Makalipas ang isang linggo...
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Amanda na isang magarbong pagdiriwang ang gaganapin sa kanyang ikalabing-walong kaarawan. Kung siya lamang ang masusunod ay hindi na naman kailangang ipagdiwang pa ng ganito kagarbo ngunit wala na siyang magagawa dahil naayos na raw lahat ni Alfonso ang araw na ito.
Simula noong araw na kinompronta siya ni Alfonso patungkol sa pagtanggal ng koneksyon kay Enzo ay hindi na silang nag-usap pang muli kahit na nagku-krus ang kanilang landas dahil nasa iisang bubong lang naman silang dalawa. Inaamin naman ni Amanda na hanggang ngayon ay binabagabag pa rin siya ng huling mga salita ni Alfonso sa kanya. Hindi niya pa rin maalis-alis sa isip niya ang mga katagang iyon.
"I'm not protecting you because you're a woman. I'm protecting you because you're mine."
Ipinilig naman ni Amanda ang kanyang ulo at napabuntong-hininga. Hindi niya alam kung may mga kahulugan ba iyon o siya lamang ang nagbibigay ng kahulugan. Napatingin naman si Amanda sa kanyang selpon at tulad ng kahapon ay maraming mensahe siyang natanggap mula kay Enzo. Nakararamdam siya ng pagkakonsensya dahil ni isa sa mga mensahe ni Enzo ay hindi niya ito sinagot. Naiirita rin siya sa kanyang sarili dahil sinunod niya ang utos sa kanya ni Alfonso.
Kaibigan niya si Enzo at hindi nito marapat na gawin ang lahat ng mga ito sa kanya na walang sapat na dahilan. Pinapangako ni Amanda sa kanyang sarili na kung sakali mang magkikita silang dalawa ay hihingi siya ng tawad dito at sasabihin na lamang ang totoo upang hindi na maging komplikado ang lahat.
Agad na bumalik naman sa huwisyo si Amanda sa kaiisip nang biglang may kumatok sa pinto.
"Anak, papasok ako," tawag ni Hilda at dali-dali namang tumayo si Amanda at nagtungo sa pinto upang pagbuksan ang kanyang Inang.
"Inang, bakit po? Pasok po kayo," wika naman ni Amanda nang mabuksan niya ang pinto. May dala-dala itong malaking puting kahon at tinulungan naman ni Amanda ito papunta sa kanyang kama.
"Pinapaabot sa'yo ito ni Senyorito Alfonso, ito raw ang isusuot mo mamayang gabi," wika naman ni Hilda habang hinahawakan ang kahon. "Anak, maligayang kaarawan sa'yo," dugtong ni Hilda saka may inabot ito sa kanyang isang maliit na kulay kapeng kahon.
Parang nangingiyak na napatingin naman si Amanda sa kanyang Inang. "Ayos lang po kahit wala na poi to, Inang. Ang malaking regaling natanggap ko po ay ang pagmamahal ninyo simula nang kupkupin ako ng mga Alonto at ikaw ang nagsilbing ina ko," wika naman ni Amanda at tila naluha naman doon si Hilda.
Agad na nagyakapan ang dalawa at hinalikan naman sa pingi ni Hilda si Amanda. "Dalaga ka na at sobrang ganda mo anak sa totoo lang. Araw-araw ay tila gumaganda ka nang husto. Nangangamba nga ako kung marami ng nanliligaw sa'yo. Gusto ko sana na tapusin mo muna ang pag-aaral mob ago mo atupagin ang pag-ibig, anak," wika ni Hilda at tumango naman doon si Amanda.
"Pakatatandaan ko po 'yan, Inang. Huwag po kayong mag-alala sa akin," sagot naman ni Amanda saka muling hinagkan ito.
Tila naman may naisip si Hilda at agad na hinawakan ang kamay ni Amanda at bahagyang pinisil. "Anak, tapatin mo nga ako. May nangyari ba sa inyo ni Senyorito?" tanong ni Hilda na ikinagulat naman ni Amanda.
Nangamba naman si Amanda at walang humpay ang pagtibok ng kanyang puso. Gusto niyang sabunutan ang kanyang sarili dahil para siyang nagkasala na wala namang dahilan.
"Po?" sagot naman ni Amanda at inipid ang ilang hibla ng buhok sa kanyang tainga.
"Napapansin ko kasi na tila nag-iiwasan kayong dalawa sa tuwing magku-krus ang inyong mga landas," aniya saka malalam na tinitigan ang mga mata ni Amanda.
"Po? Wala naman pong nangyayari sa aming dalawa ni Senyorito, wala po kayong dapat na ipag-alala Inang," sagot naman ni Amanda saka niyapos ng yakap ang kanyang Inang.
Tumango-tango naman si Hilda saka napabuntong-hininga. "Hala, sige at ako ay mag-aayos pa sa ibaba. Magpahinga ka na lang muna rito dahil palalim na rin ang gabi. Aakyat ako ulit dito upang ayusan ka. Gusto ko kasi na ako ang mag-ayos sa'yo," wika naman ni Hilda at nangingiting tumango naman si Amanda.
"Opo, Inang," sagot naman niya saka inalalayang tumayo ito at inihatid papalabas ng kanyang kwarto.
Nang tuluyan naman siyang mag-isa ay naupo naman si Amanda sa gilid ng kanyang kama at napabuntong-hininga. Napahawak naman siya sa kanyang dibdib na kanina ay halos nangangarerang kabayo sa pagtibok.
Ipinilig naman niya ang kanyang ulo at nakita ang ibinigay na maliit na kahon sa kanya ng kanyang Inang. Kinuha niya ito at binuksan. Lumantad sa kanya ang isang magandang simpleng kwintas. Napakaganda nito na pwede niyang suotin pang-araw araw.
Hindi agad siya nagdalawang isip na suotin ito at tiningnan ang kanyang sarili sa salamin. Napangiti si Amanda dahil sa ganda ng kwintas at sa taglay nitong kasimplehan. Napalingon agad siya sa kama at napatingin sa malaking kahon na siyang inabot sa kanya kanina ng kanyang Inang.
Hindi pa rin siya makapaniwala na nangyayari ito sa kanya. Mula sa kanyang kinatatayuan ay kitang-kita niya ang mala-eleganteng dekorasyon at tema para sa kanyang kaarawan. Para siyang nasa isang Alice in Wonderland na tema ngunit ang tanging kulay lamang ng tema ay nasa puti at kulay-kape na kulay. May mga ilaw din na tila mga kulisap sa itaas.
Pakatatandaan niya ring pasasalamatan niya si Alfonso dahil sa preparasyon na ito. Binuksan ni Amanda ang malaking kahon at halos magulat nang makita ang napakagandang damit na kanya raw susuotin. Hinawakan niya ito at para bang nahihiya siyang gamitin ito dahil parang hindi ito karapat-dapat sa kanya.
Ang gown ay isang nakamamanghang shade ng ruby red, ang uri na nakakakuha ng atensyon. Ito ay bumagsak sa magagandang tiklop, bumabagsak sa bawat kurba tulad ng likidong seda. Ang sweetheart neckline at sleeves ay pinalamutian ng magandang puntas sa katugmang iskarlata, na nagbibigay ng kaakit-akit na ugnayan sa isang katangi-tanging bagay. Ang tela ay kumikinang sa bawat galaw, nakakakuha ng liwanag mula sa lahat ng panig at gumagawa ng isang kinang na lalong nagpatingkad sa kahanga-hangang kulay nito.
"Ang ganda." Hindi mapigilang hindi mapahanga ni Amanda sa tumambad sa kanya.
"You like it?" isang malamyos at malamig na tono ng boses ang nagpagulantang kay Amanda.
Agad na napalingon naman si Amanda kung saan nanggaling ang boses. Nakatayo si Alfonso na nakasandal sa pinto at nakapamulsa. Hindi niya alam kung matagal na siyang naroroon at hindi niya yata nasirado ang pinto nang lumabas ang kanyang Inang.
"Senyorito."
BINABASA MO ANG
Bakit Labis Kitang Mahal
Storie d'amoreAng pamilyang Alonto ay isang mayaman at kilalang pamilya. Ngunit nang mamatay ang ina ni Alfonso ay ipinagbilin ng kanyang ina na alagaan ang isang batang babae na siyang anak ng kanyang yumaong matalik na kaibigan. Labag man sa kalooban ni Alfons...