It may take sometime to patch me up inside..
Namalayan ni Delaney ang masagang luhang dumadaloy sa mga pisngi niya sa mga ala-ala.
Madilim na sa kinatatayuan niya.
Patuloy pa rin ang pag-ulan.
Halos parang kahapon lang ang lahat.At ngayon makalipas ang isang taon ay babalik siya sa kanila.
Hindi niya alam kung nalimot na siya nito.Sa loob ng isang taon ay ibinaon lamang niya sa sulok ng puso niya ang kanyang damdamin para dito.
Tinatangay ng hangin ang buhok niya.
Basang-basa na siya sa ulan.
At nararamdaman na niya ang lamig na nanunuot sa balat niya.Pinara ni Delaney ang sasakyang dumaan sa harap niya.
----
Agad na nagpalit si Delaney pagkauwi niya sa kanyang apartment.
Lalong lumakas ang ulan.
Lalo siyang nakaramdam ng pag-iisa.Kinuha niya ang alak na nakatago sa kwarto niya.
Kailangan niya ito ngayon.
Naramdaman niya ang init ng alak sa lalamunan niya.Matagal na niyang kinikimkim ang sakit na nasa dibdib niya at kanina ay hinayaan niya ang pagdagsa ng mga ala-ala.
Nanikip ang dibdib niya ng muling maalala ang lahat.
Ngayon niya kailangan ng karamay.Uminom siya ulit.
Nakaramdam siya ng pagkahilo.
Naramdaman niya ulit ang sakit.
And Delaney cried again.Wishing that the pain will go away.
Wishing na sa bawat paglagok niya na alak ay makalimot na siya.Ang sabi noon ng pinsan niya na si tine ay pagtatawanan niya ang bahaging iyon ng buhay niya sa tuwing sasagi iyon sa isip niya.
Parte daw iyon ng pagmomove on at growing up.But her cousin was wrong.
Delaney never outgrew it.Lungkot at panghihinayang ang nararamdaman niya sa sandaling iyon.
Mabigat ang dibdib niyang napabuntong-hininga.
She really needed to go home.
-------
Masakit ang ulo ni Delaney.
Naalala niyang uminom nga pala siya kagabi.
Umantak na naman ang sakit sa dibdib niya.She sighed wearily.
Count 1 to 10 and get up.
Napapikit siya sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana niya.
Pagkatapos ng masamang panahon kagabi ay maganda ang panahon ngayon.Parang sinasabi nito na may magandang araw pang naghihintay sa kanya.
Namuo na naman ang luha sa mata niya.
Tumingin siya sa kisame para pigilan iyon kahit nahihirapan siya.
Pagkatapos maligo ni Delaney inayos niya ang mga gamit niya.
Nakapagdesisyon na siyang uuwi na sa kanila.
Tinawagan niya ang landlady niya at nagpaalam dito.Kahit na napamahal na sa kanya ang lugar na iyon ay may lungkot pa rin siyang naramdaman.
Ang lugar na iyon ang naging kanlungan niya ng isang taon.
-------Mula sa bintana ng sasakyan ay napabuntong-hininga si Delaney.
Iiwan na niya ang lugar kung san niya natagpuan ang solitude niya.
Natatanaw niya ang mga ilaw sa poste sa bawat dinaraanan nila.
Alas sais na ng gabi at alas otso ang flight niya papunta sa probinsiya nila.
Gusto niyang abutin ng tanaw ang lahat ng nadadaanan nila.
Surely mamimiss niya ang lugar na iyon.Hindi niya sinabi sa mama niya na uuwi siya.
Gusto niyang sorpresahin ang mga ito.
Pati na ang mga kaibigan niya.
Tumanaw siya ulit sa bintana ng sasakyan.Trying so hard to hide her tears and fears.
Ang takot niyang umuwi.
Ang takot niyang makita ulit si Stephen.At ang takot niyang malaman na baka may asawa na ito.
Parang piniga ang puso niya sa isiping iyon.
--------
Isang oras naghintay si Delaney sa airport bago ang flight niya.
She looked around once more bago sumakay sa eroplano.
Sobrang bigat ang dibdib niya.
But at the same time she was excited.Inaantok si Delaney.
Hindi niya pinapansin ang katabi niya.
Guwapo nga ito ngunit wala siyang pakialam.
"Hey"
Tawag nito sa kanya.
Hindi niya ito pinansin.
Wala siya sa mood makipag-usap sa kahit sino."Hey" ulit nito.
Nainis siya.
Nagsalubong ang kilay niya sa pagkainis.
"Ano ba"?
Ngumiti ito sa kanya.
Sumingkit ang mata nito sa pagngiti.Lalo siyang nainis.
She hated singkit!
"I'm jeff" pakilala nito sa kanya.
Napabuga siya ng hangin.
Tiningnan niya ito.May perpektong ngipin ito.
Matangkad, may itsura, maputi.
Ngunit singkit!Inirapan niya ito at hindi pinansin.
Ayaw niyang makipag-usap.
"San ang destinasyon mo miss"?
Pangungulit nito."Leave me alone"
Malamig niyang sagot.Ayaw niya sa lahat ay kinukulit siya.
She closed her eyes and tried to sleep.
Narinig niyang pumalatak ito.
Ngunit hinila na siya ng antok.Pagod si Delaney.
Pagod siya sa kakaisip at kakaiyak ng nagdaang gabi.
Iniisip niya ang kahihinatnan ng pag-uwi niya.
Wala siyang balak dagdagan pa ang sakit ng ulo niya sa pakikipagkulitan ng katabi niya.
BINABASA MO ANG
Love is not always a happy ending
RomanceI've always been inlove with the concept of being inlove. I often imagine myself as a princess waiting for her knight in shining armor. I've been waiting for that someone to sweep me off my feet. I'm Delaney and this is my story.