Ang pamilyang Alonto ay isang mayaman at kilalang pamilya. Ngunit nang mamatay ang ina ni Alfonso ay ipinagbilin ng kanyang ina na alagaan ang isang batang babae na siyang anak ng kanyang yumaong matalik na kaibigan.
Labag man sa kalooban ni Alfons...
Isang magandang tanawin ang bumungad kay Amanda matapos tanggalin ni Alfonso ang telang nakatakip sa mga mata niya. Sa harapan niya ay punong-puno ng pink tulips habang tanaw-tanaw ang tila mala-dagat na kaulapan. Kasalukuyan silang nasa isang bulubundukin at hindi mapigilan ng dalaga na hindi magandahan sa kanyang nasasasaksihan.
"I have looked all over the world to get the perfect tulip color. Your favorite color," wika ni Alfonso at nilingon naman siya ni Amanda na may ngiti sa mga labi nito.
Niyakap ni Amanda si Alfonso at bahagya namang natawa si Alfonso rito. "Sobra-sobrang nagustuhan ko, Alfonso," wika nito at hinalikan sa pisngi ang binata.
Simula noong araw na binigyan siya ng dalaga ng isa pang pagkatataon ay hindi niya ito sinayang pa. Ibinigay niya ang lahat-lahat sa dalaga at walang araw na hindi niya ito pinapangiti. Halos araw-araw ay nililigawan niya ito. Hanggang sa makapagatapos ng kolehiyo si Amanda ay naging maayos ang lahat. Na plano niya na rin ang lahat para sa dalaga.
Habang pinagmamasdan ni Amanda ang mga bulaklak ay palihim naman siyang kinukuhanan ni Alfonso ng mga litrato. Lagi niya itong ginagawa at inilalagay sa iisang album. Isa na rin sa paborito niya ay ang kuhanan ng litrato ang babaeng mahal niya.
Maya-maya ay ibinalik na niya ang kanyang kamera sa lalagyan at may kinuha sa kanyang bulsa.
Isang maliit na kahon na naglalaman ng isang singsing. Napagdesisyunan niyang ngayon niya hihingiin mismo ang kamay ng dalaga. Aalukin na niya ito ng kasal.
Habang hawak-hawak ang kahon ay hindi maitago ni Alfonso ang ngiti sa kanyang mga labi. Nilapitan niya si Amanda at hinawakan ang kamay.
Maya't-maya ay lumuhod si Alfonso na ikinagulat naman ni Amanda. "You are the one I've been waiting for my whole life. Amanda, will you do me the honor of becoming my wife?" wika ni Alfonso at dahan-dahang binuksan ang kahon.
Napatakip naman ng bibig si Amanda at para siyang naluluha sa kanyang nasasasaksihan. Hindi siya nagsisising binigyan niya ng isa pang pagkatataon si Alfonso at heto siya ngayon inaalok ng kasal.
Tumango naman si Amanda sabay abot ng kanyang kamay. "Yes," matamis na sagot ni Amanda at dahan-dahan namang isinuot ni Alfonso ang singsing sa daliri nito.
"You don't know how happy I am right now, baby," wika ni Alfonso saka binuhat.
"I love you my Alfonso," wika ni Amanda habang hawak-hawak ang pisngi nito.
"I'm crazy about you my Mrs. Alonto, You are the best thing that has ever happened to me," wika naman ni Alfonso at punong-puno ng pag-iibigan ang dalawa.
Ilang oras din silang lumagi muna bago sila nagpasyang umuwi. Wala si Miguel dahil mas gusto ni Alfonso na siya ang magmaneho.
Habang nasa byahe ay hindi pa rin magkamayaw sa pagtingin si Amanda sa kanyang suot-suot na singsing. Hindi rin maalis-alis ang mga ngiti sa mga labi ni Alfonso.
"Where would you like to go after this? Anything comes to mind?" tanong ni Alfonso habang inililiko ang sasakyan ngunit bago pa man makasagot si Amanda ay tila natigilan siya at nanlaki ang kanyang mga mata.
Kahit si Alfonso ay natigilan sa kanyang nakita. Isang mabilis at malaking truck ang patungo sa kanilang direksyon. Wala na ring oras na mailiko o paandarin ng mabilis ni Alfonso ang sasakyan.
Agad na inalis ni Alfonso ang kanyang seatbelt at niyakap si Amanda. "Close your eyes."
Isang malakas na pagsalpok ang umalingawngaw sa daan. Nagpagulong-gulong ang kanilang sasakyan. Yuping-yupi ito at halos iisiping walang mabubuhay sa ganoong sitwasyon.
Ilang minuto lamang ang lumipas at nagkumpulan na ang mga tao at ang iba naman ay tumawag na rin ng tulong. Ilang minuto rin ay rumispunde ang ambulansya at mga pulis.
PS: Nalimutan kong ilagay ang picture ni Enzo (broken hearted).
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Alfonso Alonto
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.