." nakagat ko ag ibabang labi ko ng maalala ko na naman ang kiss na'yon. 

"Kailangan bang pag-usapan pa 'yon?" alanganing tanong ko sa kanya.

"Of course, mali 'yong nagawa ko and I want to say sorry about that, nadala lang ako dahil sa selos," selos? Bakit naman s'ya magse-selos, at kanino?

"selos ka?" tumango ito at ngumuso, huminto ang sasakyan sa isang park wala na gaanong tao dahil pagabi narin.

"Sobra, nag-selos ako sa ex mo, Miss Nursing, though I know my worth, selos parin ako kasi ang panget ng image ko sayo kasi alam kong tingin mo saakin playboy, pero I swear hindi ako playboy saka nag bago na ako, noh." natawa ako ng mahina dahil ang daldal n'ya. Masyado s'yang tense na akala mo naman batang may malaking kasalanan sa magulang kung mag-paliwanag.

"Ano ka ba, hindi mo naman kailangan mag-paliwanag ng sobra, wala saakin 'yon, Jace. Kung nag-selos ka dahil may closure kami ni Edrian 'wag ka mag-alala matagal ng tapos ang meron saming dalawa, though may mga bagay parin akong hindi maka-limutan but still naka move on na ako, mas may closure na nga tayo ngayon kumpara saamin." Mahina kong nahampas ang braso n'ya dahil narin sa tumawa ko.

"Edi I'm not sorry sa kiss. Masarap ang lips mo lasang strawberry..."

"Loko, first kiss ko'yon,"

"Hindi na ako magse-selos promise..."

"Sige, sabi mo ih."

_strwbrgirl

Love Series 1:  Love without FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon