KABANATA 11

8.1K 190 38
                                    

Hindi rin nakatiis si Amanda at bumaba na lamang siya ng kanyang kwarto. Tutulong na lamang siya sa kanyang Inang na magluto at pagkatapos ay tutulong agad siya sa rantso.

Kumuha ng isang pares na manipis na puting long sleeve at isang medyo kupas na maong si Amanda upang kanyang susuotin. Pagkatapos niyang mag-ayos ay agad din siyang bumaba papunta sa kusina kung saan alam niyang naroroon na rin ang kanyang Inang.

"Tulungan ko na po kayo riyan," wika niya at bahagyang ikinagulat naman ito ni Hilda.

"Ayos na ako rito, anak. Pumunta ka na lamang sa kwadra at tulungan mong paliguan ang mga kabayo roon. Iyon ay kung kaya mo lang naman," wika naman ni Hilda at walang pag-aalinlangang tumango naman si Amanda.

Kumuha siya ng isang basong tubig ay agad itong ininom. "Sige po."

Nang makalabas na siya ay sikat na sikay na rin ang araw ngunti hindi ito masakit sa balat. Sinalubong din siya ng sariwang hangin na siyang naman nagustuhan niya. Kahit kasi mahirap ang trabaho ngunit kung ganitong panahon naman ang trato sa'yo ay mapapawi naman agad ang pagod mo.

"Sarap ng hangin," aniya habang tinatahak ang daan patungo sa kuwadra.

Napasinghap siya sa gulat nang walang ano-ano ay may nagsalita sa kanyang likuran.
Nang lingonin naman niya ito ay agad naman siyang nag-iwas ng mga tingin.

Si Alfonso ang nakasunod sa kanya.

Hindi lubos maisip ni Amanda kung gusto talaga siyang biruin sa mga ganitong panggugulat.

"Magandang umaga po, Senyorito," bati niya na hindi ito tinitingnan.

Hindi naman ito sumagot o nagsalita man lamang bagkus inunahan pa siya nito sa paglalakad.

Tila patungo rin ito sa kuwadra. Nakaramdam naman ng hiya si Amanda dahil kung siya ay walang tulog sa kaiisip sa nangyari sa kanila kagabi ngayon naman ay tila walang nangyari.

Gustong pukpukin ni Amanda ang kanyang sarili dahil kung tutuusin ay wala namang nangyari sa kanila. Siya lang itong nag-iisip ng kung ano-ano. Bahagya rin siyang napaisip na baka hindi lang siya ang babaeng sinabihan niya ng ganoon.

Ang kaninang masiglang awra niya ay agad na napalitan ng kalungkutan. Hindi niya mawari kung bakit dahil hindi naman dapat niya iyon maramdaman.

Ramdam din ni Amanda na baka galit ito sa kanya sa pag-iwan niya rito kagabi. Ipinilig niya ang kanyang ulo at nang makarating siya sa kuwadra ay agad siyang nagtungo sa kulungan kung nasaan si Caspian. Una niya itong papaliguan.

Kita niya rin si Alfonso na abala sa pag-uusap sa kanyang mga tauhan. Seryoso ang mukha nito at istrikto. Ni hindi nga nito kayang isipin ng mga tao niya na kung ngumingiti pa ba ito o hindi na.

Itinuon na lamang ni Amanda ang kanyang atensyon kay Caspian at sinimulan itong hilahin palabas kung saan pinapaliguan ang mga kabayo.

Halos ilang minuto rin ang nagtagal bago niya matapos paliguan si Caspian at patuyuin ito.

Napaupo naman si Amanda sa isang malaking bato upang makapagpahinga ng kaunti nang biglang may pamilyar na boses ang tumawag sa kanyang pangalan na agad naman niyang ikinalingon.

"Enzo?" takang tanong niya dahil hindi naman ito nakapagsabi na papasyal siya ulit.

Kumaway naman ito sa kanya at pansin niyang may bitbit itong isang basket na may nakatakip na puting sapin.

Nakangiti itong lumapit sa kanya. "I baked egg pie at naalala kitang padalhan ngayon. Don't worry I wont take any longer here," wika naman nito nang makalapit na siya sa harapan ni Amanda.

Tila nakaramdam naman ng konsensya si Amanda kahit wala namang rason upang makaramdam siya noon. "Tara, pumasok ka na muna at kainin natin itong dala mo. Ipagtimtimpla na lamang kita ng kape," wika naman ni Amanda sabay hawak sa pulso ni Enzo.

Nagulat naman si Enzo sa naging aksyon ni Amanda ngunit hindi niya napigilang hindi mapangiti at tumango na lamang. Nagsipaanod naman si Enzo habang hila-hila pa rin siya ni Amanda.

Lingid sa kaaalaman ni Amanda ay kitang-kita iyong lahat ni Alfonso na kanina pa nakatayo sa gilid at kahit na may kausap ito ay ang mga mata nito ay nakapukol lamang sa kanilang dalawa.

"Inang, si Enzo po," wika ni Amanda nang tuluyan na silang makapasok sa loob ng kusina.

Yumuko naman si Hilda bilang pagbati. "Halika kayo at maupo," ani ni Hilda at ipinagpatuloy ang kanyang iniluluto.

"May dala po siyang egg pie, Inang. Titimpla na lamang po ako ng kape nang mapagsaluhan po natin," wika naman ni Amanda at agad na tumungo kung nasaan ang mga baso.

Habang abala si Amanda sa kanyang ginagawa ay hindi naman mapakali si Hilda sa isang sulok. Alam niya kasi kung ano ang masamang hangin sa pagitan nila ng kanyang Senyorito at ni Enzo. Hindi niya pa ito nakukuwento kay Amanda ngunit mamayang gabi ay kauusapin niya ito lalo na ngayon at tila magtatagal na si Alfonso sa manor.

Halos isang oras ding nagtagal si Enzo dahil napasarap ang pag-uusap nilang dalawa ni Amanda. Hindi naman siya dapat magtagal dahil ramdam niya ang mga matatalim na mga titig sa kanya ni Alfonso. Hindi niya rin mawari kung bakit parang lalo itong lumala ngunit may kutob siyang kasama sa rason na iyon si Amanda.

Alam niya ring hindi rin magtatagal at malalaman niya rin ang totoong rason. Hindi niya itinatago sa kanyang sarili na may gusto nga siya kay Amanda noong unang pagkikita pa lamang nila. Dahil din doon ay agad niyang inalam ang buong pagkatao ni Amanda at nalaman niyang isa itong Alacantara. May isang bagay din siyang ipinagtataka ngunit gumagawa na rin siya ng aksyon doon na hindi lumilikha ng ingay kay Alfonso.

Nang magpaalam si Enzo kay Amanda ay mga ilang minuto lang ay agad siyang ipinatawag nito.

Tila agad namang kinabahan si Amanda dahil doon ngunit agad naman niya itong tinugon.

Wala na ang mga trabahante sa loob ng rantso na ipinagtaka naman ni Amanda dahil maaga pa.

Agad naman niyang nakita si Alfonso na nakasandal sa pader at humihithit ng sigarilyo ngunit nang makita siya nito ay agad din niyang pinatay ang kanyang sigarilyo.

"Amanda," tawag ni Alfonso sa kanya at bigla namang nag-init ang mga tainga ng dalaga.

"Pinapatawag ninyo po ako, Senyorito?" aga d na tanong ni Amanda at tila umiiwas din siya ng mga tingin sa binata.

"Cut your connections with him. Hindi ko na gustong nakikipagkaibigan ka sa taong iyon," malamig na tugon ni Alfonso dahilan upang lingonin siya ni Amanda at titigan sa mga mata.

"Hindi ko po maintindihan."

"He's a dangerous man at pakitang tao lamang ang ipinapakita niya sa'yo. Pinoprotektahan lamang kita," sagot naman ni Alfonso at dahan-dahang tumayo ng tuwid.

Tatalikod na sana ito at iiwanan siya nang biglang nagsalita ang dalaga.

"Hindi ninyo naman po ako kailangang protektahan dahil isa akong babae. Kaibigan ko po siya. And that doesn't mean that I cannot protect myself!" galit na saad ni Amanda at muli ay hindi niya alam kung saan siya humugot ng tapang upang sagutin ito.

Ayaw na niyang maiwan na namang may katanungan sa kanyang isipan.

Dahan-dahan namang humarap si Alfonso sa kanya at kahit na hirap na titigan sa mga mata ang binata ay pinipilit ito ni Amanda.

"I'm not protecting you because you're a woman. I'm protecting you because you're mine."




Bakit Labis Kitang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon