Everybody hurts someday..
Thankyou for all the love jon.."Lasing ka na Laney tama na" nag-aalalang sabi ni cleo.
Tumingin siya dito.
Namiss niya ang dati niyang mundo nang wala pa si Stephen.
Kanina pa ito nagtetext sa kanya kung asan siya.
Namiss niya ang mga kaibigan niya.
Ang mga kalokohan niya.
Hindi niya maintindihan ang sarili niya.Mahal niya si Stephen but somehow parang may kulang.
Halos araw-araw lagi silang magkasama.Naboboring na ba siya sa relasyon nila?
Dalawang taon na silang magkasintahan.
Ngunit heto siya nakikipag-inuman sa mga barkada niya.
Nararamdaman din niyang parang nanlamig na ito sa kanya.
Hindi na ito yung dating Stephen na kilala niya.Naguguluhan na siya.
"Laney baka magalit si kuya Stephen sa amin" si Donna.
Isa sa mga naging close niya sa klase nila.
Ito at si Cleo.
They were her closest friends.
Nahuli na kasi siya ng isang taon dahil may bagsak siyang major subject.
Sila Mona ay graduating na at sila ang naiwan na magkakasama kaya hindi na niya masyadong nakakasama ang mga ito.
Samantalang si Stephen ay nahuli ng isang taon sa kanila.
May mga bagsak din kasi ito.
Napabuntung-hininga siya."Basta walang magsasabi na magkakasama tayo" nahihilong sabi niya.
Nakagat niya ang labi niya.
Paano niya ipapaliwanag kay
Stephen ang pagliban niya sa klase?Alam nito ang schedule niya.
Ang paglalasing niya ang lagi nilang pinag-aawayan.Baka alam na nito ang ginagawa niya.
Alam niyang alam na nito ang kalokohan niya.
Ngunit wala siyang pakialam.
Nakilala siya nitong ganun na.
Galit siya sa sarili niya kung bakit bumabalik na naman siya sa dati.
Hindi niya alam ang dahilan.Akala niya hindi na niya gagawin ang mga dating ginagawa niya.
Pero bakit andito siya?
She hated herself!
Kung kailan may nagpatino sa kanya saka siya nagloloko.What if magsawa na ito sa kanya?
"Hey Laney tara na sa klase" untag sa kanya ni Cleo.
Laney jusy stared at them.
Wala na siya sa katinuan para pumasok.She started typing at her phone.
"Laney please huwag mo nang itext si kuya Stephen" nakikiusap na ang boses ni Donna.
Pero huli na.
Message sent na ang huli niyang nabasa bago siya hinila ng antok.
Nakatulog siya sa mesa.Naramdaman ni Laney ang malambot na hinihigaan niya.
Huli niyang naalala na nakatulog siya sa mesa.
At tinext niya si Stephen!
Napabangon siya.
And she saw Stephen staring at her.
Nakita niya ang pagkislap ng galit sa mata nito.She realized they were in his car.
At nakarecline ang upuan.
Kaya pala komportable siyang nakatulog."Bakit ka na naman uminom Laney"?
Walang emosyong tanong nito.She swallowed nervously.
Na naman?
Ilang beses na ba siya nitong tinanong ni Stephen?
4 or 6 times?
"Diyan ka ba talaga masaya Laney"?
"Kailan ka ba titigil"?
"I'm sorry" napapikit siya.
Ano bang nangyayari sa kanya?
God!Hindi na niya alam ang isasagot niya.
"Maybe we needed space Laney" .
Bigla siyang napatingin dito.
Nag-init ang mga mata niya.
First time niyang narinig dito ang mga salitang iyon.
Dati rati siya ang naghahamon.
Naramdaman niya ang paghigpit ng hininga niya.Nasaktan siya sa sinabi nito.
"No please Stephen no"
She sobbed.Hindi na niya mapigilan ang umiyak.
"I'm sorry it's just that-- I-- I"
"Ilang beses mo nang ginagawa to Laney"?
"5? 6 times"?
Alam ni Laney na galit si Stephen.
Hindi niya kayang ipaliwanag ang nararamdaman niya.Ayaw niyang mawala sa kanya si Stephen.
Lalo ngayon at hindi niya alam ang pinagdadaanan niya.
Maybe she was depressed?
Gusto lng niyang uminom ng walang dahilan.
Maybe she was going crazy?
"Ihahatid na kita" seryosong sabi nito.
"Mag-usap muna tayo please Stephen" nagsusumamong sabi niya.
"Mag-uusap tayo pag wala nang alak sa katawan mo" galit nitong sabi.
Kahit nahihilo pa siya alam ni Laney na hindi talaga makikipag-usap sa kanya si Stephen.
Napabuntong-hininga siya.
Ano bang nagawa niya?
It was her fault!
She wanted to scream.
Hinayaan niya ang mga luhang dumaloy sa mga mata niya.
Ilang beses na siyang nagsorry kay Stephen?
Ilang beses na ba siyang nangako na hindi na siya iinom?
Lahat na iyon ay pinalampas nito.
Pero anong ginawa niya?She hated herself even more!
Pagkahatid sa kanya ni Stephen ay nagpaalam na ito sa Mama niya.
Sinulyapan lng siya nito.
Umantak ang kalooban niya.
It hurts like hell.Dali-dali siyang pumasok bago pa makita ng Mama niya ang kanyang pag-iyak.
Alam niyang nasagad na niya ang pasensiya ni Stephen.
BINABASA MO ANG
Love is not always a happy ending
RomanceI've always been inlove with the concept of being inlove. I often imagine myself as a princess waiting for her knight in shining armor. I've been waiting for that someone to sweep me off my feet. I'm Delaney and this is my story.