JACE
"Bobo mag core. Amputa naman, Lester."
"Nahiya ako sayo, Capt. taena ayaw patayin yung Guin kasi kamukha daw ng nursing n'ya." binato ko ng sapatos si Edward pero naka-ilag 'to.
"Roamer ka, Edward hindi mm, taena ginawang roamer ang marksman. Lala n'yo mag laro boi." sumabat ang bobong mage.
"Nexus, uso kasi ang playsafe, anong score 'yan, 2-10-4." natawa kami pareho ni Christian.
"Wow huh, palibhasa 0-0-0 amputa." bakit ba sila ang niyaya ko mag-laro, alam ko namang mapuputol ang winstreak ko sa mga 'to, kami lang ni Christian ang matino mag ml ih.
"Ayokong masaktan kayo pero... ang bibigat n'yo kalaro. Tangina wala tayong nakuhang pagong, ultimo yung repolyo ni-retri na ni Lester naagaw pa ng mage nila," napa-mangot sila sa sinabi ko.
"Surrender..."
"Patayin mo na 'yong Guin para galingan namin," sinamaan ko ng tingin si Christian pero tinawanan lang ako ng bano.
"Change lane nalang, Bano." puro tawanan kami at trashtalk-an habang nag lalaro ng ML.
"Energizer mo talaga ang ice cream, buti hindi tumataas ang sugar mo." umiling ako, recently ko lang naging favorite ang ice cream kasi gatorade talaga ang gusto ko, iniipon ko lang talaga 'yong mga hugot, magagamit ko 'to ih.
"Naniniwala ba kayo dito?" napa-tingin ako sa cellphone ni Nexus ng iharap n'ya saamin 'yon.
"Men lose feelings when the girl starts loving them more," basa ko sa meme na pinakita n'ya.
"Ikaw dapat ang sumagot nito Lester, proven and tested 'yan ih," hindi ako umiimik, hinihintay kolang kung anong sasabihin nila. Kagaya ko rin kaya ang perspective nila when it comes to love?
"Ang tanong, minahal ba n'ya ako?" pagak na tumawa si Lester pero kita sa mata n'ya ang sakit.
"Ako nalang... ako nalang sasagot."
"Sige nga, tutal minahal ka naman ikaw na ang sumagot," ngumisi si Edward kay Nexus, mukha namang hindi 'to sasagot ng maayos.
"Naniniwala ako d'yan, alam mo kasi kapag masyadong malalim na 'yong pagma-mahal ng mga babae... nakaka-sakal, hindi mo alam kung girlfriend o nanay na sila minsan kung maka-asta, maraming bawal kasi gusto nila sila lang ang priority. Demanding na masyado kaya nakaka-pagod," but if you really love someone you're always willing to choose everytime and everyday.
"Bakit mo niligawan, bakit mo pinursue kung iiwan molang, if you really love your partner mas pipiliin mong pag-usapan ang mga bagay-bagay kesa piliin mong mawala yung feeling mo for them, once na niligawan mo means you want to love, kung mahalin ka nila it means tagumpay ka, you pursue them and they let you, once they let you to enter in their life it means they wanted to love you, and once they choose to love you harder means you success, 'yon naman ang gusto mo right, ang mahalin ka n'ya. So anong sense ng quote nayan?" hindi ko alam pero parang nainis ako sa quote o meme na 'yon.
"Lalim naman masyado ng pinag-hugutan mo, Capt." bakit kasi ganito ang usapan ng mga bano na 'to.
"Inlove nga ang Captain natin!" pumalakpak pa si Nexus kaya naman ginaya s'ya ng tatlo.
Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o ano, pero ramdam ko rin ih, inlove ako kay Miss nursing. Dati pangarap kolang maging engineer bago mamatay pero ngayon pangarap kona rin si Princess para humaba ang buhay ko kasama s'ya. Tangina!
"Gago namumula, anong iniisip n'yan bakit kinikilig ang gago?" sinamaan ko ng tingin si Edward na tinatawanan ako
"Tangina mo sagad sa bunbunan!" sigaw ko sabay taas ng middle finger ko.
"Dapat capt. nonchalant ka, 'yong mga nababasa ko sa wattpad nonchalant 'yong mga lalaki tapos oa ang babae," nag salita ang nonchalant.
"Baka non chalant chalant~~~" napa-iling nalang ako ng kinanta pa ni Letser ang sinabi ni Edward.
"Mas mukha pa ngang nonchalant sa kanya si Ms. Eschoto, si Jace ang oa at ang miss nursing n'ya ang non chalant talaga."
"Sakto wala ng pasok tapos walang training, diba?" tumango kami kay Nexus, nangunot naman ang noo ko ng ngumisi saakin ang bano kong kaibigan.
"Tanginang ngiti 'yan, Nexus,"
"Paaminin ka namin, Captain Jace soon to be engr. Jace." salitan pa nitong tinataas ang kanyang kilay.
"Bakit panay ang tambay mo sa building ng mga nursing?" para akong nasa hotseat dahil nasakin ang mga mata nila.
"Wala po akong maalala, your honor," naka-ngising sagot ko.
"Permission to speak, your honor," tumingin ako kay Edward at nginisian ako ng loko.
"Ebidensya po, you honor," hinarap nito ang cellphone n'ya, nakita ko ang picture ko na paakyat ng hagdan sa building ng mga nursing, ang sunod ay naka-sandal ako sa railing at parang may hinihintay... ayy may hinihintay naman pala talaga ako d'yan.
"Ang huling ibedensya ko po ay 'eto, your honor." huling swipe kung saan ay nasa hagdan kami ni miss nursing at hawak ko ang bewang n'ya alam ko 'to... 'yan yung muntik na s'yang mahulog sa hagdan tapos nasalo ko.
"Sabi ni Vincent inutusan mopa s'ya na dalhan ng lunch ang prinsesa, kami nga hindi mo magawaan ng juice kapag tumatambay sa bahay n'yo ih tapos si Princess lunch pa ang ginawa mo."
"Na kwento ni Tin na niloadan mo raw si Princess ng one-thousand, ayaw mo pa na bayaran ka. Kapag kami halos bangungutin ka kapag inutangan ka namin ng bente." umiling-iling pa si Christian.
"Oo na... oo na, gusto ko si Princess!" pag-amin ko sa kanila at tila napa tanga ang tatlo, napa-lunok nalang ako ng mapag-tanto ko na nasa cafeteria nga pala kami.
"Capt., tingin sa likod..." tumaas ang kilay ko at tumingin sa aking likuran.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko si Princess na naka-tayo habang may hawak na buko juice at bitbit ang lunch box na binigay ko.
"M-miss Nurisng..." mabilis itong lumapit saakin at inabot ang lunch box ko.
"Eto na 'yong... 'yong lunch box mo, salamat." tumakbo ito kaya naman mabilis akong tumayo sa aking kina-uupuan at hinabol s'ya.
Hinawakan ko ang kanyang braso bago pa s'ya maka-tawid.
"Totoo ang narinig mo, gusto kita... gutso kitang ligawan, Miss nursing. Sana bigyan mo ako ng chance na patunayan ang sarili ko sa'yo, alam kong nabigla ka pero sana hayaan mo akong ipakita na malinis ang intensyon ko sa'yo, Miss nursing." binawi n'ya ang braso n'ya mula saakin.
"U-uuwi na ako." nanlumo ako ng tumalikod ito at tumawid.
Hindi ako susuko, magiging totoo ako sa nararamdaman ko. Ipapakita ko na totoo ang sinabi ko at sincere ako sa pag-amin ko sa kanya.
_strwbrgirl
BINABASA MO ANG
Love Series 1: Love without Fear
Teen FictionPrincess Antoniette Eschoto is a nursing student at Far Eastern University. She had a life goal, to graduate and be a nurse. Even though she comes from a poor and broken family she has a strong personality. She wanted to have a friend whether it was...