CHAPTER 16

93 6 2
                                    

"Guys, tama na 'yong practice natin. Ipahinga n'yo nalang muna ang boses n'yo, lalo kana Princess." ngumiti lang ako bilang sagot. Hinihintay namin si Athisa para malaman kung pang ilan kami sa mga mag peperform.

Habang nag r-relax ay nag scroll ako sa instagram, hindi ko alam kung anong sumapi sa kamay ko at nasa profile na ako ni Jace.

Jace Cullen Santos
@j_ace_call'n

Engineering
FEU Basketball Captian #19

33 post    27,986 followers    1 following

Ako lang ang following n'ya? Umiling ako at tumingin nalang sa mga post n'ya. Napa-ngiti ako dahil ang dami n'yang Jersey at puro nineteen and number na gamit n'ya.

#Threepointerft.BanongKalaban

Napatawa ako ng mahina sa caption n'ya. Kahit sa mga ppst ay makulit talaga s'ya, halos puro pi tures n'ya at jersey n'ya lang ang nakita ko, may mga naka-tag sa kanya na pictures at halos puro babae 'yon, hindi ko alam pero nainis ako kaya pinatay ko nalang ang cellphone ko.

Hindi yata maganda ang social media ih.

"Athisa..." napa-tingin ako sa pinto at nakita si Athisa na may hawak na papel.

"Pang apat tayo sa mag peperform, sa tatlong malakas natin kalaban ay una tayo. Ibigay lang natin ang best natin amd enjoy natin ang kanta." paalala nito saamin.

"Comfort room lang ako." paalam ko saka ako lumabas ng music room.

Habang papunta ako ng CR ay hindi ko naman inaasahan na masasalubong ko ang lalaking miss ko. Naka-salubong ko lang naman si Jace.

"Miss Nursing..." yumuko ako at nilagpasan lang s'ya.

May tampo parin ako sa kanya, napa-padyak ako dahil sa inasal ko. Nakaka-inis miss kona s'ya pero kusa namang umiiwas ang katawan ko sa kanya. Habang nasa loob ako ng banyo ay naka-rinig ako ng usapan, sa halip na lumabas ako ay nakinig muna ako sa usapan nila ng banggitin nila ang pangalan ni Jace.

"Teh, na kwento saakin ni Krisa na two time pala ang niligawan ni Jace." ako ba ang tinutukoy nila? Saka ano, krisa?

"Ay, kalat nga sa building ng business administration ang tungkol kay ate mo girl, sabi pa baka raw kinakarma si Jace kasi playboy."

"Uy, hindi naman playboy si Jace 'no, lapitin lang talaga, you know naman na usap-usapan na masarap kumama ang isang Jace Cullen."

"Tumpak! Unang kainin heaven agad." sabay pa na tumawa ang dalawa.

"Baka naman kasi na-realize nung nursing na masyado s'yang mababa para kay Jace. Sabi pa ni Krisa na bago lang dito sa school 'yung girl, you know mukhang probinsyana daw. Mahinhinin pero pokpok pala." nag-pantig ang tenga ko sa aking narinig kaya naman lumabas na ako at hinarap sila.

Tumingin ako sa kanila mula ulo hanggang paa, ang kapal naman nila para tawagin akong pokpok mas mukha pa nga silang pokpok saakin.

"Hi ghorl, makiki-chika ka rin ba?"

"Kilala n'yo ba ang babaeng pinag-uusapan n'yo?" pilit kong ihanahon ang aking boses kahit medyo naiinis ako.

"Actually hindi, na kwento lang kasi saamin. Ang alam ko lang representative s'ya ng nursing first year, hibdi pa namin s'ya nakikita, as you can see business administration ang course namin masyadong malayo sa building mg nursing." maarteng sagot nito.

"Guess what, bali-balita rin sa nusing building na ang mga business administration students sa school na 'to ay hindi lang basta about business ang inaaral, pati chismiss at fake news ay inaaral din." sabay ngisi ko, kita ko ang inis sa mukha nilang dalawa.

"Sino kaba sa inaakala mo, hindi hamak naman na mas maganda kami sa'yo." gigil na gigil ang bawat salitang binitawan nito.

"Aanhin ko ang ganda mo kung marites ka naman? Maganda ka nga takaw chismiss naman. Higit sa lahat, Miss, maganda ka nga amoy bayabas naman." hindi kona hinintay ang sunod nilang sasabihin dahil lumabas na ako sa comfort room.

Hindi namma siguro mali ang ginawa ko, alam kong hindi naman nila alam na ako ang  pinag-uusapna nila pero sobrang below the belt naman yata ang word na pokpok.

Walamg sino mang babae ang dapat tawaging pokpok, oo may mga babaeng bayaran, but I do believe that they have story behind their work. Hindi tamang mang husga kung hindi mo naman naririnig ang kwento nila.

"Guys, baba na tayo sabi ni Athisa." sumunod lang ako sa kanila at binitbit ko ang gitarang gagamitin ni Athisa.

Nang makababa kami ay maraming student ang nakikisabay sa kumakanta, kung next kami sa kanila malamang ay accountancy sila.

"Ang tanong na walang sagot
Luha ang nadudulot sa ating mga mata..."

Hindi ko maiwasang kabahan, matagal natin simula ng kumanta ako sa harap ng marami, that's why I feel like it's my first time.

"Hahanap-hanapin ang mga bulong sa gabi, hmm..." I'm humming para sabayan natin ang kanta, ang ganda ng boses nila, malamig.

Sumilip ako upang tignan ang mga judges ngunit mas lalo akong kinabahan sa aking nakita, si Edrian. Oo kumakanta s'ya madalas nga ay iba't-ibang contest ang sinasalingan n'ya even international sinalihan n'ya.

Bakit s'ya pa? Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil kagaya ng dati kung hindi ay dahil sa kaba.

"Uulit-ulitin ang bawat kuwento at sikreto natin..."

"Hanggang wala na ang luha sa puso ko..."

"Hanggang sa muli, tayo rin ang magtatagpo, whoa-oh..." parang ramdam naman ni Edrian ang kantang pibapakinggan n'ya dahil naka-pikit pa s'ya.

Parang gusto ko tuloy umatras, bonding lang namin dati ang pagkanta pero ngayon ay isa na s'ya sa huhusga sa boses ko ng iba pang kalahok.

"Cezz, ready kana ba?" napukaw ni Atjisa ang atensyon ko ng hawakan ako niyo sa braso.

"Aaminin, medyo may kaba akong nararamdaman. Just like what I told you, ngayon nalang ulit ako kakanta sa harap ng marami." mahinang aniya ko pero ngumiti ito saakin para palakasin ang loob ko.

"Just be with the music, isipin mo ikaw lang at ang kanta mo ang may connection, the more na ramdam mo ang bawat lyrics the better connection ang mabubuo mo. We believe in you, Cezz. Ang importante naman ay nag enjoy tayo." ngumiti ako at tumango.

"Let's just feel the music, guys!"

"Let's build a connection using the lyrics, emotion and instruments!" ngumiti akong muli dahil tama sila.

Make a connection with music.

_strwbrgirl

Love Series 1:  Love without FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon