CHAPTER 18

94 5 0
                                    

"Sayang 'di mo naabutan kumanta sila Jace" tumingin ako sa stage at ang ilang kasama ni Jace pababa narin ng stage.

"Tapos na sila agad?" tanong ko, ang bilis naman yata inaasahan ko ay maabutan kopa sila.

"Kakatapos lang, ang alam namin si Jace ang kakanta pero si Vincent ang kumanta, si Jace nag gitara lang." tumango nalang ako at iniwan muna sila sandali.

"Kuya Christian!" tumingin ito saakin kaya naman nabuhayan ako ng loob.

"Saan ang room ni Jace?"

"Ay ikaw pala, actually wala engineering building si Jace. Alam mo ba yung music room sa, andun s'ya kasama yata sila Vincent, kapag hindi mo nakita doon baka umuwi na 'yon." ngumiti ako at tumango bago umalis.

Nangako pa naman ako kay Jace na pabonoorin ko s'ya sa battle of the band, hindi rin ako nanood ng laban nila kaya balak ko talaga na panoorin s' yang kumanta. Shit! Umasa panigurado si Jace na andun ako.

I admit na nag-iwasan kami this past few days, pero hindi namna ibag sabihin noon na hindi kona tutupatin ang promise ko pero  napako ang pangako ko sa kanya, hindi ko napanood ang pagkanta n'ya.

"Hi, si Jace?" pinukaw ko ang atensyon ng mga kabanda ni Jace kaya namna napa-tingin sila saakin.

"Ikaw ba si Ms. Nursing?" kumunot naman ang aking noo dahil sa tanong nila pero sa huli ay tumango nalang ako.

"Pasok ka, bumili yata ng pagkain n'ya. Wala pang kain 'yon ih..."

"Masyado kasing sineryoso' yung practice kanina, hindi ka naman pala manonood sa kaniya." napa-yuko ako dahil sa hiya, hindi kona hinintya na sabihin nila kung andun ba o wala si Jace sa halip ay lumabas ako ng music room.

"Si Jace ba ang hinahanap mo, Ms. Eschoto?" tumingin ako sa likuran ko at nakita ko si Edward, varsity s'ya kagaya ni Jace kilala ko s'ya dahil minsan akong sinama ni Jace sa practice at nakilala ko ang ibang player.

"Ah...oo, nakita mo ba s'ya?" nagbabaka sakaling tanong ko.

"Nasa may parking lot, kanina may kausap na babae pero ngayon hindi ko alam kung andun pa." tumango at nagpasalamat bago ako tumungo sa parking lot.

Natanaw ko si Jace na naka-sandal sa kotse n'ya habang hawak ang cellphone n'ya at mukhang may kausap yata?

"Jace..." agaw ko sa atensyon n'ya dahil mukhang hindi n'ya naramdaman ang presence ko, tagumpay naman ako ng tumingin ito saakin.

"May kailangan ka?" para naman akong nasaktan sa malamig na tono ng boses n'ya.

"Pwede ba tayong mag-usap? Kahit ano...ahmm..kahit sandali lang?" may kabang tanong ko sa kanya.

"Tungkol saan ba, mahalaga ba 'yan?" lumunok at binasa ang labi ko. Bakit parang ibang tao naman ako kung kausapin n'ya, ganoon ba sya kagalit sa nagawa ko, dapat nga ako yung may tampo ih.

"About kanina, about narin sa nangyari nung naka--"

"May practice pa ako, Princess" tumingin ito sa relo n'ya "hindi naman 'yan importante, tama na saakin kung anong mga nakikita ko, masyado akong umaasa sa mga bagay na wala naman akong dapat asahan, Princess. Anong bang gusto mo, hindi na kita guluhin? Don't worry, hindi mo naman na kailangang sabihin dahil ako na mismo ang lalayo sayo." para akong nabato sa sinabi n'ya, hilig n'yang putulin ang sasabihin ko, paano n'ya malalaman ang gusto kong sabihin kung papangunahan n'ya.

Tinalikuran n'ya ako kaya naman kinagat ko ang ibabang labi ko hanggang sa tuluyan ng tumulo ang luha ko ng sunod-sunod. Pinunasan ko ang luha ko bago tumingin kay Jace mula sa likuran ko na papalayo na ang lakad mula saakin.

"G-gusto ko lang namna mag-sorry dahil sa nagawa ko k-kanina, gusto ko r-rin naman mag-sorry d-dahil nag tampo ako kesa ang ka-usapin ka...pinuntahan kita d-dito kasi hindi kita naabutang kumanta, g-gusto ko l-lang naman sabihin ang n-nararamdaman ko p-pero...ayaw mo namna akong p-pakinggan. Pinuputol mo ang sasabihin ko!" wala na akong pakelam kung pasigaw ay umiiyak na ako, nasasaktan ako ih.

"Gusto ko lang naman aminin sayo kung ano rin ang nararamdaman ko ih, bakit ba ayaw mong patapusin ang sasabihin ko!" garalgal na ang boses ko, sunod-sunod kong pinunasan ang luha ko, naka-hinto lang si Jace at naka-talikod parin saakin. Mukhang wala talaga s'yang balak makinig sa sasabihin ko.

Napa-upo nalang ako at umiyak ng umiyak dahil ang sakit na naman, ramdam ko na naman ang sakit na lagaya ng dati, ngunit ngayon ang sakit dahil hindi ko man lang masabi kung anong nararamdaman ko. Napa-upo ako at sinubsob ang aking mukha sa aking palad, bas ana ng luha ang aking palad pero wala ang pakialam.

"Bakit ano bang nararamdaman mo, Miss Nursing?" hindi ko alam kung tama ba na boses ni Jace ang aking narinig.

Tinanggal ko ang aking palad sa aking mukha at nakita si si Jace na naka-lihod sa aking harapan at pinapantayan ako.

Mas lalo akong naiyak ng ma-realize ko na hindi na Princess ang tawag n'ya saakin, Miss Nursing na ulit, hindi na malamig ang boses n'ya dahil malambing na ang tono nito.

"Anong nararamdaman mo para saakin, Miss Nursing. Kagaya rin ba ng nara-"

"Mahal kita! Mahal na kita, Jace..." naiitak na pag-amin ko at mas lalo akong naiyak ng yakapin ako ni Jace.

"N-nakaka-inis ka, alam mo b-ba 'yon!" suminghot-singhot pa ako para pigilan ang pagtulo ng sipon ko.

Humarap saakin si Jace at pinunasan ang hilam kong mata. Hinalikan ako nito sa noo baho ako kausapin.

"Galit ka b-ba saakin, hindi mo na ba ako g-gusto?" alanganing tanong ko sa kanya, seryoso amg tanong ko kahit sisinoksinok pa ako, pero si Jace, nagawa pa n'ya akong tawanan.

"Hindi ako sayo galit, tampo lang ako pero nawala 'yung tampo ko ng sabihin mong mahal mo ako. Hindi kita gusto, Miss Nursing..." napa-yuko ako dahil sa sinabi n'ya, mukhang sa dahil sa kaartehan ko ay na-realize ni Jace na hi- "hindi kita gusto kasi mahal kita."

Hinawakan n'ya ang aking baba at hinarap ako sa kanya. "Higit pa sa pagka-gusto ang nararamdaman ko sa'yo. Mahal na mahal na nga agad kita yo the point na gusto na kitang markahan ng Jace property ih." biniro pa talaga ako nito kaya mas lalo akong napa-iyak.

"Pakikinggan mo ba ang explanation ko, Jace?" kahit nasabi ko na sa kanya amg feeling ko, gisto ko parin na ma-explain ang sode ko at i-open sa kanya ang about sa amin ni Edrian. Higit pa sa aasurance na mahal ko s'ya ang gusto kong maramdaman n'ya, ayokong magduda s'ya sa feelings ko, hanggat kaya kong iparamdam s akanya na s'ya lang ay gagawin ko.

"Makikinig ako pero...singa ka muna sa towel ko, sinisipon kana kakaiyak, baby ko."

_strwbrgirl

Love Series 1:  Love without FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon