KABANATA 30

6.6K 147 11
                                    

Habang nagtitimpla ng kape si Amanda para kay Alfonso ay hindi niya maiwasang hindi mangulila para sa kanyang Inang. Halos sa tawag na lang nga sila kung makapag-usap at madalang pa. Malubha na rin kasi ang sitwasyon ng ama ni Alfonso.

Luluwas din ang binata sa susunod na araw upang tingnan ang kanyang ama at maiiwang mag-isa si Amanda sa rancho upang may mamahala.

"Kumusta na raw ang ama mo?" tanong ni Amanda nang mailapag na niya sa isang tasang kape sa mesa.

Hindi naman nakasagot si Alfonso bagkus napabuntong hininga lamang ito. Agad naman siyang humigop ng kape kahit na mainit pa ito.

Napasandal naman sa kinauupuan niya si Amanda at tinanaw na lamang ang papasikat na araw. Ipapasyal niya pa mamaya si Caspian sa batis dahil ilang araw na rin niya itong hindi naaasikaso at nangako naman si Alfonso sa kanya na sasamahan siya nito ngunit sa hilatsa ng pagmumukha ng binata ay tila hindi ito makakasama sa kanya.

Ramdam niya ang pag-aalala ng binata para sa kanyang ama. Alam niya ang pakiramdam na mawalan ng mga magulang at kitang-kita niya iyon ngayon kay Alfonso.

"Maiwan na muna kita rito at ako na lang ang magpapasyal kay Caspian sa batis," wika ni Amanda at akmang tatayo na sana siya nang higitin ni Alfonso ang pulsohan nito.

"Stay here," malamig na wika nito at walang ano-ano ay bumalik naman sa pagkakaupo si Amanda at hindi pa rin binibitawan ni Alfonso ang kamay ng dalaga.

Nanatili silang magkahawak kamay ng ilang mga minuto bago nagawang magsalita ni Alfonso. "Hindi yata kita masasamahan kay Caspian ngayon." Tila matamlay na wika ni Alfonso dahilan upang mag-alala nang husto si Amanda.

"Ayos lang naman sa akin. Gusto mo bang magpahinga na muna? Pumasok ka na muna sa kwarto mo at ipagluluto kita ng makakain mo mamaya," wika ni Amanda at bago pa man siya makapagsalita ulit ay nakatayo na si Alfonso sa kanyang likuran.

"Take it to my room later," wika naman ni Alfonso saka tumalikod.

Pinanood naman ni Amanda ang binata na papaakyat sa kwarto nito. Tila mabigat ang pakiramdam ng binata at hindi maiwasang hindi malungkot ni Amanda. Dali-dali naman siyang tumayo at nagtungo agad sa kwadra kung nasaan si Caspian. Papakainin niya na lamang ito ng paborito nitong kainin bilang pambawi at paliliguan na lamang.

Nakasalubong rin ng dalaga ang ilang mga trabahador na abala rin sa pagbubungkal ng lupa para tamnan ng iilang mga puno.

Nang matapos na niyang paliguan ang kanyang kabayo ay kinausap niya muna ito at sinabing babawi siya sa susunod na araw at ipapasyal niya ito sa batis. Gustong-gusto niyang kinakausap niya si Caspian dahil kahit papaano ay utang na loob niya ang kanyang buhay dito.

Habang pabalik sa loob ng bahay ay nag-iisip na siya ng kanyang lulutuin. Napangiti naman siya dahil tila alam na niya kung ano ito. Magpi-prito na lamang siya ng karne at gigisa siya ng repolyo. Sigurado siyang magugustuhan din iyon ni Alfonso.

Habang nagpi-prito ay hindi niya pa rin maiwasang hindi mangulila sa presensya ng kanyang inang. Nahihiya rin kasi siyang sabihin sa binata na gusto niyang sumama rito para na rin makita niya ang kanyang inang ngunit inaalala niya rin na walang tatao sa manor kaya hindi niya na lamang ito itinuloy.

PAGKATAPOS niyang magluto at maihain niya na ang lahat sa tray aya agd siyang pumanhik sa kwarto ng binata. Sobrang tahimik ng buong bahay at wala rin siyang marinig na kahit na anong ingay sa loob ng kwarto ng binata. Kumatok na muna siya ng ilang beses bago niya binuksan ang pinto.

Kita niya naman ang binata na nakaupo lamang sa isang silya at nakatanaw sa kanyang bintana na animo ay tulala. Nang lapitan naman ni Amanda si Alfonso ay saka niya lang napansing nakatulog na pala ito sa kinauupuan nito.

Dahan-dahan naman niyang inilapag ang tray sa isang mesa bago nilapitan si Alfonso. Nakasuot pa ng salamin ang binata dahil tila nagbabasa pa ito ng libro na hawak-hawak pa nito mismo. Maingat naman niyang kinuha ang salamin ng binata at nang ilalapag na sana niya ito sa mesa ay ang siya namang pagmulat ng mga mata ng binata.

"You're here," wika ni Alfonso saka hinila papunta sa kanya dahilan upang magkayapan silang dalawa.

Tila nailang naman si Amanda at kahit hindi na mabilang ni Amanda kung nakailang kandong na siya sa binata ay hindi niya pa rin mapigilang hindi mamula sa tuwing magkalapit na silang dalawa lalong-lalo na ang kanilang katawan.

"Kumain ka na," wika naman ni Amanda ngunit gumagapang na pataas ang mga kamay ni Alfonso sa kanyang mga binti.

Mainit ang palad nito na nakakapanindig ng balahibo ni Amanda.

"What if I marry you?" tanong ni Alfonso at sandaling natigilan naman si Amanda dahil sa agad-agad na tinuran ng binata sa kanya.

Namayani naman ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa at hindi makahagilap ng kahit isang salita si Amanda mula sa kanyang bibig. Napahigpit naman ang pagkakahawak ni Alfonso sa baywang ni Amanda.

"Hindi mo pa naman ako lubusang kilala pa, Alfonso," wika ni Amanda at nagtama naman ang kanilang mga mata.

May sumilay naman na ngiti sa mga labi ni Alfonso. "I have the rest of my life to find out, baby."

Bago pa man makasagot si Amanda at siniil na siya ng halik ng binata. Mabagal ngunit mapusok ang kanilang mga halik.

"Do you want to sleep with me?" Walang pagdadalawang-isip na tanong ni Amanda na maski siya ay nagulat sa kung anong mga salita ang lumabas mismo sa kanyang bibig.

Tinitigan naman siya nang matagal ng binata bago ito sumagot. "Sure, why not."

Puno ng ungol ang kwarto hanggang sa gumabi. Gustuhin mang tumayo ni Amanda sa kama ng binata ay hindi niya ito magawa dahil sa hindi pa tapos ito tapos sa kanya. 

Bakit Labis Kitang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon