While i'm typing this story i can't help but smile..
Sana isang araw mabasa mo to at mangingiti ka rin..
This is our story..Pagpasok ni Delaney nakangiti lahat ng kaklase nya sa kanya.
Para syang taga outer space kung makangiti ang mga ito.
"Kayo na ni kuya stephen"?
Tudyo ni cherry ann.Namula sya.
Ano bang pinagsasabi nito?
Umangat ang kilay nya.
Pinitik nya ang ilong nito.
"Hindi"
"Naks Laney magkakalove life ka na!" Tukso nito.
Pinaikot nya ang mga mata.
Pati ba naman lovelife nya pinakikialaman.Napatingin sya sa pintuan ng biglang pumasok sila Stephen.
Parang biglang hinalukay ang sikmura ni Delaney pagkakita nya rito.
Kahapon lng magkakasama sila pero ganun pa rin ang epekto sa kanya tuwing nakikita nya ito.
Those chinky eyes na pinagpapantasyahan nya sa gabi bago sya matulog.
Tumingin ito sa kanya.
Una syang nagbawi ng tingin.Parang may kakaiba sa tingin nito.
Parang may gustong sabihin ang mga mata nito."Laney si kuya stephen oh" untag ni cherry ann.
Nagblush sya.
Lagi na lng syang nagbablush kapag tinutukso sya kay stephen.
"Wag nyo naman akong tuksuhin nahihiya ako" bulong nya dito.
Ngunit lalo lng syang tinukso.
Napayuko na lng sya sa pagkapahiya.Kagabi nagtext ito sa kanya kung may pag-asa daw ba ito.
Sinabi nyang wala dahil may gf na ito.Ngunit sinabi nitong wala pa daw.
Hindi nya alam kung paniniwalaan nya si Stephen.Napapansin naman nya na parang may gusto din ito sa kanya.
Mahal na niya si Stephen aminado sya sa bagay na iyon.
Pero hindi sya sigurado kung talagang seryoso ito sa panliligaw sa kanya.
Ni hindi siya nito kinakausap ng matino.Sa text lng malakas ang loob nito.
Halos mag-iisang buwan na itong nagpaparamdam sa kanya.Nagulat sya ng tumabi sa kanya si Stephen.
Tumingin sya dito.
Nakangiti ang mga mata nito.
At hayun na naman ang mga butterfly sa sikmura nya."Patabi ako binibini" bulong nito sa kanya.
Natawa siya sa sinabi nito.
Binibini.
Hindi pare.
Babae na ang tingin nito sa kanya."May zagu ako sa sasakyan kunin mo mamaya"
Tumango na lng sya.
---------------------------------------------------
Pagkatapos ng klase nila.
Sinabayan sya ni Stephen na maglakad habang nakasunod ang dalawa nitong kaibigan.
Pagdating nila sa sasakyan nito ay nakasunod pa rin ang dalawa.
Kinuha ni Stephen ang zagu at binigay sa kanya."Salamat" tipid nyang sabi.
"Okey na ang kiss na bayad sa akin" hirit naman nito.Pinukol nya ito ng masamang tingin.
Tumikhim si Jeam.
"Kami din ay kuya Stephen wala ba kaming zagu"? Sabay tawa.
"Ulol" natatawang sabi ni Stephen.
"Ang tindi" singit naman ni zelle.
Nahihiya sya sa pag-aasaran ng mga ito.
Ngayon lng nya naranasan na may nagbibigay sa kanya ng pagkain at galing pa sa taong mahal nya.
Ngayon lng may nakapansin sa kanya.
Na kahit boyish sya may magkakagusto din pala sa kanya.
Stephen makes her excited and nervous just by looking at him.
He makes her heart beat faster.
Lagi nya itong naiisip.
Alam nyang in love na sya dito.Pero natatakot sya sa damdamin nyang iyon baka ipahamak lng siya sa huli.
At kailangan nyang magdesisyon kung ano ang susundin nya.
Ang puso ba nya o ang isip nya?
BINABASA MO ANG
Love is not always a happy ending
RomanceI've always been inlove with the concept of being inlove. I often imagine myself as a princess waiting for her knight in shining armor. I've been waiting for that someone to sweep me off my feet. I'm Delaney and this is my story.