KABANATA 32

4.9K 110 30
                                    

Mag-iisang buwan na ang makalipas simula nang sumakabilang buhay na ang ama ni Alfonso. Simula rin ng araw na iyon ay bihira na lamang kung mahagilap at makausap ni Amanda ang binata. Lubos din itong naiiintindihan ng dalaga dahil na rin sa nangyari ngunit ang hindi niya lamang maintindihan ay kung bakit tila iniiwasan pati siya. Pakiramdam niya ay sobrang layo ng binata sa kanya.

Wala namang makausap si Amanda dahil na rin sa masama ang pakiramdam ng kanyang inang dahil may dinaramdam na rin ito. Siya rin ang nag-aalaga rito kahit na sinasabihan siya nitong may gagawa naman noon sa kanya.

Habang naghuhugas ng pinggan ay hindi niya maiwasan hindi sumulyap sa kwarto ng binata. Gustong-gusto niya itong pasukin ngunit pakiramdam niya ay hindi pa iyon ang tamang oras at panahon dahil nang sinubukan niya ito ay sinalubong lamang siya ng galit. Simula noong araw ding iyon ay hindi na sila pa nagkapansinan.

Kagabi ay hinintay niya ring umuwi ang binata ngunit sumapit na lang ang alas dose ay hindi pa ito dumating kaya nagpasya na rin siyang matulog na lang.

Nasa iisang bubong lamang sila ngunit pakiramdam niya ay malayo sila sa isa't isa. Hindi rin niya mapigilang hindi mapaisip sa mga nangyari sa kanilang dalawa at sa mga pangakong binitawan ni Alfonso sa kanya.

Pagkatapos niyang hugasan ang mga pinggan ay napabuntong hininga naman siya. Wala na rin kasi siyang gagawin dahil kahit si Caspian ay naasikaso niya na rin ay naipasyal sa batis. Maaga kasi siyang nagising dahil sa ingay na tiyak siyang galing iyon kay Alfonso.

Ramdam niya ang sakit at dalamhati ng binata gayun na rin ang mga tauhan sa rantso. Ramdam niyang nangingilid na naman ang kanyang mga luha ngunit agad niyang kinurap-kurap ang kanyang mga mata upang sa gayyun ay mapigilan niya ito. Ayaw niyang umiyak na naman na walang rason.

Dali-dali naman siyang umakyat papunta sa kanyang kwarto ngunit nang nasa kanyang pinto na siya ay agad siyang natigilan. Napalingon siya sa pinto ng kwarto ng binata. Humugot siya ng malalim na paghinga at nagsimulang lumakad.

Para siyang naningas nang nasa harapan na siya mismo ng pinto ngunit tila may sariling isip ang kanyang kamay at kumatok siya sa pinto. Wala siyang sagot na narinig kaya agad niyang pinihit ang busol at tumambad sa kanya ang madilim na kwarto ngunit tila may naririnig siyang ungol.

Kumabog nang husto ang kanyang dibdib dahil hindi niya pa man nakikita ang binata ay malakas ang pakiramdam niya na may nangyayari sa loob at hindi siya dapat naroroon. Palakas nang palakas ang ungol at tinatawag pa nito ang pangalan mismo ng binata.

Nakatayo lamang siya sa bandang pintuan at sa tulong na rin ng sinag ng araw sa labas ay unti-unti niyang nakikita ang loob.

Tumambad sa kanya ang hubo't hubad na katawan ng isang babae na nakapatong mismo kay Alfonso. Napasigaw naman ang babae dahil sa kanyang presenya habang si Alfonso naman ay walang emosyon siyang tinititigan.

Tila bumagsak naman ang mundo ni Amanda dahil sa kanyang nasaksihan. Ang kaninang pinipigilan niyang mga luha ngayon ay nagbabadya nang kumawala.

Nanginginig ang kanyang mga labi habang nakatitig mismo sa mga mata ng binata.

"Get out," malamig na turan ng binata.

Dali-dali namang lumabas si Amanda sa kwarto at agad na tumakbo papasok sa kanyang silid. Nanghihina ang kanyang mga tuhod at katawan dahil hanggang ngayon ay paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan ang mga nangyari.

Napaupo siya sa gilid ng kanyang kama at hinayaan ang kanyang sarili na humaguhulhol sa pag-iyak.

"Ano bang ginawa ko?" wika niya habang ibinaon ang kanyang mukha sa unan.

Nanatili siya sa kanyang kwarto hanggang sa magdilim. Mamaya na lamang niya bibisitahing muli ang kanyang inang dahil ayaw niya itong pag-alalahanin kapag nakita nito na namumula pa nang husto ang kanyang mga mata.

Naninikip nang husto ang kanyang dibdib dahil sa kanyang mga nasaksihan at kung paano siya paalisin ni Alfonso. Sa tono ng pananalita ng binata sa kanya kanina ay mukha siyang estranghero.

Wala rin siyang malapitan at masabihan ng kanyang hinanakit dahil kahit ang nag-iisa niyang kaibigan na si Enzo ay wala na rin sa kanilang bayan. Kinuha niya ang kanyang selpon at kinuha ang baterya nito at itinapon.

Tumanaw siya sa labas ng kanyang bintana at saktong nakita niya ang balingkinitang babae na isinasakay mismo ng binata sa sasakyan. Humalik pa ito sa pisngi ng binata at nagtama mismo ang kanilang mga mata at nakita niya na tila may sumilay na mga ngiti sa labi nito bago ito tuluyang makapasok sa loob ng sasakyan.

Hindi naman lumingon pa sa kanyang direksyon ang binata dahil dali-dali rin itong pumasok sa loob. Nang kukuhanin na niya ang kanyang tuwalya na nakasabit lamang malapit sa kanya ay ang siya namang pagbukas ng kanyang pinto at iniluwa noon si Alfonso.

Maraming gustong sabihin si Amanda ngunit tila natameme siya sa presensya mismo ng binata.

"You ought to have knocked," malamig na wika ng binata at hindi naman makapaniwala mismo si Amanda sa kanyang narinig.

Napakuyom naman ng kamay si Amanda. "Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung ano ang puno't dulo nitong lahat. Isang araw maayos naman ntayong dalawa. Masaya naman tayong dalawa ngunit sa siang iglap tila nagbao ang lahat. Ano ba ang ginawa ko? Bakit? Ano'ng nangyari?" sunod-sunod na tanong ng dalaga at nagsisimula namang uminit ang kanyang mga mata. Nagbabadya ang kanyang mga luha na kumawala at hindi niya na rin iyon napigilan pa.

Walang emosyon naman siyang tinititigan ni Alfonso na dati-rati noon ay kung makikita siya nitong naluluha ay agad siya nitong yayakapin ngunit ngayon ay tila para itong yelo.

A heartless man.

"I can still ignore you like you never existed, Amanda." Iyon lang at agad itong umalis at naiwang wasak na wasak ang dalaga. 

Bakit Labis Kitang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon