"You should have informed me about the meeting.," wika ni Alfonso.
Kasalukuyan na silang nasa byahe dahil pagkatapos ng pagpupulong ay agad namang pinauwi ang mga estudyante. Ramdam naman ni Amanda ang titig sa kanya ni Alfonso at kailangan niya itong sagutin.
"Alam ko po kasing abala kayo at hindi ninyo na po ito maisisingit Senyor," sagot naman niya at napatanaw na lamang sa labas.
Doon niya lang napansin na hindi iyon ang daan pauwi sa kanila kaya agad din siyang napalingon kay Alfonso.
"Since then, you don't appreciate what I am giving you. You have all that girls desires too yet here you are unhappy," wika ni Alfonso at ang buong atensyon nito ay nasa daan.
Para itong artista na kalmadong nagmamaneho ngunit pinipigilan lamang ni Amanda na suriin ito. Ito na yata ang unang-una nilang pag-uusap na medyo matino-tino.
Napabuntong-hininga naman si Amanda bago sumagot. "Hindi naman po ako tulad nila."
Lihim namang napangiti sa isang sulok si Alfonso at tumango. "You're really a grown up now." Ngisi niya at hindi na naman mapigilang hindi mapangha ni Amanda dahil tila alagang-alaga pati ang ngipin nito.
"Saan po tayo pupunta?" tanong niya habang nakatanaw lamang sa daan dahil tila ba napakalayo na nila. Papuntang bayan na kasi ang tinatahak nila.
"I have an urgent meeting, and it won't take so much time. Just come with me and I have already ordered food for you there," matipid na sagot ni Alfonso kaya tumango na lamang si Amanda at hindi na nagsalita pa.
Halos ilang minuto na lang din ang kanilang binyahe ngunit ang hangin sa pagitan nila ay iba. Itinuon na lamang ni Amanda ang janyang atensyon sa nagtataasang mga gusali upang mailibang ang kanyang sarili. Ngayon na lang din kasi siya nakapunta ng bayan dahil ang lagi niyang tambayan ay walang iba kung hindi ang rantso.
"I noticed that you don't have a phone yet." Basag ni Alfonso sa kanilang katahimikan.
Tumango naman si Amanda dahil totoo namang wala siyang selpon. Hindi niya naman hiniling na bilhan siya nito dahil wala naman siyang panggagamitan kung sakali. Hindi rin siya naiinggit sa kanyang mga kaklase dahil halos siya na lang ang walang selpon.
"We will fix that later." Iyon lang at agad na itinigil ni Alfonso ang kanyang sasakyan sa harap ng isang magarang hotel.
Isang parking attendant naman ang sumalubong kay ALfonso at kinuha ang susi ng sasakyan sa kanya. Ramdam tuloy ni Amanda na para siyang tangang nakatulala lamang at hindi namlayang nakabukas na pala ang pinto ng sasakyan para sa kanya.
"Good morning Ma'am," bati sa kanya ng lalaking nagbukas ng pinto. Agad naman niya itong sinagot at nginitian.
Hinila naman ni Alfonso si Amanda papasok sa loob. "Don't be friendly, especially with guys. Stay here, someone will help you." Iyon lang ata agd naman siya nitong iniwan.
Wala naman siya magawa kung hindi ang sundin na lamang si Alfonso. Wala pang ilang segundo ay may tumawag sa kanyang pangalan.
"Miss Amanda?" tanong ng isang staff na nagngangalang Shirley. Matangkad ito at maganda, balingkinitan din ang katawan at matangkad. Papasang isang modelo ito kung titingnan ni Amanda.
Tinaasan naman ni Shirley ng kilay si Amanda at tiningnan pababa at pataas. Nakaramdam naman ng panliliit si Amanda kaya tumango naman siya at napayuko.
"This way please," wika naman nito at agad na tinalikuran si Amanda.
Wala namang magawa si Amanda kung hindi ang sundan ito. Ramdam ni Amanda na hindi siya nabibilang sa isang prestihiyosong lugar. Mas gugustuhin niya na lang talaga na mamalagi sa rantso kaysa sa mga taong tila huhusgahan na ang iyong pagkatao sa mga tingin pa lang na igagawad sa'yo.
Nang makaupo naman si Amanda ay tila malaglag naman ang kanyang panga nang makita ang mga pagkaing nakahanda para lamang sa kanya. Halos ang iba ay hindi niya alam kung paano kainin kaya mas pinili niya na lamang kainin ang isang cheesecake.
Walang paalam na iniwanan na lamang siya ni Shirley at ayos lamang iyon kay Amanda dahil tila hindi siya kumportable na makasama ito.
Inilibot naman ni Amanda ang kanyang mga tingin sa loob. Wari niya ay nasa loob siya ng isang palasyo na nakikita niya lamang sa mga teleserye at mga pelikula. Ngunit isa lamang ang napagtanto ni Amanda at iyon ay ang mamuhay lamang siya na malayo sa bayan. Mas gugustuhin niyang gumala lamang sa bayan at hindi ang manirahan sa isang napakaraming tila mapashusgang mga tao. Pakiramdam niya ay wala siyang lugar sa mga tulad nila.
Sa tingin niya ay magtatagal pa si Alfonso sa kung sino man ang kausap nito kaya mas minabuti na lamang ni Amanda na aliwin ang kanyang sarili nang may nakita siyang isang libro sa isang sulok. Agad naman niya itong kinuha ngunit nang idapo na niya ang kanyang kamay sa libro ay mayroong isang kamay na dumapo rin dito.
Napasinghap naman si Amanda sa gulat at agad na humingi ng tawad. Hindi niya rin alam kung bakit niya iyon ginawa ngunit sa tingin niya ay iyon ang nararapat. "Sorry," wika niya saka dali-daling umalis ngunit agad naman siyang pinigilan dahil sa pagkakahawak sa kanyang pulso.
"Wait, you can have this," wika ng isang malumanay na boses dahilan upang lingonin ito agad ni Amanda.
Kita naman ni Amanda ang pag-abot ng libro nito sa kanya. Para siyang nakakita ng isang artista dahil sa maamo nitong mukha at mukha itong modelo. Sa sobrang tangkad din nito ay halos tingalain niya ito ng tingin. Kung hindi siya nagkakamali ay halos magkasingtangkad sila ni Alfonso.
"Ayos lang ikaw naman ang nakauna," sagot naman ni Amanda na umiiling-iling.
Bahagya namang natawa ang binata at agad na inilgay ang libro sa palad ni Amanda na hawak-hawak pa rin niya.
"Here, please take it," wika nito at tila hindi naman makatingin ng diritso si Amanda sa mga mata nito.
"Salamat, sige," wika niya at tatalikod na sana nang magsalita ulit ang binata.
Nakangiti itong sa kanya. "Wait, my name is Enzo and you are?" tanong niya sabay abot ng kanyang palad.
Ngumiti naman si Amanda at tinanggap ang pagkamay nito. "Amanda."
"Worth to love," wika ni Enzo na ikinakunot ng noo ni Amanda. "No, I mean the meaning of your name. Okay, it was nice meeting you, Amanda."
Kumaway naman si Amanda sa binata at nang pabalik na siya sa kanyang puwesto ay naroroon si Alfonso nakatayo malapit sa kanyang kinauupuan kanina at taimtim siyang tinititigan.
"Amanda."
BINABASA MO ANG
Bakit Labis Kitang Mahal
RomansAng pamilyang Alonto ay isang mayaman at kilalang pamilya. Ngunit nang mamatay ang ina ni Alfonso ay ipinagbilin ng kanyang ina na alagaan ang isang batang babae na siyang anak ng kanyang yumaong matalik na kaibigan. Labag man sa kalooban ni Alfons...