Prologue

377 11 3
                                    

Please correct my grammatical errors if I'm wrong. Mas ayos po yun sa'kin!

__________

"Hi, bago ka rito sa university?" hinarang ako ng isang babae, kagaya ko ay mukhang nursing student din s'ya.

"Ah, oo." nahihiyang sagot ko sa kanya.

"Oh, sabi na ih. Ako nga pala si Cristina Rodriguez, Tin for short. Ikaw anong name and year mo?" tanong nito saakin habang sinasabayan ako mag-lakad. Mukhang friendly s'ya pero kung tigtigna ay mukhang laki sa mayamang pamilya.

"BSN 1A. Princess Antoniette Eschoto nga pangalan ko, Cess nalang," tumango ito at ngumiti saakin.

"Sakto, kaklase pala kita." thank you Lord, mukhang may magiging ka-close na agad ako sa university na 'to.

Habang nag-lalakad kami ay hindi ko maiwasang ilibot ang aking paningin sa buong university. Malaki at maganda, pang mayaman ang paaralan na ito, tama ang ika nila. Isa ako sa maswerteng scholar ng bayan kaya isang malaking opportunity na maka-pasok ako sa paaralan na 'to.

Sa court ay dumapo ang aking tingin, hindi ko inaasahan na isang pares ng mata ang makaka-titigan ko, mabilis akong umiwas at tumingin ng deretsyo sa daan.

"Ay wait, samahan mo ako, Cess. Ibibigay kolang sa kapatid ko itong lunch n'ya." wala akong naging repond sa kanya ng hawakan n'ya ang aking kamay.

 Sa hindi ko alam na dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng aking puso ng mahagip ng aking mata ang lalaking naka-titigan ko. Huminto kami ni Tin sa isang lalaking player ng basketball.

"Sakto, gutom na ako. Kanina pa kita hinihintay,"

"Sorry, Kuya. Nakita ko kasi etong si Cess ih. Gusto ko s'yang maging kaibigan kaya ayun nalibang ako habang kasama s'ya," gwapo at mukhang mayaman. Matangkad , moreno, matikas ang katawan at talaga namang pang basketball ang kanyang pangangatawan kung susuriin.

"Oh, bestfriend mo?" saglit pa ako nitong sinuro at bumalik ang tingin sa kapatid.

"Magiging palang." magiliw na sagot ni Tin sa kanyang kapatid.

"Cess, kuya ko nga pala si Kuya Christian. New bestfrind ko, Kuya, si Princess Antoniette Eschoto." pakilala n'ya sa kanyang kuya. Hindi ko maiwasang mahiya ng buong pangalan kopa talaga ang kanyang banggitin.

Hindi naman sa kinaka-hiya ko ang pangalan ko, nahihiya lang ako sa Princess at iyon ang totoo. Ewan koba kasi kay mama kung bakit Princess pa ang naisip na ibigay saakin na pangalan.

Nag-lahad ito saakin ng kanyang kamay at akamng tatanggapin ng may bolang tumama sa aking ulo dahila para matumba ako.

"Fuck!"rinig kong mura ng isang lalaki.

"Lagot ka Capt." minulat ko ang aking mata ng maramdaman kong binangon ako ng isang lalaki. Mabango ang amoy n'ya kahit pawisan.

"Are you okey, Miss?" tumango ako at mabilis na tumayo prto para akong nahihilo dahil sa tama ng bola sa aking ulo.

"Samahan na kita sa clinic," umiling ako at pinag-apagan ang aking uniform na puti. Paniguradong nadumihan iyon dahil sa aking paglagapak sa sahig.

"H-hindi na. Ayos lang ako." pagka-sabi ko noon ay tualikod na ako at nag-paalam na papasok na.

Hindi kona hinintay si Tin dahil medyo nahiya rin ako sa nagyare kahit wala naman akong kasalanan. Unang pasukan tapos ganito ang nagyare saakin.

Hanggat maari ay kailangan kong umiwas sa gulo para ingatan ang scholarship ko.

Hinihilot-hilot ko ang aking noo ng may humawak sa aking braso.

"Jace Cullen Santos, hanapin mo ako sa engineering building kapag masakit parin ang noo mo." napa-lunok ako at tumango sa kanya saka binawi ang aking braso na hawak n'ya.

"S-sige."

_strwbrgirl

Love Series 1:  Love without FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon