KABANATA 2

10.9K 276 46
                                    

Makalipas ang limang taon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Makalipas ang limang taon...

"Nasa ilalim na kita ng pangangalaga ko."

Simula nang lumipat si Amanda sa tahanan ng mga Alonto. Nakilala niya na rin si Senyor Wilbert ngunit wala itong kibo sa kanya. Wala rin siyang balak na usisain ito kaya minarapat ni Alfonso na siya na ang mangangalaga sa batang babae. Halata rin ni Alfonso na nagbago na ang kanyang ama at lagi itong umuuwing lasing tuwing gabi. Sa tuwing hinahanap naman siya ng mga tao ay laging si Alfonso ang humaharap at nag-aayos. Sa murang edad ni Alfonso ay nakikitaang kaya na niya ang lahat ngunit naniniwala si Alfonso na marami pa siyang dapat na matutunan

Hindi naman kumibo ang batang babae sa halip ay tinitigan niya lamang si Alfonso ng kanyang mga mapupungay na mga mata at agad ding yumuko

"Poor you; at your young age, you seem to be burdening the world," wika ni Alfonso at marahang tinitigan lamang siya. He tilted his head and smiled. "But you don't have to worry about that anymore because I'm here. I will take full responsibility of you. Lahat dito ay may kalakaran, lahat ay may batas. But we will take care of that once you're in your legal of age," dagdag ni Alfonso at napangiti naman ito nang makitang tumatango-tango ang batang babae

Iyon lamang ang kauli-ulihang mga naalala ni Amanda noon. Ngayon na kinse anyos na siya ay hindi na niya ito muling nakita pa dahil nag-aral ito sa malayong lugar. Sa mga taong lumipas ay halos ituring na siya ni Hilda na sarili niyang anak at gayun din si Amanda na kung ituring niya si Hilda ay sarili niyang ina.

Hindi naging pabigat si Amanda sa manor bagkus natuto siyang tumulong at kahit sa pag-aalaga ng mga kabayo ay marunong siya. 

Halos yata lahat ng mga gawaing bahay ay may kaalaman siya at lahat ng mga iyon ay dahil kay Hilda. Nasa ika-apat na taon na hayskul na si Amanda at dahil wala na silang klase ay abala na naman siya sa pag-aalaga ng mga kabayo. 

Habang sinusuklay ang kabayong gustong-gusto niya ay bigla siyang may narinig na tila may tumatawag sa kanya.

Agad naman niyang ibinalik sa kwadra ang kabayo at lumabas. Doon ay nakita niyang humahangos papunta sa kanyang direksyon si Hilda.

Bakit Labis Kitang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon