Chapter 3

45 3 0
                                    

This story is for you..


"Mag-isa ka lng dito Laney hindi ka ba natatakot"?

tanong ni cleo habang umiikot ang paningin nya sa apartment.

Nagkibit balikat sya.
Wala naman syang pakialam sa ibang tao.

Sa isang taong pamamalagi nya sa Davao ay wala pang nangyaring masama sa kanya.

Inilabas nito ang pizza na tinake out nila kanina.
Habang sya naman ay naghanda ng maiinom.

Naalala nya tuloy ang mga kalokohan nila nung college pa sila.

Tatlo silang magbabarkada.
Sya, si Donna at si Cleo.
Kung saan-saan sila napapadpad para maglakwatsa at mag-inuman.

That was the time when she got her heart broken for the first time.

Ginawa nyang outlet ang alak para makalimot.

And they were there for her para damayan sya.
Kahit hindi na sila pumasok sa klase.

Nanikip ang dibdib nya sa pagdagsa ng emosyon.

Kahit isang taon na ang nakaraan masakit pa rin sa kanya kapag naaalala nya ang lumipas.

Naramdaman nya ang pag-iinit ng mga mata.
Nagbabantang bumagsak ang mga luha.

But she calmed herself.
Ayaw nyang umiyak na may nakakakita sa kanya.

Akala nya ubos na ang sakit na nararamdaman nya.
Pero nagkamali sya.
Sa isang iglap ay babalik rin pala.

Pinuno nya ng hangin ang dibdib and went back to cleo.

While eating she asked Cleo kung sino ang pakakasalan nito.

Cleo smiled sweetly.
Nilunok muna nito ang kinakain bago sumagot.

"Si Leonard" masayang sabi nito.

Napaangat ang kilay nya sa narinig.

Kilala nya ang lalaki.
Ito ang kinabaliwan ni Cleo noong kolehiyo sila.

Ito din pala ang makakatuluyan nito.
At masaya sya para sa dalawa.

Naalala nya na laging sinusundan ito ni Cleo ng tingin kapag dumadaan ito sa College nila.

Engineering ito at sila ay Education.

Ngumiti sya sa alaalang iyon.

"Kayo din pala ang magkakatuluyan sa tinagal tagal na pagmamanman mo sa kanya noon".

Natawa ito.

"Well, hindi nga rin ako makapaniwala na mapapansin din nya ako". nakatawang sabi nito

"After ng graduation natin naging tutor ako ng anak ng kakilala ng ate ko". kwento nito.

"And would you believe na pamangkin pala nya yung bata?"

"Kelan naman ang kasal nyo"? Tanong nya.

"Tatlong buwan mula ngayon" sagot nito.
"At ikaw ang Maid of honor ko".

"What?"
Nagulat ako sa sinabi nya.
"Bakit ako"?

"Why not"? Nakasimangot na sabi nito.

"Basta ikaw ang maid of honor ko period".

"Matagal na kitang hinahanap yun pala nagtatago ka lng dito" may hinanakit na sumbat nito sa kanya".

Nakaramdam sya ng konsensya sa sinabi nito.
Dahil totoong nagtatago sya.
Nagtatago sya sa sarili nyang mundo.

Love is not always a happy endingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon