"Thank you for understanding, Jace" I already explain my side to Jace and thankfully na mahaba ang pang-unawa n'ya dahil wala akong narinig na kahit na anong masamang comment from him.
"So tayo na talaga for real, Ms. Nursing?" walang pag-aalinlangan na tumango ako sa kanya. Hindi ko mapigilang mapa-ngiti dahil sa sayang nararamdaman ko,maging si Jace ay naka-ngiti buong araw dahil masaya daw na girlfriend na n'ya ako.
"September 29, Wednesday." tumsngo-tango pa ito at ngumingiti-ngiti habang nasa daan ang tingin.
Kumaway ako kay Jace ng maihatid ako nito sa bahay, hinalikan pa ako nito sa noo bago umalis. He even texted me I love you dahil nakalimutan daw n'yang sabihin kanina. Hindi ko maiwasang mapa-ngiti habang ka-text ko si Jace, akala mo'y hindi kami nagkita kanina, para naming miss na miss ang isa't-isa kung mag palitan kami ng mensahe, hindi ko namalayan napa-pikit nalang ako, at dinapuan ng antok.
"Lola, tawagan n'yo po ako kung may kailangan kayo, anytime po uuwi ako." hinalikan ko si Lola bago ko sukbitin ang bag ko.
Pagka-labas ko ng bahay ay nagulat pa ako ng makita ko ang sasakyan ni Jace, hindi n'ya gamit ang favorite n'yang motor kagaya ng dati. Ngumiti ako ng makita ko itong bumaba sa sasakyan n'ya, nang makalapit ito saakin ay inabot nito ang bulaklak na kina-ngiti ko lalo.
"Mabango 'yan, hindi pitas, pinasadya ko para sa babaeng mahal ko." sabay kindat nito, napa-iling nalang ako at naunang maglakad papunta sa sasakyan n'ya, bubuksan kona sana pero sumigaw si Jace kaya nilingon ko s'ya.
"Ako magbubukas, Prinsesa nga kita ih kaya dapat i-princess treatment kita." napa-nganga nalang ako dahil sa sinabi nito, hinayaan ko s'ya.
Habang nasa byahe ay hawak ni Jace ang kamay ko at nilalaro nito ang thumb nail k, hinahayaan kolang s'ya dahil kinikilig ako sa totoo lang. Nakarating kami ng school at kagaya nga ng sinabi ni Jace, he will treat me like my name... Princess.
"Maya kana bitaw sa kamay ko" umiling ako sa kanya at binawi ang kamay ko, iniwan ko muna ang bulaklak sa sasakyan n'ya dahil hindi naman pwedeng bitbit ko 'yon sa loob ng school.
"Pasmado ako, Jace" nahihiyang wika ko pero sa halip na mandiri ito ay kinuha n'yang muli ang kamay ko at hinigpitan ang hawak dito.
Tumingin ako sa kanya dahil gusto kong makita ang reaction n'ya, ngumiti ito saakin at hinalikan ang noo ko.
"Simula ng sagutin mo ako, lahat ng tungkol sayo ay inumpisahan ko ng mahalin, kahit water vender ka... mahal kita, kahit nga may putok ka mahal parin kita" binatukan ko s'ya dahil ang dugyot ng loko.
"Dugyot mo naman, Jace! Wala akong putok!" himutok ko pero tinawanan lang ako ng loko.
"Joke lang syempre, pero yung mahal kita, hindi joke... mahal na mahal kita. Ilalaban ko ng dakdakan ang pagmamahal ko sayo, Ms. Nursing." kumindat pa ito na kinatawa ko naman talaga.
Lumapit ako kay Jace para ayusin ang buhok n'yang gulo na naman, ang gwapo n'ya parin kahit gulo ng buhok n'ya, minsan iniisip ko kung anong ginawa ko kay Jace para gustuhin n'ya ako. Ang swerte ko pala dahil perfect na para saakin si Jace Cullen Santos. Matalino, mabait, marespeto, at higit sa lahat mahal n'ya ako.
"Ang gwapo mo, saakin ka lang huh" pabirong aniya ko sabay tawa pa, gumanti naman ito ng tawa saka mahinang pinisil ang aking ilong.
"Yours po."
Nang maka-pasok kami sa school ay intrams parin naman, announcement lang ng mga winners ngayon kaya naman umbligado ang lahat na umattend. Si Jace ay kasama ng mga ka team n'ya, ayaw pa nga umalis kanina pero wala naman na s'yang magagawa ng iwan ko s'ya, kailangan ko rin kasing pumunta kila Athisa dahil kailanagn kasama ko raw sila pag nag announce ng panalo sa battle of the band.
From:♡Jace♡
Luh, iniwan mo naman. Tampo ako. (︶︹︺)
To:♡Jace♡
Pupuntahan kita mamaya. (^3^)
From:♡Jace♡
(〃ー〃)
Inabala ko muna ang sarali ko gamit ang gitara ni Athisa, I just strum it without singing... I sway my head and feel the music from the guitar. I play Take All the love by Arthur Nery. This song connected to my feelings, usually to this song I can connect to others showing my weakness, and I guess this song comforted me the day that I experienced the trauma from my past.
Hindi ko namalayan na lunch na pala, masyado akong nasiyahan sa ginagawa ko, hindi pa naman simula ng announcement of winners kaya nag-paalam muna ako kila Athisa na aalis at babalik nalang, pinayagan naman nila ako kaya pumunta ako sa court kung nasaan si Jace.
Tanaw na tanaw ko si Jace na kasama si Kuya Christian at Edward, siningkit ko pa talaga ang mata ko para masigurong si Jace talaga ang nakikitang ko na panay kembot at tawa habang nasayaw sa tapat ng cellphone, nag t-tiktok ba sila?
Natawa ako dahil enjoy na enjoy nilang tatlo ang ginagawa nila, kahit maraming nakatingin sa kanila ay parang wala silang pakealam basta gagawin nila kung ano ang gusto nila, naka-bili ba sila ng sarili nilang mundo?
Lord kung hindi kapa siguro Jace para saakin, ako sigurado na po sa kanya.
Sa halip na istorbohin si Jace ay umupo nalang muna ako sa bench at hinintay ko namatapo sila, nag video pa ako at zinoom ko talaga kay Jace, he's so happy while doing everything. I will admit, he's so cheerful at isa 'yon sa nagustuhan ko sa kanya. He's jelous type and joker but he can be serious man.
Kumaway ito ng makita ako kaya naman nag-wave sa kanya, umalis ito sa pwesto n'ya at tumakbo papunta sa pwesto ko. Tumayo na ako para salubungin s'ya. Pinunasan ko ang pawis n'ya ng towel na nasa leeg n'ya saka ko s'ya hinalikan sa pisnge.
"Hi, Sweetheart" kumunot ang noo ko dahil sa endearment n'ya.
"Sweetheart?" tumango s'ya saakin.
"Omsim, Sweetheart kita, minsan baby, babe, Miss Ma'am, Miss Nursing."
"Madalas?"
"Reyna." umiling nalang ako kahit alam kong nangamatis ang pisnge ko sa sinabi n'ya.
Inaya ko nalang s'ya ng Lunch sa karinderya ni Nay Drea na madalas naming kainan ng lunch, ang paboritong karinderya ko ay naging paboriyo narin ni Jace, paborito na n'ya ang Java rice.
"Sarap talaga ng luto ni Nay Drea" sabay higop ng unli soup.
"Halata naman ih"
"Omsim, Sweetheart" hinimas pa nito ng tiyan n'ya na akala mo'y buntis.
"Pogi ba ako?" tumango ako sa kanya, totoo naman gwapo s'ya.
"Ikaw naman maganda, Sweetheart. Bagay talaga tayo, galing mamili ni kKupido ng girlfriend ko, Ikaw pa talaga, what a lucky man I am."
"Bolero naman pala ang captain ko"
"Hindi, sa sobrang seryoso ko nga ipapakilala na kita sa family ko."
_strwbrgirl
BINABASA MO ANG
Love Series 1: Love without Fear
Ficção AdolescentePrincess Antoniette Eschoto is a nursing student at Far Eastern University. She had a life goal, to graduate and be a nurse. Even though she comes from a poor and broken family she has a strong personality. She wanted to have a friend whether it was...