KABANATA 23

7.2K 132 13
                                    

Hingal at pawisang nagising si Amanda. Habol-habol niya ang kanyang paghinga nang pilit niyang ibangon ang kanyang sarili upang maup. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at tila nasisilaw agad siya sa liwanag. Nang unti-unti na niyang maimulat ang kanyang mga mata at inilibot ang kanyang tingin ay saka niya lang napagtantong hindi niya kwarto ang kanyang kinaroroonan ngunit isa itong pamilyar na kwarto sa kanya at pamilyar din ang amoy sa loob. 

Saka na lang din napansin ni Amanda na may natutulog sa mahabang sofa at nang tinitigan niya ito ng maigi ay si Alfonso pala ito. Sa hitsura pa lang ng pagkahihiga nito ay para itong pagod. Dahil sila lang naman dalawa ang nasa loob ng kwarto ay malaya siyang tawagin lamang ito sa kanyang pangalan. 

"Alfonso," mahinang tawag ni Amanda ngunit tila agad naman itong narinig ng binata at naalimpungatan. 

Agad na tumungo si Alfonso papalapit kay Amanda. Hinawakan nito ang pulsohan ng dalaga at sinapo ang noo. Walang ano-ano ay kumuha ng bimpo si Alfonso at pinunasan ang pawisang noo ni Amanda. Sa hilatsa ng pagmumukha ng binata ay bakas na bakas ang pag-aalala nito para kay Amanda. 

"You're awake, sandali at tatawagin ko si Hilda," mahinang wika ni Alfonso at punong-puno ng pag-aalala ang mga mata nitong nakatitig sa dalaga.

Nang aalis na sana si Alfonso ay agad na hinawakan ni Amanda ang kamay ng binata ngunit hindi ganoon kahigpit ang pagkahahawak dahil na rin sa mahina pa siya. 

Malalam naman siyang tinitigan ng binata at bahagyang hinalikan ang noo ni Amanda. "We need to talk but you have to rest. Sandali at tatawagin ko na si Hilda," wika nito at tumango na lamang si Amanda.

Habang naghihintay ay napako ang mga mata ni Amanda sa mesa na medyo may kalayuan sa kanya. May nakapatong doon na may kapakalang envelope. Kahit na mahina ang kanyang katawan ay tila may bumubulong sa kanyang tingnan ang laman nito. 

Maingat siyang naglakad patungo sa mesa at walang pagdadalawang-isip na binuksan agad ang envelope. Para siyang kinakabahan sa kanyang ginagawa at nang makita na niya ang laman nito ay ang unang tumambad sa kanya ay isang papel at kitang-kita niya ang kanyang pangalan. 

Kinuha niya pa ang iilang mga papel at ang lahat ng mga iyon ay may pangalan niya. Binasa niya ang isang pahina at nanlaki ang kanyang mga mata nang unti-unti niyang maintindihan kung ano ang nakalakip sa papel. Naglalaman ang mga papel ng kalupaan ng kanyang mga magulang na ngayon ay nakapangalan na sa kanya. 

Parang pinipiga ang kanyang dibdub dahil sa kanyang natuklasan at sa mga katanungang tumatakbo ngayon sa kanyang isipan. "Kaya ba mabait at kinupkop nila ako dahil sa mga ito? Inilihim ba nila 'to sa akin? Bakit tila ang iba ay nakapangalan pa sa kanilang mga pangalan? Ano ang ibig sabihin ng mga ito?" usap niya sa kaniyang sarili at nanginginig na ang kanyang mga kamay habang hawak-hawak ang mga papel.

Walang ano-ano ay may pumasok sa kwarto at iniluwa noon si Alfonso na tila gulat na gulat na nakatitig kay Amanda.

"Amanda," tawag niya rito at galit na nilingon siya ng dalaga. Kahit hinang-hina ang kanyang katawan ay sinubukan niya lapitan ang binata.

"Ano ang ibig sabihin ng mga ito? Kaya mo ba ako ginaganito dahil sa mga ito? Kailan mo pa 'to nalaman? Kaya ninyo ba ako kinupkop upang mapunta sa inyo ang mga ito? Kabayaran ba 'to? Kailan mo 'to sasabihin sa akin?" sunod-sunod na tanong ni Amanda at nangingilid ang kanyang mga luha dahil na rin sa mga katanungang umiikot sa kanya. 

Sa isip-isip niya marahil ay pinaglalaruan din ang kanyang damdamin. 

"Amanda, you should rest and this is what we should talk about kapag mabuti na ang pakiramdam mo," mahinahong sagot naman ni Alfonso at pinahid ang mga luha sa pisngi ng dalaga ngunit inilayo ni Amanda ang kanyang sarili sa binata.

Habang papaatras siya nang papaatras ay tila umikot naman ang paningin ni Amanda ay tumiklop ang kanyang mga mata.

Dali-dali naman siyang nahagip ni Alfonso at kinarga pabalik sa higaan nito. Natural lang na mawalan ito ng malay dahil magdadalawang araw na itong hindi pa kumakain. Nagpatawag na rin si Alfonso ng doktor simula noong gabing 'yon.




"Amanda!" Sigaw ni Alfonso habang rumaragasa ang ulan at basang-basa na siya. 

Nakita niya kasi ang kabayo ng dalagang humahangos sa harapan ng bahay at tila may gustong iparating. Agad siyang kinabahan at dali-daling umakyat sa taas kung nasaan ang kwarto ng dalaga. Nakasirado pa ito at wala na siyang oras na hanapin ang susi dahil sa walang sumasagot sa loob kaya't giniba niya ang pinto. 

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Alfonso nang makitang walang tao sa loob at dali-dali siyang lumabas at tinakbo ang kuwadra upang kumuha ng kabayo. Alalang-alala naman si Hilda at iba pang mga tao sa kabahayan. Wala rin ang kanyang ama dahil kasalukuyan naman itong nasa labas at nagpapagamot.

Mag-isang hinanap mismo ni Alfonso si Amanda. Malakas ang pagkulog ng kidlat ngunit hindi natinag ang binata roon gayun na rin ang kabayong dala-dala niya.

Iisang lugar lang ang naiisip niyang posibleng puntahan ng dalaga at doon ay ang batis. Kaya agad niyang pinatakbo ang kabayo patungo roon na para bang nakikipaligsahan sa bilis ng kanyang pagpapatakbo. Madilim ang kapaligiran ngunit halos kitang-kita ni Alfonso ang paligid. 

Lumipas ang halos ilang minuto bago niya nahanap ang dalaga. Basang-basa ay agad siyang bumaba sa kanyang kabayo at punong-puno ng takot ang kanyang mga matang kinarga si Amanda sa kanyang mga bisig at hindi nahirapang kargahin ang dalaga pasakay sa kabayo habang kandong-kandong niya ito. 

Umaapoy na sa lagnat ang dalaga at tila duguan pa ang likod ng ulo nito. Hindi mapigilang hindi mapamura habang tinatahak ang daan papauwi. 

"Stay with me baby."



Inipid ni Alfonso ang iilang mahabang hibla ng buhok ng dalaga sa tainga nito. "Hilda, ikaw na muna rito."






Bakit Labis Kitang MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon