KABANATA 44

5.2K 117 48
                                    

SERENE GARDENS CEMETERY

LIMANG taon na ang nakalilipas simula nang mawala si Alfonso. Naroroon pa rin ang sakit na nararamdaman ni Amanda na hindi mawala-wala. Kahit na nakalimot na ang iba dahil sa tagal na ng panahon ay hindi pa rin makalimot si Amanda.

Bahagyang hinawakan niya ang singsing na lagi niyang suot-suot. Singsing na ibinigay mismo sa kanya ni Alfonso noong araw na hiningi nito ang kanyang kamay. Pinagmasdan ni Amanda ang paligid at tila nilamyos naman siya ng hangin dahilan upang mapapikit siya. Pakiramdam niya ay niyakap siya ni Alfonso.

Nang mawala ang binata ay dumating naman si Enzo. Inalagaan siya nito mismo hanggang sa gumaling siya. Wala namang binabanggit ang binata na kahit ano sa kanya at alam naman ni Enzo na labis-labis na nagluluksa si Amanda. Kahit na walang kapalit ay hindi iniwan ni Enzo ang dalaga.

Nasa harapan siya ngayon ng puntod ng binata. Walang mintis ang pagdalaw niya rito at lagi niya itong dinadalhan ng bulaklak. Napapunas siya ng kanyang mata dahil nagbabadyang lumuha naman ito. Sariwa pa sa kanya ang sakit na para bang kahapon lang.

Hawak-hawak niya ang isang puting parisukat na sobre na may naglalamang liham. Ibinigay sa kanya iyon ng kanyang Inang nang magising siya ngunit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ito binubuksan dahil sa takot. Hindi pa siya handa sa lahat. Doon na lang din niya nalaman na iniwan sa kanya lahat-lahat ni Alfonso pati ang pag-aarian nito. Isa na siyang heredera ng mga Alonto at Alacantara ngunit kahit gaano kalaki ang kanyang nakuha ay ganoon din kalaki ang naging kanyang kawalan dahil sa pagkawala ni Alfonso.

Hindi siya tuluyang nabulag dahil kahit ang kanyang mga mata ay galing din sa binata. Napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi at pinipigil ang pag-iyak. Sa puntod ng binata ay mayroong isang mayabong na puno na pwedeng masilungan. Walang alinlangan na naupo si Amanda sa damuhan at doon napagpasyahang basahin ang liham na iniwan sa kanya ng binata.


Dearest Amanda,

Don't be sad when I'm not with you anymore. I want you to get on with your life. Live your life to its utmost. I want you to be happy, baby. I didn't regret a single moment I spent with you. Amanda, I love you. If God permits, I'd love to see you again.

Forever yours,

Alfonso


Napahagulhol naman sa iyak si Amanda habang hawak-hawak ang papel sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya ang ilang saksak ang ginawa sa kanyang puso. Kitang-kita mismo sa penmanship ni Alfonso kung gaano ito hirap sa pagsusulat ngunit tinapos niya pa rin ito.

Mahal na mahal niya pa rin si Alfonso at hahayaan niya lamang ang panahon na tulungan siyang makalimot hanggang sa kaya na niyang magpatuloy sa buhay at kung kaya niya pang magmahal ulit.

"Alam mo ba? Lagi pa rin kaming namamasyal ni Caspian sa batis. Gustong-gusto ni Caspian na maligo roon. Sa tuwing dapit hapon naman ay lagi naming pinapanood ang paglubog ng araw pero kung uulan naman ay nasa labas lang kami ng bahay. Lagi akong nagpapatimpla ng mainit na tsokolate kay Inang," wika ni Amanda na parang kinakausap si Alfonso.

Nilipad naman ng hangin ang kanyang mahabang buhok. "Mahal na mahal kita, Alfonso. Hindi ka kailanman mawawala sa puso ko. Kahit siguro na may dumating na iba ay may parte ka pa rin sa buhay ko. Kahit na magkaanak ako ay hindi kita kalilimutang dalawin dito. Hindi pa ako handa sa lahat. Hindi ko pa kaya. Ngunit huwag kang mag-alala dahil darating din ang araw na magiging maayos din ako," dugtong pa niya sabay pahid ng luhang kumawala sa kanyang mga mata.

Nanatili si Amanda sa puntod ni Alfonso ng halos isang oras bago siya nagpasyang umuwi. Pagkatalikod niya ay kita niya si Enzo na nakatayo at tila hinihintay siya. Hindi niya alam na naroroon pala ang binata.

Kumaway naman si Amanda at kumaway naman ito pabalik sa kanya.

"Let's go home."

Bakit Labis Kitang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon