KABANATA 27

6.9K 133 11
                                    

Hindi halos makapaniwala si Amanda na ilang oras lang ay nakarating na sila sa kanialang paroroonan ata agd na sumalubong sa kanya any ang mukha mismo ni Alfonso. Hindi niya mapigilang hindi mamula at mag-init ang kanyang mga tainga dahil galing siya sa tulog.

Kasalukuyan na silang nasa loob ng sasakyan at kung hindi siya nagkakamali ay hindi niya pa nakikita ang sasakyang ito sa manor at marahil ay bago ito. Si Miguel naman ang nagmamaneho ngunit hindi niya ito makita dahil tila nakasira ang bintana kung saan ito naroroon.

Tanging silang dalawa lamang ng binata ang magkasama sa loob at hawak-hawak pa mismo ni Alfonso ang kanyang mga kamay. Sobrang higpit nang pagkahahawak nito na animo ay hindi na siya nito bibitawan.

Nilingon naman siya ng binata na may ngiti sa mga labi nito. Hindi makapaniwala ni Amanda sa kanyang nakikita dahil tila hindi si Alfonso ang nasa kanyang harapan.

"I want to show you the world, Amanda," wika nito at hindi malaman ng dalaga kung ano ang kanyang mararamdaman. Pinisil naman ni Alfonso ang kamay ni Amanda at walang ano-ano ay kinabig niya ito papalapit sa kanya at siniil ng halik.

Nanigas naman si Amanda sa kanyang kinauupuan dahil sa tinuran ng binata ngunit kalaunan ay tila may sariling isip ang kanyang bibig at gumalaw sa agos ng mga labi ng binata. Ang kanyang mga kamay naman ay sumabit sa mga balikat ni Alfonso at hindi napigilang hindi mapaungol.

Nang maghiwalay silang dalawa ay agad naman silang nagkatitigan. "Ano ba 'tong ginagawa mo sa akin?" tanong ni Amanda habang titig na titig sa mga mata ng binata.

"I'm showing you everything that I'm into. I am in a hectic life but will make an exception when it comes to you, Amanda," sagot naman ni Alfonso at doon ay tila bumaba ang isang bintana kung saan makikita si Miguel na kasalukyang nakatitig sa isang salamin.

"Malapit na po tayo," wika ni Miguel saka unti-unting isinara ulit ang bintana.

Huminto naman ang sasakyan at agad na lumabas si Alfonso at dahan-dahan naman niyang iginiya papalabas si Amanda. Halos mapanganga si Amanda sa ganda ng lugar kung saan sila huminto. Nakikita niya lamang ang mga ito sa mga pelikula ngunit heto siya ngayon at nakikita ng harap-harapan ang isang magandang tanawin.

"Ito ang Herastrau Park," wika naman ni Alfonso at tumatango-tango naman si Amanda.

Napatingin siya sa kanyang damit at agad naman siyang nahiya. Napansin naman ito ni Alfonso kaya agad niyang hinubad ang kanyang coat at ibinigay ito sa dalaga. Napatulala naman si Amanda kaya isinuot na lamang ito ng binata para sa kanya.

"Are you comfortable right now? I bought you a few clothes yesterday. You can change once we get home," wika ni Alfonso at hindi naman alam ni Amanda kung ano ang isasagot niya rito.

Kinuha naman ni Alfonso sa kanyang bulsa ang isang compact camera. "Tayo ka roon at kukuhanan kita ng litrato," wika ng binata at nagulat naman doon si Amanda ngunit sinunod naman niya si Alfonso.

Tumayo naman si Amanda kung saan ang nasa likuran niya ay may isang lake at hindi gaanong kahabaang tulay. "Okay na ba rito?" tanong ni Amanda at nakangiting tumango naman si Alfonso at tila nagbilang naman ito gamit ang kanyang kamay.

"Smile, baby," wika nito atsaka kinuhanan ng maraming litrato ang dalaga.

Itinuro naman siya ng binata sa kung saan pa siya kukuhanan ng mga litrato at sinunod naman iyong lahat ni Amanda at bakas na bakas sa kanyang mukha ang kanyang kasiyahan.

"Ang ganda mo kahit saang anggulo," wika ni Alfonso sabay pakita ng kanyang mga kuha sa dalaga.

"Magaling ka lang kumuha ng litrato kaya lahat ng mga kuha mo sa akin ay puro magaganda," wika naman ni Amanda.

"Tayo namang dalawa," wika ng binata sabay hila ng baywang ng dalaga papalapit sa kanya at agad na kinalabit ni Alfonso ang kamerang nakatutok sa kanila.

Inilibot naman siya ni Alfonso sa mga destinasyong tiyak siyang magugustuhan ng dalaga at sa lahat ng mga iyon ay kinukuhanan niya si Amanda ng mga litrato.

"Dito ako minsan pumupunta kapagka marami akong iniisip," wika ni Alfonso. Kasalukuyan silang nakaupo sa labas ng isang restaurant habang naghihintay ng kanilang pagkain samantalang si Miguel naman ay nasa kabilang mesa.

Tumango naman ang dalaga habang inililibot ang kanyang mga tingin. Hindi na rin nakagugulat kung sa lugar na ito napili ng binata siya laging pumupunta dahil bukod sa tahimik ay napakapayapa ng lugar. Maliit lamang ang mga tao na paroo't parito hindi gaya sa kanilang lugar sa syudad.

"Smile," wika ni Alfonso at bahagyang nagulat naman si Amanda dahil nakatutok na sa kanya ang kamera. Wala naman siyang magawa kung hindi ang ngumiti na lamang.

"Tayo namang dalawa pwede?" tanong ni Amanda at napangiti naman doon ang binata.

Sinenyasan naman siya ng binata na maupo sa kanyang kandungan. Napalingon-lingon naman si Amanda sa kanyang paligid.

"Ha?" takang tanong naman ng dalaga ngunit sa halip na sumagot si Alfonso ay agad niyang hinawakan ang pulsohan ng dalaga at hinila papalapit sa kanya.

Napaupo naman ang dalaga sa kandungan nito. Ramdam niya ang init at tigas ng katawan ng binata. Amoy na amoy niya rin ang pabango nito.

"Para kang papel sa sobrang gaan mo," wika ni Alfonso at hindi alam ni Amanda kung ano ang kanyang mararamdaman sa tinuran ng binata sa kanya. "Look at the camera and smile for me," dugtong pa nito.

Buong araw silang magkasama at walang humpay ang pagkuha ni Alfonso ng litrato kay Amanda. Lagi ring magkahawak ang kanilangmga kamay kahit saan man sila magpuntang papasyalan hanggang sa napagdesisyunan na nilang umuwi na dahil pansin na rin ni Alfonso na tila pagod na rin ang dalaga. Hindi pa kasi ito tuluyang magaling. Ayon kasi sa doktor ay malakas ang pagkababagok nito at kailangan ng matinding pahinga at huwag papagodin nang husto.

Nakaidlip si Amanda sa kandungan at mga bisig ng binata at himbing na himbing ito sa tulog sa piling ni Alfonso. Hindi pa rin mawala-wala ang mga ngiti sa labi ng binata habang pinagmamasdan si Amanda.

"Get some rest, you'll need it for tomorrow."

Bakit Labis Kitang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon