KABANATA 3

9.9K 255 14
                                    

Habang naliligo si Amanda ay napansin niya ang bakas ng sinturon sa kanyang likuran

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang naliligo si Amanda ay napansin niya ang bakas ng sinturon sa kanyang likuran. Naikuyom niya ang kanyang mga palad at parang naluluhang tumalikod na lamang.

Pasukan na naman at sinadya niyang gumising ng maaga upang hindi niya makita si Alfonso. Alam din niyang gising na rin sa mga oras na ito ang kanyang Inang kaya makakakain na muna siya bago siya pumasok.

Nasapo niya ang kanyang noo nang matandaan niyang itong araw na ito ay ang pagpupulong ng kani-kanilang mga magulang kasama ang kanilang mga guro, isang Parent-Teacher Association o PTA meeting.

Alam niyang hindi rin makadadalo ang kanyang Inang dahil abala ito sa mga gawaing bahay lalo na ngayon at nakauwinna si Alfonso. Mag-aasikaso pa ito sa kanilang Senyor Wilbert dahil lasing na naman ito kagabi.

Ilang pagpupulong na rin na walang dumadalo sa kanya at laging siya na lang mismo ang nakikinig. Minsan ay nakararamdam din siya ng inggit sa kanyang mga kaklase ngunit wala rin namang patutunguhan ang lahat kung maiinggit at maiinggit lang siya. Kung sana ay nabubuhay pa ang kanyang mga magulang ay hindi niya dadanasin ang pangungulila at kakulangan ngunit ang nagpapasalamat na rin siya sa kaitas-taasan dahil hindi siya pinabayaan bagkus may taong kumupkop sa kanya.

Pababa na si Amanda papuntang kusina nang may narinig siyang tila nag-uusap. Bigla namang tumibok ang kanyang puso dahil pamilyar ang boses na iyon sa kanya bukod sa alam niyang isa roon ay ang kanyang Inang.

Nang tuluyan na siyang nasa kusina ay agad namang nagtama ang mga mata nila ni Alfonso. Para namang hinigit ang kanyang paghinga at natigilan sa kanyang puwesto.

Agad naman siyang iniwasan ng mga tingin ni Alfonso. Ramdam naman ni Amanda ang kalamigan sa pagtrato nito sa kanya. Doon din ay umakyat na si Alfonso patungo sa kanyang library room at iniwan na silang mag-isa.

"Ang aga mo naman yatang nagising, Amanda?" tanong ni Hilda na nakapagpabalik ng kanyang huwisyon.

Naghihiwa na ang kanyang Inang ng mga gulay na kanyang igigisa. Agad namang lumapit si Amanda at tinulungan siya.

"Naku, huwag na at mababasa ang uniporme mo rito. Gutom ka na ba? Maupo ka na riyan at ipaghahain kita," wika ni Hilda at tumango na lamang si Amanda. "Ang aga mo naman yata ngayon? Bakit?" dagdag ni Hilda ngunit ang atensyon nito ay nasa kanyang ginagawa.

Umiling naman si Amanda at uminom na lamang ng tubig.

Ramdam naman ni Hilda na hindi nagsasabi ng totoo si Amanda kaya agad naman niya itong hinarap. "Kilala kitang bata ka. Sabihin mo na sa akin," wika ni Hilda at marahang tinitigan sa mata si Amanda.

Nagpakawala naman ng paghinga si Amanda. "PTA meeting po kasi ngayon kaya maaga po akong nagising." Pagdadahilan niya dahil ayaw niyang sabihin ang katotohanang iniiwasan niya si Alfonso.

Bigla namang lumungkot ang mukha ng kanyang Inang. "Hindi na naman ako makadadalo, anak. Patawarin mo ako sa mga pagkukulang ko sa'yo," wika ng kanyang Inang at umiling naman si Amanda.

"Wala po kayong dapat na ihingi ng tawad, Inang. Labis-labis na ang pagmamahal ninyo sa akin kahit po na hindi ninyo ako kaano-ano. Huwag po kayong mag-alala dahil kaya ko naman po ang sarili ko at matanda na po ako," sagot naman ni Amanda at hindi naman napigilan ni Hilda na lapitin ito at hagkan.

"Huwag mong sabihin iyan. Mahal na mahal kita at itinuturing na kitang sarili kong anak."

PAGKATAPOS ayusin ni Amanda ang kanyang sarili ay agad naman siyang hinatid ni Mang Berto, ang isa sa mga drayber ng mga Alonto at ang laging naghahatid sa kanya sa kanyang eskwelahan.

"Ineng, bakit tila hindi maipinta ang mukha mo ngayong araw ha? Hindi ako sanay na ganyan ka," tanong ni Mang Berto habang sinisilip siya sa salamin.

"Wala po ito Mang Berto, kulang lang po yata ako sa tulog. Malapit na po kasi ang pagsusulit namin kaya medyo puyat po ako," pagdadahilan ni Amanda at gusto niyang pitikin ang kanyang mga labi dahil tila nakadadalawang pagsisinungaling na ang kanyang ginagawa ngunit hindi rin man nalalayo sa katotohanan ang kanyang mga kasagutan. Bukod sa PTA meeting ay malapit na rin ang kanilang pagsusulit.

"Ineng bata ka pa at huwag mo masyadong seryusuhin ang mga bagay-bagay. Ayos lang na magkamali paminsan-minsan dahil doon din tayo natututo. Paminsan-minsan ay igala mo rin ang sarili mo o maghanap ka ng ibang paglilibangan," wika naman ni Mang Berto habang ang mga tingin nito ay nasa daan.

Bukod kasi sa pagsasakay niya sa mga kabayo at pag-aalaga rito ay wala na rin siyang ibang alam na gawin. Aral at bahay lang din kasi ang tungo niya. May mga kaibigan naman siya ngunit hindi naman niya ito laging nakasasabayan. At isa pa ay hindi niya ramdam ang gumala sa matataong lugar dahil tila ba nauubos ang enerhiya niya sa maiingay at maraming mga tao. Mas gugustuhin pa niyang mag-isa at hindi siya nababagot doon.

Ngumiti naman si Amanda at tumango. "Opo, Mang Berto, pakatatandaan ko po 'yan."

Nang maihatid na siya ni Mang Berto ay kita naman ni Amanda ang mga papasok na mga magulang sa loob.

Lumungkot at mabigat ang kanyang mga yabag papasok sa loob ng eskwelahan. Siya lang yata ang walang dalang kasama. Halos lahat ng mga nakaparkeng mga sasakyan ay puros mayayaman. Ang iba ay dala-dala pa ang kani-kanilang mga yaya.

Umiling naman si Amanda at napahigpit ang pagkahahawak niya sa kanyang bag. "Parang 'di ka pa nasanay. Ikaw na lang uli ang makinig," bulong niya sa kanyang sarili at pilit na ngumiti.

Malapit na siya sa kanyang silid nang magkasalubong sila ng kanyang guro. "O, Amanda, wala ka bang dadalo sa'yo?" tanong ni Mrs. Perez, ang kanyang homeroom teacher.

"Wala po, puwede po bang ako na lang po ang makinig?" sagot ni Amanda.

Ngumiti naman si Mrs. Perez at tumango. "Aba ay oo naman ngunit may kailangang pirmahan ang iyong mga magulang. Huwag kang mag-aalala dahil ako na ang bahala. Sige pumasok ka na, iha." wika naman ni Mrs. Perez na nakangiti.

Pagpasok nang pagkapasok niya ay agad namang natuon ang buong atensyon ng mga taong nasa loob sa kanya. Dinig na dinig niya ang mga pinag-uusapan ng mga ito ngunit patay malisya lamang siya.

"Siya ba? Kawawa naman walang mga magulang. Mabuti na lang kamu at inampon ng mga Alonto. Swerte niya lang at dito pa siya pinag-aral. Kung tutuusin hindi naman bagay ang batang iyan dito. Parang dinudungisan niya lang ang pangalan ng paaralan ng ating mga anak."

Iyon ang kanyang mga narinig at kahit na gusto ni Amanda na kaharapin ito ay alam niyang talo rin siya sa huli dahil siya rin ang mapapagalitan lalong-lalo na kung malalaman pa ito ni Senyor Wilbert.

Nagsisimula na ang pagpupulong at abala naman na isinusulat ni Amanda ang mga dapat niyang sabihin sa kanyang Inang nang may biglang pumasok.

Kahit na si Mrs. Perez ay natigilan sa pagsasalita at ang lahat ng mga taong masa silid ay nasa iisang direksyon lamang nakatingin.

"Mr. Alonto, Alfonso," tawag naman ni Mrs. Perez dahilan upang makuha ang atensyon ni Amanda at napatingin din sa kung saan nakatingin ang lahat.

Agad namang nagtama ang mga mata nilang dalawa at kahit na nakasuot ito ng salamin ay alam niyang nakatitig lamang ito sa kanya.

"I've come for her at this meeting."

Bakit Labis Kitang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon