"Grabe ang beshy ko! Absent lang ako ng mga nakaraang araw nag-laro kana ng ganda-gandahan huh!" mahina akong tinampal sa braso ni Tin.
Naging busy kasi sya nitong mga nakaraang araw kaya naman hindi rin s'ya pumasok, papunta kami ngayon ng foodcourt dahil lunch time at hindi ko naman alam sa babaeng 'to kung paano nalaman ang pag-hatid at sundo saakin ni Jace sa classrooms ko.
"Loka! Kaibigan kolang si Jace, saka hindi ako papatol sa playboy na kagaya n'ya, " aniya ko at kinain ang sandwich na baon ko.
"Tungek, na kwento nga saakin ni Kuya kung paano ka ibida ni Jace sa kanila, tangina kinikilig pa nga raw habang kinukwento ka!" napa-iling nalang ako sa sinabi n'ya at hinahayaan s'yang mag kwento ng kung ano-anong ganap sa kanya noong nawala s'ya.
"Mamayang uwian hindi kita masasabayan, Tin," tumingin ako sa kanya, nag-salubong ang kanyang kilay at nag-taka.
"Luh, bakit naman ghorl?"sumipsip muna ako ng juice bago sumagot na kina-gulat n'ya.
"Niyaya ako ni Jace na manood ng laban nila ng basketball mamaya, sabi n'ya susunduin n'ya ako sa room," tinakpan ko ang bibig ni Tin ng bigla itong sumigaw at parang kinikilig.
"Sorry, sorry.... kinikilig ako beh! Isipin mo huh, dati si Jace playboy 'yan sa mata ng lahat pero mukhang ikaw ang magiging reason para tumino!" mahina pa ako nitong tinampal ulit.
Hindi naman sa akin problema ang pagiging playboy ni Jace, kaibigan lang ang turing ko sa kanya at hindi pa ako handang pumasok ulit sa relasyon. Trauma ang mga kagaya ni Jace na playboy, but still I want to explore mylife, I want him to be my friend... wala namang masama kung magiging mag-kaibigan kami, friends only at alam kong hindi 'yon lalagpas doon.
Mabilis ang oras, natapos ang major class ko ng payapa naman ang anaphy kahit papaano. Hindi ko naman ikakaila na kahit papaano ay may utak talaga ako, fast learner nga ako ika ng mga teacher ko dati.
"Balak ko sana panoorin si Kuya kaso pupunta ako ngayon sa Malolos, doon muna ako kasi two days naman tayong walang class. Oh pano ba 'yan, iwan na kita huh. Ingat ka beshy!" ngumiti naman ako at kumaway na kay Tin.
From:♡JC♡
Hi
Miss nursing ayos lang ba kung si Aidhel susundo sayo?
Ako nalang pala, miss ko po kasi ang ganda mo! ♡
To:♡JC♡
Hi Jace, asan ka?
wait kita rito sa may foodcourt.
From:♡JC♡
OTW na po ako, Miss Nursing! ♡
Favorite ba n'ya ang heart na emoji? Kahit nickname n'ya na nilagay sa cellphone ko ay may emoji pa na heart, kahit sa mga text n'ya ay hindi rin nawawalan ng emoji. Karamihan sa mga na o-observe kong lalaki ay non-chalant pero si Jace mukhang hyper at funny ang personality n'ya.
"Miss Nursing!" napa-ngiti ako ng matanaw ko si Jace na naka-suot na ng kanyang jersey.
Tumayo ako at sinukbit na ang aking bag. Kinuha ni Jace ang libro na ang dala-dala, hinayaan ko nalang s'ya dahil alam kong hindi rin naman papa-pigil ang isang 'to. Alam naman ni Nanay na ma-late ako ng uwi dahil manonood ako ng basketball ngayon.
"Kanina mo pa ako hinihintay? Sorry, si coach kasi ayaw paawat ih..." napa-kamot pa s'ya ng kanyang batok at tila nahihiya. Umiling ako at ngumiti sa kanya.
"Hindi ayos lang naman, halos minuto lang naman ang hinintay ko," tumango lang ito.
"Kaya naman pala pinipilit ka, coach. Dapat kapag mga ganyan hayaan nalang talaga natin ih," binatukan ni coach Seb ang isang player na nagbi-biro.
"Si miss Eschoto pala, Santos." umiling nalang si Jace at hinatid ako sa beanch na malapit sa court.
"Ayos lang ba sa'yo yung view dito?" tumango ako kay Jace at alanganing ngumiti. Aalis na sana si Jace ngunit pinigilan ko s'ya na pinag-taka n'ya.
"Alisin kolang yung dumi sa buhok mo," tumingkayad ako at inalis ang dumi sa kanyang buhok ngunit nagulat ako ng bumulong s'ya saakin.
"Paayos narin po ng buhok ko..." lumunok ako at tumango kay Jace. Inayos ko ang ilang gulong hibla ng buhok n'ya.
"Wait lang..." aniya ko, kinuha ko ang black na headband sa aking bag at pinakita ko kay Jace.
"Nag susuot kaba ng ganito?" tumango namna s'ya at yumuko, napa-ngiti ako at sinuot ko sa kanya ang favorite black headband ko.
"Soli mo saakin yan after huh..." tumawa lang ito ng mahina, nakita ko na naman ang dimple n'ya.
Umalis sa bleacher si Jace, sinundan ko s'ya ng tingin at kita ko kung paano s'ya tumawa dahil sa tuksuhan, tumingin saakin si Jace at kumindat kaya naman nag-iwas ako ng tingin hanggang sa nag alarm na, hudyat na magsi-simula na ang laro.
Hindi ko maiwasang mapa-ngiti dahil 19 ang jersey number n'ya, July 19 kasi ang birthday ko at favorite number ko 'yon.
Marami-rami rin ang nanonood at may mga dayo pa na taga OLFU, talaga namang tilian ang aking naririnig bawat bolang napapasok ng isa sa kanila. Mas nangingibabaw ang tilian kapag si Jace at Kuya Christian ang nakaka-shoot ng bola, magaling sa three points si Jace... totoo 'yon.
"Dito ka pala nag-aaral, Anne..." napawi ang ngiti ko marinig ko ang boses na matagal ko ng kinalimutan, lumingon ako sa aking gilid at nakita ko ang ex ko.
"Edrian..." mahinang tawag ko sa pangalan n'ya.
"How are you, My future nurse?" tumingin ito saakin at ngumiti.
Galing sa marangyang pamilya si Edrian, isa s'yang Tejano. Iisang anak si Edrian at talaga namang malaki ang expectation sa kanya ng pamilya n'ya. I'm the one who decide na tapusin ang kung anong meron sa aming dalawa. I'm his hindrance ika nga ng pamilya n'ya.
Hindi ko nagawang sumagot ng muling tumingin ako sa court ng mag-sigawan ang mga tao... Hindi na shoot ang bola na hawak ni Jace, naka-tingin ito sa gawi ko hanggang sa maubos ang 9seconds.
Naka-tingin lang ako kay Jace at ganon din s'ya saakin, umiwas ako ng tingin at mabilis na umalis sa bleacher, hinawakan pa ni Edrian ang kamay ko kaya tumingin ako sa kanya.
"Anne, please... let's talk, Baby..." hindi ko alam pero tumingin ako kay Jace sa court, naka-tingin ito saakin kaya naman nag-iawas ako. Binawi ko ang kamay ko na hawak ni Edrian at mabilis akong umalis sa court.
Hindi pa ako handang harapin si Edrian... ayoko pa. I already moved on pero nahihiya parin akong harapin s'ya. Hindi ko kayang harapin s'ya... successful na s'ya at hindi ko pinag-sisihan na iniwan ko s'ya para matuloy n'ya ang pangarap n'ya... nahihiya lang akong harapin s'ya dahil alam kong mahina ang tingin n'ya saakin, hindi ko nga nagawang ipag-laban ang relasyon naming dalawa, habang s'ya ay handang i-give up lahat para saakin.
"Miss Nursing!" pinahid ko ang luha na tumulo na pala, humarap ako kay Jace at alanganing ngumiti sa kanya.
"Ihahatid na kita, gabi na, Miss Nurisng," ngumiti pa ito saakin.
Napa-ngiti ako ng makita kong suot parin n'ya ang headband ko. Pawis na pawis ito pero nangingibabaw parin ang mabango n'yang pabango.
"Ang sama naman ng tingin mo po sa headband... Akin na'to, kahit 'di ko na shoot yung bola kaninang last minute panalo parin naman kami, lucky charm kona 'to huh," tumango nalang ako sa kanya at binigyan ko s'ya ng maliit na ngiti.
"Yours na po, Mr. Engineer,"
"Tangina! nawala ang pagiging JellyJace ko...."
_strwbrgirl
BINABASA MO ANG
Love Series 1: Love without Fear
Teen FictionPrincess Antoniette Eschoto is a nursing student at Far Eastern University. She had a life goal, to graduate and be a nurse. Even though she comes from a poor and broken family she has a strong personality. She wanted to have a friend whether it was...