Naging ilag ako nitong mga nakaraang araw kay Jace, ang lunch at pag-uwi ko ay sinasakto ko na hindi n'ya ako maabutan.
From:♡Jace♡
Hi, bc ba u?
Pw3d3 ba u m@k4s@b4y m@g lunch?
D2 4ko s@ l@b4s ng r00m m0.
Hindi ko alam kung ano ang ire-reply ko kay Jace, hindi ko naman talaga gustong iwasan s'ya, nahihiya lang ako dahil doon sa halik na nangyare. Hindi ko rin alam kung bakit naging ganyan na nag typing n'ya, nanibago ako masyado kay Jace. Tinabi ko ang cellphone ko sa loob ng bag ko, kagaya ng ginagawa ko nitong mga naka-lipas na araw sa kaliwang hagdan ako dumaan.
Mabilis ang ginawa kong pagbaba sa hagdan, napa-sigaw ako ng matapilok ako sa sarili kong paa, inaasahan kona ang aking pag-bagsak pero minulat ko ang aking mata ng maramdaman ko ang brasong humawak sa aking bewang.
Minulat ko ang aking mata at bumungad saakin ang iniiwasan ko, hawak ni Jace ang bewang ko, tumingin ako sa kanya ngayon kolang nasaksihan ang brown n'yang mga mata, deretsyo ang tingin nito saakin hanggang sa bumaba sa aking mga labi kaya mabilis akong umayos ng tayo at lumayo ng kaunti sa kanya.
"Miss Nursing..."
"Jace..."
Sabay na tawag namin sa isa't-isa, napa-kamot na naman ito sa kanyang batok sign na nahihiya s'ya. Bumuntong hininga ako at humakbang sa huling baitang ng hagdan. Ngayon kolang napansin na suot n'ya ang headban na hiningi n'ya saakin.
"Anong ginagawa mo rito?" basag ko sa katahimikan, mukhang walang mag-sasalita sa amin kung hihintayin namin ang isa't-isa.
"Ano... ano nag babaka sakali lang na maabutan kita," tila may hiya pa sa tono ng boses nito, hindi bagay sa makulit na Jace ang pagiging mahiyain although nasanay naman ako na minsan ay nahihiya s'ya pero minsan ay natatawa parin ako.
"Nag baka sakali na abutan kita rito," bumuntong hininga ako at tumango.
"Hindi rin naman kita masasabayan mag lunch, dederetsyo ako sa Library may kailangan kasi akong tapusing activities," shit! bakit ang galing kong gumawa ng alibi ngayon, sana naman maniwala s'ya.
"Mamaya pwede ba kita ayain na kumain sa labas?" napa-buntong hininga ako dahil mukhang wala talaga akong takas sa kanya.
"I'm sorry about sa nagawa kong ha-"
"Sige sasama ako mamaya," maagap kong putol sa sasabihin n'ya, nahihiya parin talaga ako at ayoko munang ma-open ang pangyayari na 'yon.
"Capt. kanina kapa hinahanap ni coach!" lumingon kami pareho ni
Jace sa ibaba at natanaw ko ang isa sa mga teammates n'ya.
"Sige mauna na ako, pupunta pa akong library," hindi ko na hinintay ang sagot ni Jace, nilampasan ko na s'ya at tumungo sa canteen, mema lang yung library ko noh.
Nilabas ko ang baon kong sandwich, hindi ako nakapag-luto ng lunch ko kanina dahil late ako nagising kaya naman dalawang sandwich lang ang baon ko.
"Miss, pinapa-bigay nga pala ni Mr. Persistent..." napa-anagt ako ng ulo ng may paperbag na inaabot saakin ang lalaki, mukhang player s'ya ng basketball dahil naka jersey pa s'ya at pawis na pawis.
"Ah, kanino galing?" ayoko naman mag assume na galing 'to kay Jace.
"Si Mr. Persistent ay walang iba kung hindi ang captain namin, baka may lq kayo ni Capt. mag bati na kayo panget ng laro n'ya lately ih," napa-tanga nalang ako sa sinabi nito at tumango.
"Vincent nga pala ang alipin ni capt." natatawang pakilala n'ya, tinanggap ko naman iyon at alanganing ngumiti, mukhang ka-vibes s'ya ni Jace.
"Princess..." pakilala ko, ilang saglit lang ay nag-paalam na 'to dahil may practice raw sila ata talagang napag-utusan lang s'ya ni Jace kaya sumadya.
From:♡Jace♡
Hi, sana po na recieve mo 'yong food.
eatwell po. ♡
Dinner date tayo later, Miss nursing.
sunduin kita mamaya, usap po tayo. ♡
To:♡Jace♡
Sige :)
Napa-ngiti nalang ako sa smiley face na nilagay ko. Binuksan ko ang paper bag at isang lunch bag at tumbler ang nasa loob n'on. Nag effort pa talaga s'ya huh, binuksa ko iyon at hindi ko maisawang matawa ng mahina, may design ang kanin na sad emoji face maging ang boiled egg ay sad face ang design, sad ba s'ya dahil iniiwasan ko s'ya nitong mga nakaraang araw?
Naka-ngiti ako habang kinakain ang lunch food na binigay ni Jace, akala ko ay tubig ang laman ng tumbler pero mali ako, nag effort pa talaga si Jace na gumawa ng fresh orange juice para lang ibigay saakin.
Sandali lang ang lunch break ko kaya mabilis din ako natapos kumain, bitbit ko ang paperbag na may lamang lunch box habang papunta ako sa room, may iilang mga babae akong nakaka-salubong na may matalim na tingin saakin pero binalewala ko nalang 'yon.
Anaphy ang subject ko ngayon baon ko na naman ang dasal at guardian angel ko sa recitation. Dumating ang prof. namin, gwapo si prof pero nababalewala ang ka-gwapuhan n'ya napapangunahan kami ng takot sa subject na hawak n'ya.
"One-fourth sheet of paper, quiz tayo about sa lesson natin last week." pucha, eto na nga ba ang sinasabi ko ih.
Hiwa-hiwalay ang upuan naming lahat habang ang bag naman ay nasa unahan, ballpen at one-fourth lang ang nasa table tapos no erasure pa kay prof. Lumunok ako at pumikit ng tatlong beses, nagda-dasal na sana ay nabasa ko lahat ng lalabas na tanong sa quiz.
"number 1..." naging mabilis ang flow ng quiz dahil ayaw ni prof. Vargas na inuulit-ulit ang tanong, mukhang dahil sa orange juice at lunch na binigay ni Jace ay papasa ako, fresh orange juice, vegetable at egg ba naman ang binigay n'ya saakin.
Natapos ang klase at habang inaayos ko ang aking gamit ay kinulbit ako ng kung sino ma na aking pinagtaka, tumingin ako sa likuran at nakita ko si Fionah.
"Hinihintay ka na naman ng future engineer mo sa labas," napa-kunot noo ako at sumilip sa labas, napa-tikhim ako ng tumingin saakin si Jace at ngumiti. Grabe talaga ang dimple n'ya, siguro noong nag-bigay si Lord ng pagiging perfect ay sinalo ni Jace.
"Una na ako," paalam ko kay Fionah, lumabas ako ng room binigay ko kay Jace ang ilang libro na hawak ko na tinanggap naman n'ya at ngumiti saakin.
"Thank you po, Lord, pinapansin na ako ni Miss nursing..." natawa nalang ako ng mahina sa binulong n'ya.
"Dinner date na tayo,Mr. Persistent," tukso ko at naunang mag-lakad sa kanya.
_strwbrgirl
BINABASA MO ANG
Love Series 1: Love without Fear
Teen FictionPrincess Antoniette Eschoto is a nursing student at Far Eastern University. She had a life goal, to graduate and be a nurse. Even though she comes from a poor and broken family she has a strong personality. She wanted to have a friend whether it was...