CHAPTER 9

111 6 0
                                    

"Jace..." naka-yuko ito sa table tila nahiya sa kanyang sinabi, hindi ko tuloy mapigilang matawa ng mahina dahil sa sinabi n'ya. 

"Pwedeng kalimutan mo nalang yung sinabi ko?" mas lalo akong natawa dahil dumungaw ito at namumula na talaga ang kanyang tenga at pisnge.

"Sige gawan mo ako." mahinang aniya ko, sapat lang para marinig n'ya.

"Here's your order po." I mouthed thank you bago ito umalis, tumingin ako kay Jace at titig na titig ito saakin.

"Payag kana?" tumango ako.

"But,I can't promise na ikaw lang ang i pa-follow ko, syempre 'yong mama ko, friends-"

"okie lang, basta ako lang dapat ang lalaki," ngusumo pa ito na kina-tawa ko.

"Assurance ang hinihingi mo ih," natatawang aniya ko bago kainin ang steak.

"Halata ba ako mas'yado?" he asked.

"Halatang ano?" 

"Halatang patay na patay sa'yo." banat n'ya.

Hindi ko maiwasang masamid dahil sa hiya, bakit ba hindi pa ako nasanay na ganito si Jace. 

"Shit! Sorry, nabigla ka yata sa sweetness ko," mas lalo akong naubo at inabot ang tubig, malala na si Jace.

"Siguro epekto 'yan ng social media, ayoko nalang pala mag social media, sapat na ang email saakin." aniya ko saka uminom muli ng tubig.

"Wala na, gagawaan na kita. Anong password ba gusto mo, pang-malakasan kagaya na akin?" tanong n'ya.

"Ano ba ang password mo?" pahamong tanong ko sa kanya.

Ako kasi ang password ng email ko magiging nurse ko walang space 'yon.

"Jace lang sakalam, walang space captial letter lahat." napa-awang ang aking labi at napa-iling nalang.

"Grabe nga ang password mo, pang-malakasan." mahinang aniya ko nalang.

Sobrang daldal ni Jace habang ako tawa nalang ang ambag ko, sobrang alive na alive n'ya, I like the way he makes me laugh, wala s'yang pake sa mga nasa paligid namin ang mahalaga lang ay ma-express na ang emotion n'ya habang nagku-kwento.

"Naalala ko pa nga naglaro kami nila Nexus sa moblie legend tournament, lampaso saamin 'yong mga mayayabang na archi, huh! akala ba nila kaya nila ako, bobo nga sila mag core. Magagaling pati mga tropapips ko." mayabang pero mahihimigan mong proud na proud s'ya.

Marami pa kaming pagkain pero busog na ako kaya nakikinig nalang ako kay Jace, parang saya saya n'ya at walang problema habang nag kukwento, pero isa lang ang napansin ko sa kanya, hindi s'ya mahilig mag kwento tungkol sa pamilya n'ya.

"Masaya ba na may malaking circle of friend?" biglang tanong na lumabas sa aking bibig.

"Huh?" kita ko ang pagtataka na tanong ni Jace saakin.

"Curious lang, ako kasi since nag-aral ako wala akong malaking cof, dalawa o isa lang tapos every end ng year syempre magkaroon sila ng bagong cof naman so ayun, na-op or minsan pag alam kong ma-issue sila ako na gumagawa ng reason para mapalayo sa kanila." sagot ko.

Scholar kasi talaga ako at mahirap para saakin na masangkot sa mga issue dahil may chance na mawala ang scholaship ko, wala naman pakukuhanan ng pera for my tution dahil sapat-sapat lang ang pera namin, kailangan din namin lumipat dahil mas gusto nila Tito at lola dito sa Manila kaya from Zamboanga to Manila talaga kami, naninibago pa nga rin ako hanggang ngayon sa totoo lang kasi I'm not really fluent sa tagalog like may accent parin ako na bisaya.

Si mama ang naiwan sa Pagadian dahil andun ang work n'ya, while kami nila Tito ay dito sa Manila dahil sabi rin ni Tito na makakapili ako ng university dito na maayos at para matuto rin ako sa buhay sa Manila, until now naman ay scholar ako pero syempre minsan may mga need din ako nabayaran dahil tuition lang naman ang hindi ko binabayaran, pero ang baon at mga ibang bayarin ko ay galing parin kay mama or tito.

"To be honest, masaya kapag malaki ang circle of friend pero depende parin, kami kasing mga lalaki puro lang naman sa basketball or kung ano ang usapan, hindi ko naman masasagot ang tanong kung anong feeling na malaking cof ng mga babae," tumango lang ako sa sagot n'ya.

Pansin ko naman sa mga kwento n'ya na masaya talaga ang may malaking circle of friend, pero tama s'ya na iba ang circle of friend kapag babae, base naman kasi sa aking nakikita minsan may mga inggitan or lapitan ng issue ang circle of friends ng babae. Sabi ni lola ay normal talaga minsan sa mga babae na may mga issue dahil minsan ay may mga ingitera o kaya naman may backstabbing na nagaganap.

"Pwede mo namang maging kaibigan ang mga kaibigan ko, do you want? Ipapakilala kita sa kanila, actually kilala kana nga nila ih... na-kwento na kita sa kanila." umindat pa ito saakin. "Proud kasi ako sayo, who you talaga sila kasi ang perfect mo."

"Eme kaba? Anong perfect, walang perfect sa mundo, Jace."  sagot ko sa kanya.

"Ay beh hindi ako nag e-eme, kung sa tingin mo hindi ka perfect, tingin ka sa mata ko para makikita mo kung gaano ka ka-pefect sa paningin ko." napa-iwas ako ng tingin at inabot ang salad dahil feeling ko sasabog ang mukha ko sa sinabi n'ya.

"Bibigyan kita ng cof kung gusto mo, promise they will treat you like a princess, like your name and like how I treat you. Sabihin mo lang saakin kung ano ang gusto mong maranasan nagyong college life mo na hindi mo naranasan way back senior and highschool life mo, I swear ipaparanas ko lahat sayo." 

"Curious lang ako, hindi ko naman need ng malaking cof, okie na saakin ang may nakaka-usap ako, masyado ka namang oa." umirap ako ng pabiro sa kanya.

"Ouch. Grabe ka sa oa huh, pero kung gusto mo sabihan mo lang ak. I got you, baby!" muli itong kumindat na kina-tawa ko nalang.

After ng date namin kineme ay hinatid ako ni Jace sa bahay at may pasalubong pa talaga s'ya kay lola, hinfi ko alam na nag-take out pala s'ya. I had fun with him, I never thought na magiging masaya ang date namin akala ko ay boring pero dahil sa mga kwento n'ya at talagang napapa-ngiti ako.

"Thank you po dahil pinayagan n'yo akong ma-date ang apo po ninyo." nag ag-paalam na si Jace kay lola kaya hinatid ko s'ya sa labas at bago pumasok sa kanyang kotse ay niyakap ko s'ya.

"Thank you for today, I really had fun with you. Thank you, Jace."

_strwbrgirl

Love Series 1:  Love without FearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon