"Madalas ka yata rito sa building ng mga nursing, Mr. Santos." may diing wika ni Mrs. Tolentino, alam kong hinihinaty ako ni Jace dahil niyaya n'ya akong pumunta ng ice cream parlor.
"Sunduin kolang po 'yung maganda n'yong student, Mrs. Tolentino," sumilip pa si Jace para hanapin ako, natawa nalang ako ng kumindat ito.
Habang tumatagal ay nasasanay na ako sa ugali ni Jace, hindi ko naman na nakikita sa kanya ang sinasabi ng iba na playboy s'ya, tanging ako at si Aidhel lang ang madalas na kasama n'ya. He also told me about his friend Aidhel.
"Ingatan mo ang vice president ng 1A, Mr. Santos," narinig ko ang tukso saakin ng iba kong kaklase, hindi maiwasang mapa-yuko dahil sa hiya. Kahit sanay na ako sa mga tuksuhan ay hindi ko parin maiwasang mahiya minsan.
"Noted po, Mrs. Tolentino."
"Baby-hin mo ang VP namin, Mr.Engineering!" tukso ni Fionah at sinundot ang aking tagiliran, sinamaan ko ng tingin si Fionah pero tinulak na ako nito paplapit kay Jace, naiiling nalang ako dahil sa hiya.
"Tara na, Ms. Nursing." hinila na ako ni Jace palabas ng room nsmin.
May iilan na naka-tingin saamin ng makalabas kami ng room, hindi na saakin bago ang ganitong kaganapan, sikat ba naman na captain ng tamaraw ang kasama ko talagang pagti-tinginan kami.
"Hindi mo man lang napansin na ang gwapo ko sa gupit ko, Ms. Nursing?" may himig ng pagta-tampo sa boses nio na kinatawa ko nalang ng mahina.
"Naka buzz cut kapa, Mr. Engineering," aniya ko at inayos ang headband nitong nasa buhok n'ya.
"Anong height mo, Ms. Nursing?" sumandal pa ito sa kotse n'ya habang hinihintay ang sagot ko.
"5'6 tapos ang weight ko naman ay 53kg, ikaw anong height mo?" tanong ko sa kanya pabalik, matangkad si Jace at maganda ang katawan n'ya halatang alaga sa gym.
"190.5 or 6'3 mahigit lang naman po height ko at ang weight ko naman is 86kg." napa-nguso ako dahil matangkad pala talaga s'ya, pang basketball player talaga s'ya.
"Tara na, may next class pa ako after natin mag ice cream ih," tumango naman s'ya at mabilis na tumakbo sa passenger seat para pag-buksan ako ng pinto, hind ko maiwasang mapa-ngiti, he always treat me as a princess... like my name, I guess...
"Pasok na po, Madam..." napa-tawa nalang ako ng mahina sa tinawag nito saakin.
Habang nasa byahe ay hinahayaan kolang si Jace mag-kwento, nalaman ko na mahilig s'ya mag bar simula palang noon senior high s'ya, akala ko nga ay 1st year palang si Jace pero mali ako, 3rd year college na pala s'ya. Hindi ko maiwasang humanga dahil hindi biro ang lursong kinuha n'ya at player pa s'ya.
"Mukha lang akong bulakbol pero DL ako, akala nila babaero ako dahil madalas iba't-ibang babae ang kasama ko, hindi naman nila alam na nagpa-paturo lang saakin ang mga yon ng algebra or trigo..." naaliw ako tuwing nag s-share s'ya saakin ng ng mga expectations sa kanya ng iba at ang totoong s'ya.
Nakarating kami sa ice cream parlor at katulad ng madalas naming gawin ay kumuha ako ng mochi ice cream habang cornetto naman ang kinuha ni Jace.
"Kuha kapa ng mochi, hindi mo malalasahan ang sarap kung mabibitin ka..." kumuha pa ito ng dalawa at kinuha ang hawak ko, dalawang cornetto pala ang kinuha ni Jace.
Umupo ako saglit habang hinihintay si Jace pero hindi ko inaasahan ang makikita kong papasok sa ice cream parlor, si Edrian kasama si Sofia, si Sofia lang naman ang isa sa dahilan kung bakit ko rin ginustong hiwalayan si Edrian.
"Sofia is better than her, Edrian!"
"Sofia is richer and classy than her!"
"Sofia is a complete package compared to that bitch!"
Mga salitang hindi ko malilimutan galing sa nanay ni Edrian, walang wala naman talaga ako kumpara kay Sofia, mayaman, maganda at galing sa kilalang pamilya si Sofia, hindi kagaya ko na palamunin at galing sa buwag na pamilya.
"Ganda!" nabalik ako sa ulirat ng boses ni Jace sa aking likuran ang pumukaw sa aking tulalang isipan.
"Malalim yata ang iniisip mo?" inabot nito saakin ang paper bag, tumayo ako at hinila si Jace pero wrong timing dahil naka-sabay namin sila Edrian.
"Anne..."
"Princess..."
Sabay na tawag saakin ng dalawa, lumingon ako at alanganing ngumiti, naramdaman ko ang hwak saakin ni Jace kaya naman napa-tingin ako sa kanya.
"Who is he, Anne?" lumunok ako bago sumagot pero mas nagulat ako sa simabi ni Jace.
"Bro, if you don't mind mauna na kami, ihahatid kopa ang future nurse ko sa next class n'ya." may diin at malamig na wika ni Jace.
Tumingin saakin si Edrian hanggang sa bumaba ang tingin niyo sa kamay ko na hawak ni Jace, akmang bibitawan kona ang hawak saakin ni Jace ng mas humigpit iyon.
"Mauna na kami, excuse us." hinila na ako ni Jace palabas ng store, wala kaming imikan dalawa kahit nasa loob na sya ng sasakyan.
Hindi ko alam pero parang hindi ako sanay na ganito kaming dalawa, tapos naman na ang meron saamin ni Edrian sadyang hindi ko lang in-expect na makikita ko na naman s'ya at kasama pa talaga si Sofia.
"Ex mo?" tumingin ako kay Jace, nasa kalsada parin ang kanyang pansin habang hinihintay ang aking sagot.
"Ah... Oo, matagal naman na kaming hiwalay," hindi ko alam pero oba ang tibok ng puso ko na para ba akong kinakabahan na magka-mali ng sagot sa kanya.
Tumango lang ito at pibarada ang sasakyan sa parking, baba na sana ako ng pigilan ako nito at mas lalo akong kinahaban ng ilapit n'ya ang kanyang mukha saakin.
"Selos ako, Ms. Nursing..." aniya nito at bigla nalang akong dinampian ng halik sa aking labi.
Nanlaki ang mata ko habang s'ya naman ay naka-pikit, hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman naitulak ko s'ya at mabilis akong lumabas ng sasakyan n'ya. Yakap-yakap ko ang ice cream na binili saakin ni Jace habang tumatakbo papunta sa next class ko.
Alam kong pulang-pula ang aking mukha dahil sa unexpected kiss na binigay ni Jace... Bakit n'ya ako hinalikan? Shit!
First kiss ko 'yon ih. Shit! Huminto ako saglit at pumasok sa cubicle, binaba ko ang hawak kong paper bag, nilagay ko ang aking kanang kamay sa aking dibdib para pakiramdaman ito, mabilis ang tibok ng aking puso at minsan ko na itong naramdaman at masasabi kong tibok ito ng pagka-gusto.
Umiling ako ako at mabilis na inayos ang aking sarili at pilit na winawaksi ang halik na binigay ni Jace saakin.
_strwbrgirl
BINABASA MO ANG
Love Series 1: Love without Fear
Novela JuvenilPrincess Antoniette Eschoto is a nursing student at Far Eastern University. She had a life goal, to graduate and be a nurse. Even though she comes from a poor and broken family she has a strong personality. She wanted to have a friend whether it was...