Chapter 7

43 3 0
                                    

Laiza this chapter is for you.
Thankyou for the criticism.
Atleast i'm moved when i saw you teary-eyed after reading chapter 1:-)



Laboratory nila Delaney sa major subject nila.

At ang professor nila ay ang terror na mahilig magpakanta tuwing nalalate ang mga studyante.

Naupo sya sa likod dahil ang
crush nya ay nasa harap.

Pinili nya sa likod para mapagmasdan ito.

Nagkaroon sya ng inspirasyong pumasok dahil kay Stephen.

Masaya sya kapag nakikita nya ang mga singkit na mata nito.

Lumingon sya sa likod ng may kumalabit sa kanya.

Si Nathan.

Ang kaklase nyang hindi nya magets kung bakla o lalaki.

"Bakit" bulong nya dito.

Inulit lng nito ang ginawang pangangalabit.

Inambaan nya ito ng suntok.

"May problema ba kayo dyan sa likod"? Galit na tanong ng professor nila.

"Wala po sir" mabilis nyang sagot.

Napahiya siya dahil lumingon lahat ng kaklase nya sa kanya.

Napatingin sya kay Stephen nakatingin din ito sa kanya.

Napayuko sya sa kahihiyan.

Bakit ba lagi na lng siya ang napapansin kapag kaklase nya si Stephen.

"Kung gusto nyong magharutan doon kayo sa labas. Huwag dito sa loob ng klase at nakakaistorbo kayo"

What the hell!

Sya pa ang maharot.

Nagpupuyos ang loob nya kay Nathan.

Kung hindi dahil dito hindi sya mapapagalitan.

Napahiya siya kay Labidabs nya.
Damn!

Hanggang matapos ang klase nila hindi pa rin nawawala ang inis nya.

Paano pa sya magpapa beauty points kay Stephen kung palaging ganun ang eksena.

Sumabay sya sa paglabas ni Nathan.

"Bwisit ka pinahamak mo ako.
Ako tuloy napag-initan"

Nakakalokong tumawa ito.

"Malay ko ba".

"Minsan pa sasapakin na kita" bwisit na saad nya bago nya ito iniwan.





---------------------------------------------------

Late na pumasok si Delaney ng araw na iyon dahil may program.

Ang unibersidad kasi nila ay maraming program kaya kadalasan walang pasok.

Kailangan lng nila umattend at magpacheck ng attendance.

Habang hinihintay nya ang mga kaibigan nya ay tumambay muna sya sa college nila.

Hinanap ng mga mata nya ang lalaking singkit.

Nanghinayang sya ng hindi nya ito makita.

Ano nga bang aasahan nya?

Ang pagkakaalam nya hindi ito mahilig umattend ng mga programs.

"Laney" tawag sa kanya.
Si Mona.

Ito ang pinakaclose nya sa mga kaklase nya.

"Tara may pupuntahan tayo"
Yaya nito sa kanya.

Tumayo sya at sumabay dito.

"Saan?"

"Dun sa bahay nila Jeam" sagot nito.

"Anong gagawin natin doon"?

"Sinong kasama natin"?

Sunod-sunod nyang tanong habang papalabas sila ng gate.

"Nagyaya si kuya Zelle ng
inuman".

"Andun daw yata si Stephen sabi ni Jeam".

Si Stephen.

Na excite sya bigla pagkarinig sa pangalan nito.

Pupunta sya para masilayan ang mga singkit nitong mata.

Napangiti sya sa naisip.

Siniko sya ni Mona.

"Bat ka nakangiti Laney"?
Nagtatakang tanong nito.

"Wala ah" tanggi nya.

"May naalala lng ako"

"Sa second na bahay lng tayo"
sabi nito.

Tiningnan nya ang bahay.

"Sarado naman eh" angal nya.

Tuloy-tuloy lng ito sa paglalakad.
Sumunod na lng sya dito.

May naririnig syang mga boses paglapit nila sa gate.

Sumilip sila sa loob.

Andun ang kanyang sinisinta.
Naramdaman na naman nya ang mga butterfly sa sikmura nya.

"Kuya Zelle andito na kami" tawag pansin ni Mona.

Tumayo ito at pinagbuksan sila.

Huminga sya ng malalim.
This is it.
Makakasama nya ang kanyang labidabs.

Love is not always a happy endingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon